Chapter 12

29.9K 696 49
                                    

NAGISING AKO NA PARANG MAY humahalik sa leeg ko. Agad kung minulat ang aking mga mata at agad nakita si Lucifier na parang inaamoy ang leeg ko. Mukang natulogan ko ang pag hihintay sakanya kanina.

Agad ko siyang tinulak dahilan para matigil ito sa pag halik sa leeg ko. Akala ko ay may sasabihin ito, ngunit hindi man lang siya nagsalita. Mataman lang niya akong tinitigan at agad nag iwas ng tingin.

"Kumain kana ba?" tanong ko para mabasag ang katahimikan naming dalawa. Tumango naman siya agad saka ito tumayo saka nag lakad patungo sa banyo.

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa ginagawa niyang trato sakin. Sana man lang sabihin niya kung may nagawa akong mali.

Bumangon ako sa kama at agad lumabas ng kwarto. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naisipan kong pumunta ng kusina.

Kumuha lang ako ng isang basong tubig at agad na ininom yun. Napadako ang mata ko sa wall clock na naka sabit, 1AM narin pala, ngayon pa siya naka uwi.

Naramdaman ko na parang may nakatingin sa likod ko kaya hindi ako lumingon. Alam ko naman kasing si Lucifier yun kahit hindi ako lumingon. Tinapon ko sa lababo ang natirang tubig sa baso ko at agad na hinugasan ang basong ginamit ko at ibinalik ito sa lalagyan saka ako lumingon sa gawi ni Lucifier.

Nakatayo siya habang nakasandal ang likod niya sa island counter. Nakatingin lang siya sakin habang ang dalawang kamay niya ay nasa bulsa ng jogger pants niya.

Walang emosyon ko siyang tinignan at agad nag lakad para sana lagpasan siya. Ngunit napatigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang isa kong kamay. Agad ko siyang nilingon at nagbabakasakali na may sasabihin siyang importante sakin. Binasa ko ang ibabang labi ko gamit ang dila ko saka ako nagsalita. "May kailangan ka?" tanong ko. Ngunit hindi naman siya nagsalita.

Napa iwas ako ng tingin saka hinila ang kamay ko na hawak niya. "Nakakapagod din palang hintayin ka," sabi ko at agad na umalis sa harap niya.

Agad akong umakyat sa hagdan at tinungo ang kwarto ni Lucifier.

Nang maka pasok ako ay agad kung kinuha ang maleta ko at ang isa ko pang travelling bag.

Kung ayaw niya na sakin dapat lang na umalis na ako dito sa bahay niya.

Hindi ko napigilan umiyak habang nilalagay ang mga damit ko sa maleta. Narinig ko ang pag bukas ng pintuan at ang yapak ni Lucifier kaya pinagpatuloy ko ang pag iimpake ko kahit alam kung naka tingin siya sakin.

Inaasahan ko na pipigilan niya ako, ngunit wala man lang akong narinig mula sakanya. Pinahid ko ang luha na nasa pisngi ko at agad na isinara ang maleta.

Kinuha ko ang isang travelling bag at agad naglakad sa lagayan ng mga sapatos at sandals ko. Inilagay ko yun sa bag at kinuha ang isa kung pares na tsinelas.

Nakatayo naman si Lucifier sa gilid habang naka yuko ito. Na bwe'bwesit na ako sakanya, gustong-gusto ko ng sumabog sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Dapat hindi mo na ako nilapitan pa Lucifier kung ganito lang din pala ang gagawin mo sakin." umiiyak kung sabi. Hindi ko na mapigilan ang inis ko, gusto kong sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung may nagawa ba ako sakanya, mas malala ito dahil hindi niya ako pinapansin.

"Dapat talaga hindi na ako naniwala sayo eh," sabi ko sabay tawa ng pilit. "Dapat nakinig nalang ako sa mga sinabi nila na layuan ka. Ano!! Kaya ba ganyan ang pakiki tungo mo sakin.. dahil nakuha mo na ang gusto mo mula sakin??" Sigaw ko sakanya, mapait akong tumawa dahil wala man lang akong nakuhang sagot mula sakanya.

"Sana talaga hindi nalang kita nakilala, Lucifier." seryoso kung sabi na ikina angat ng mukha niya. Nakita ko naman sa mga mata niya ang pagdaan ng lungkot ngunit hindi ako nagpa apekto. "Alam kung may kasama kang babae, Lucifier. Nakita kita. Sana kung ayaw mo na sakin.. sana sabihin mo ng maayos dahil hindi naman ako mang huhula para hulaan ang nararamdaman mo. Kung tapos ka na sa katawan ko, sabihin mo lang, hindi yung para akong tanga na nag iisip na kung may nagawa ba akong kasalanan sayo. Pinaka ayaw ko sa lahat ay tina'trato akong tanga. Ayaw mo akong kausapin, lagi mo akong iniiwasan. Hindi mo ba alam na nakakasakit kana? Mas masahol kapa kay Jett, atleast siya ay kinakausap ako kahit niloko na niya ako. Eh, ikaw.. silent treatment ang ginagawa mo sakin na hindi ko malaman kung may nagawa ba akong pagkakamali. Kung may iba kana dapat sabihin mo, hindi yung pinapaasa mo ako.. dahil ang sakit umasa lalo na't unti-unti na kitang minamahal. Kung alam ko lang na magkaka ganito   dapat napigilan ko ang sarili ko na mahalin ka. Dapat sinabi mo sakin na sex lang ang habol mo para mapigilan ko ang sarili ko. Hindi katulad ngayon, para akong namatay sa sakit." Umiiyak kung sabi sakanya habang hawak ko kung saan ang puso ko.

