HINDI ko alam kung naka ilang alak na ako, basta ang alam ko ay umiikot na ang paningin ko.
Pagka galing ko sa duty sa hospital ay agad ako dumeritso sa bar na sobrang sikat ngayon. Ang astig kasi ng interior nito halatang mayaman ang may-ari.
Pagpasok ko palang kaninang 6PM ay agad ako umorder ng inumin. Magpapakalasing ako para ipagdiwang ang pagiging single ko.
Napaka bwesit talaga ni Jett. Ayaw ko nang makita ang mukha niya sa sobrang inis ko sakanya. Magsama sila ng ipinalit niya sa 'kin.
Kaya heto ako ngayon, nagpapakalasing para makalimutan si Jett. Hindi din biro ang relasyon namin. Halos nasanay na ako na nandyan siya
sa 'kin tapos sa isang iglap lang ay hiwalay na kami dahil lang sa isang rason niya.Ang walangyang yun. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa 'kin ng confrontahin ko siya kahapon. Dalawang araw na ang nagdaan simula nang makita ko siya na may ka holding hands na babae.
"Nasaan ka kahapon?" tanong ko nang makalapit siya sa harap ko.
"Nasa work lang ako kahapon, babe." Sagot niya sa 'kin na halatang nag sisinungaling. Ang sarap niyang tanggalan ng ngipin.
Nakakatawa pala kapag alam mong nag sisinungaling ang isang tao tapos alam mo ang totoo.
"Ahh.. ganun ba. Ibig sabihin lang ba nito ay hindi ikaw 'to?" Tanong ko sakanya sabay pakita sa cellphone ko. Buti nalang talaga ay na picturan ko pa siya n'ong isang araw. Nakuha ko parin mag picture kahit ang sama ng loob ko.
Hanggang nga sa makauwi ako ng araw na yun ay nakatitig lang ako sa phone ko. Halos maiyak ako habang pinagmamasdan ang kuha ko sakanila ng babae na nakangiti.
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa screen ng cellphone ko.
"L-Let me explain, Heart." Sabi niya sa 'kin sabay abot sa kamay ko. Mabilis ko namang inagaw ang kamay ko saka ko siya sinampal ng napaka lakas-lakas. Maliit akong babae pero kaya kong sumampal ng tao. Sisiguraduhin kong mamamaga ang mukha niya pag natamaan.
"Explain your face! Gusto mong isampal ko 'to sayong cellphone ko ha!" Galit kong sigaw sakanya. Halos napalingon samin ang mga dumadaan sa sobrang lakas ng boses ko. Wala akong pakialam kung tumingin sila samin.
Hindi naman siya sumagot, bagkos ay yumuko lang 'to na parang tanga. Ang sarap ihampas ang ulo niya sa lamesa.
"Sumagot ka! Hindi yung yuyuko ka dyan. Tadyakan kita eh!!" Sigaw ko ulit sakanya.
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin saka 'to nagsalita. "It's your fault. Kung sana pinagbigyan mo ko sa gusto ko. Eh di sana hindi ako naghanap ng iba. Heart, naman ang tagal na natin, hindi mo parin mabigay-bigay ang gusto ko—"
Mabilis ko siyang sinampal sa kabilang mukha kaya napatigil naman siya sa pagsasalita. Ang bwesit na 'to, dahil lang sa hindi ko siya mapag bigyan kapag niyaya niya akong makipag sex. Three years ko na siya mahigit naka relasyon tapos yun lang pala ang habol niya sa 'kin.
"Tama lang na hindi ko binigay sa'yo ang pagkababae ko dahil wala ka namang kwentang tao. At tsaka, bakit ko ibibigay ang saril ko sa'yo, eh hindi naman yan malaki." Sabi ko sabay nguso sa pantalon niya kung saan ang birdy niya.
"Kung ibibigay ko man ang sarili ko do'n na ako sa mahaba at mataba." Dagdag kong sabi saka tumayo sa kinauupuan ko.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Roman d'amour[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.