MALAPIT NA MAG ONE year old ang anak kong si Lufhier Ang bilis ng panahon talaga, may makulit na akong anak.
Nasa kuna si Lufhier habang naglalaro sa laruan na kotse-kotse. Nagtataka nga ako dahil pag bukas ko ng pinto ng umagang yun ay may nag-iwan ng laruan na kotse sa pinto namin. Akala ko nga naiwan lang ni Dodong dito nong naglaro siya pero sabi niya ay hindi daw sakanya.
Kinuha ko nalang ito at ibinigay kay Lufhier na nagustuhan naman niya agad. Naging favorite toy na nga ng anak ko, palagi niyang dala-dala ito, maging sa pagtulog ay hawak-hawak niya ito.
Sa sumunod na araw ay may nag-iwan ulit ng stuff toys sa labas parin ng bahay. Isang teddy bear ito na kulay brown, ibinigay ko ulit sa anak ko na nagustuhan na naman niya ulit.
Nagtataka tuloy ako kung sino ang nag-iiwan ng laruan sa labas ng bahay namin. Maging si Caleb ay wala din idea kung sino.
Lumabas ako ng bahay habang karga-karga si Lufhier daily routine namin 'to every morning ay pinapasikatan ko siya ng araw at hinahayaan maglaro kahit saglit.
Habang nasa labas kami ay hawak na naman niya ang kotse-kotse, ayaw talagang bitawan.
Inilibot ko ang mata ko para tignan kong may sasakyan ba para sana ibaba ang anak ko para maglakad-lakad.
Napansin ko sa may unahan na may naka paradang itim na sasakyan. Hindi ko kilala ang kotse, ngayon ko lang nakita ito dahil laging trycle lang naman ang nandito sa barriong 'to.
Hindi ko nalang pinansin saka ibinaba si Lufhier sa kalsada. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay saka nagsimulang maglakad. Natatawa ako habang nakikinig sa hagikhik ng anak ko.
"Pag talaga gala anak ha!" saad ko. Gustong-gusto kasi nito na nasa labas palagi. At kapag uuwi na kami sa bahay ay dyan na siya iiyak.
Pabalik-balik lang kami naglalakad hanggang sa sumulpot si Caleb. Agad natuwa ang anak ko at gustong lumapit kay Caleb. Kinuha naman sakin ni Caleb si Lufhier saka ito itinaas kaya tuwang-tuwa ang anak ko. Magkasundo talaga sila ng ninong Caleb niya.
Pumasok narin kami sa bahay dahil masakit na ang sikat ng araw. Napatingin pa ako sa kotse na naka parada sa may unahan bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Naghahagik-hikan pa ang dalawa sa loob ng bahay kaya agad kong hinanda ang panligo ni Lufhier. Si Caleb kasi ang magpapa ligo sakanya kapag ako kasi ay iiyak lang sakin at maghahabol sa ninong niya.
"Naka ready na ang panligo ni Lufhier," sigaw ko kay Caleb.
Narinig ko naman ang yapak ni Caleb habang buhat-buhat si Lufhier na wala ng saplot, kitang-kita tuloy ang taba niya sa katawan.
"Dada duck.."cute na sabi ni Lufhier na pinapakuha ang laruan niyang duck, lagi kasi niya itong pinapalanggoy sa planggana.
"Wait baby, dada will put you first, okay!" saad ni Caleb na inilapag si Lufhier sa maliit na bath tub kaya agad hinampas ng anak ko ang tubig pagka lapag ni Caleb sakanya kaya nabasa tuloy si Caleb, tumawa naman ang anak ko ng makitang nag ku'kunwaring umiiyak si Caleb.
Umalis nalang ako doon at hinayaan silang mag ninong. Hinanda ko muna sa sala ang damit ni Lufhier at ang pabango niya at kung ano-ano pa. Mamaya pa yun matatapos dahil mag lalaro pa sila ng ninong niya.
Nang ma'ayos ko ang gamit niya ay agad akong lumabas ng bahay para sana mag walis sa bakuran. Ngunit nagulat ako ng pag bukas ko ng pinto ay may nakita ako.
Halos hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko habang hawak ko ang pintuan, nakatitig lang ako sakanya at nagtataka kung bakit siya nandito.
"Lucifier.." mahinang sambit ko sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.