Pinahid ko ang mga luha ko at parang baliw na tumawa. "Oo nga pala, wala nga palang tayo. Kaya dapat hindi ako umarte ng ganito." natatawa kong sabi sabay pahid ng luha ko.

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko habang nakatingin kay Lucifier na naka yuko. Huminga ako ng malalim saka sinukbit ang travelling bag sa balikat ko. Naglakad ako palapit sa maleta ko at agad na hinila 'yon.

"Alis na ako." sabi ko at agad na nilagpasan siya. Binuhat ko ang maleta ko pababa ng hagdan hanggang sa makarating ako sa sala.

Nang makababa ako ay agad kung kinuha ang phone ko para mag book ng masasakyan, sana lang ay may makuha ako lalo na't madaling araw na.

Naglalakad ako palabas ng subdivision habang hila-hila ko ang maleta ko. Sobrang tahimik ng lugar dahil tulog na ang mga tao. Napahinto ako sa paghakbang ng mapansin ko na naka sando lang pala ako. Sa galit ko kanina ay hindi man lang ako nakapag bihis ng damit.

Bwesit na lalaking yun, hindi parin nagsalita. Pinatunayan lang niya na wala lang ako sakanya. Manloloko talaga siya. Hindi ko makakalimutan ang nakita ko ng maka uwi ako kahapon galing sa hospital.

Dumaan ako sa mall para bumili ng cerelac ni Lucifier dahil ubos na ang stocks niya sa bahay. Naka ngiti pa ako habang binabayaran ang binili kong cerelac sa cashier. Agad akong lumabas sa grocery store para maka uwi na sa bahay. Ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko sa unahan. Napatigil ako sa paglalakad habang nakatingin sa magkayakap na dalawang tao. Si Lucifier at ang babae na kasama niya sa kotse niya n'ong umagang yun. Napadako ang tingin ko sa tyan ng babae at unti-unting nanlaki ang mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang umbok na tyan ng babae. Dali-dali akong umalis doon na halos hindi ko alam kung saan ako lalabas sa mall dahil para akong wala sa sarili. Kahit nakita kong may kasama si Lucifier ay sa bahay parin niya ako umuwi. Gusto ko siyang maka usap at humingi ng paliwanag, baka kasi mali lang ako ng pagkaka intindi eh.

Napabuntong hininga nalang ako hanggang sa maka labas ako ng tuluyan sa gate ng subdivision. Binati pa ako ng mga naka duty na guard nang makalabas ako.

Nasa gilid lang ako ng kalsada habang nag a'abang ng masasakyan. Mas lalo pa akong na'bwesit ng wala talagang tumatanggap ng booking ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko habang inuulit ang pag book.

Agad napa angat ang tingin ko ng may huminto sa harap ko na taxi. Bumaba pa ang driver para tulungan ako sa pag buhat ng bagahe ko kahit hindi ko naman siya tinawag. Napa titig naman ako kay kuya driver nang mapansin ko na siya yung nasakyan ko kahapon ng umaga.
Ang galing naman ni manong.

Agad akong pumasok sa backseat at hinintay na maka pasok ang driver.

"Saan po punta mo Ma'am?" tanong sakin ni kuya.

"Sa Deavon hotel po manong." sagot ko agad. Tumango naman siya at pina-usad agad ang sasakyan. Napasandal nalang ako sa likod ng upuan habang iniisip si Lucifier. Tinatanong ko ang aking sarili kung iniisip ba niya ako ngayon. Kung nag aalala ba siya sakin. Malamang hindi Heart, hindi ka nga hinabol eh.

Napatampal nalang ako sa aking nuo ng marinig ko ang munting boses sa isip ko. Tama nga rin naman, bakit naman niya ako iisipin. Alam kong nagbago siya dahil sa babae niya, lalo na't magkaka anak pa sila ng babae. Tama lang din ang desisyon niya na piliin ang babaeng yun. Hiling ko lang para kay Lucifier ay sumaya siya kasama ang napili niyang babae, kahit hindi na ako basta't maging masaya lang siya, ayos na ako n'on.

Pipilitin ko din maging masaya para samin ng magiging anak ko kahit wala si Lucifier sa tabi namin. Kakayanin ko naman siguro yun at pipiliting tanggapin ang katotohanan na hindi kami para sa isa't-isa.





A/N: mapanakit muna tayo for today's update. 🙄

Assassin Series 5: Lucifier MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon