Chapter 17

29.3K 706 120
                                    

PILIT KUNG KINAKALIMUTAN ang sagotan namin ni Caleb kanina. Nandilim ang paningin ko ng makita ko sa satellite na hawak ni Atticus na magkasama sila ni Heart two months ago.

Alam kung wala na akong karapatan para magalit ngunit hindi ko lang matanggap na magkasama silang dalawa, kumukulo talaga ang dugo ko kay Caleb. Matagal tagal ko narin siyang hinahanap dahil gusto ko siyang maka usap kung anong relasyon nila ni Heart.

Ngunit hindi ko siya mahanap, kahapon lang ay dumating ito sa meeting ng grupo namin kaya agad nandilim ang paningin ko at hindi ko na pigilan ang sarili ko na masuntok siya.

Mas lalo lang akong nainis tuwing pumapasok sa isipan ko ang imahe na magkayakap sila ni Heart sa entrance ng hotel. Hanggang sa sumama si Heart kay Caleb at pumasok ito sa loob ng kotse ni Caleb. Inutusan ko si Atticus na ipakita sakin ang scene kung saan sila nag punta pagkatapos n'on, ngunit walang nakitang scene.

Kaya agad akong pumunta sa bahay ni Ruwi ng araw na yun para makita ko yun. Alam kung siya lang ang pwedeng gumawa n'on lalo na hawak ni boss Lucian ang pinaka malaking satellite. Ngunit walang sinabi sakin si Ruwi, bagkos ay kinampihan niya si Caleb na mas lalo ko lang kina inisan.

Muntik ko ng mapatay si Caleb kanina sa sobrang inis ko, kung hindi lang ako napigilan ni Salem at Ruwi ay malamang pinag lalamayan na nila ang bangkay ni Caleb. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nakita ko two months ago.

Napabuntong hininga ako bago ininom ng deritso ang alak. Hindi ko mapigilang hindi magalit kay Ruwi, dapat ako ang kinakampihan niya ngunit kay Caleb siya pumanig.

"Kuya Lucifier, masyado ka ng lasing. Tama na yan!"

Napa angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Kier. Nasa bar kasi niya ako. Agad akong tumungo rito matapos ang suntokan namin ni Caleb kanina.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan si Heart. Para na akong baliw kakahanap sakanya.

Mapait akong tumawa ng maalala ko na wala na nga pala akong karapatan kay Heart. Pero, heto ako, nagseselos ng makita ko silang magkasama ni Caleb ng araw na yun.

Agad akong tumayo at nag lapag ng pera sa harap ni Kier. "Teka, kuya Lucifier.." tawag sakin ni Kier na hindi ko pinansin saka naglakad ng deri deritso palabas ng bar. Sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. Napapikit nalang ako habang iniisip ang naka ngiting mukha ni Heart. I want to see her. Mababaliw na yata ako kung hindi ko siya mahahanap. Gusto ko lang naman maka sigurado na nasa maayos siyang lugar.

NAPABALIKWAS AKO NG bangon ng marinig ko ang pagdating ni Caleb. Napatingin pa ako sa wall clock para tignan ang oras. Agad akong lumabas ng kwarto habang hinahaplos ng isang kamay ko ang naka umbok kong tyan.

Saktong nasa sala na ako ng bumukas ang pintuan ng main door at pumasok doon si Caleb.

"Anong nangyari sayo?" nag aalala kong tanong ng makita ko ang dumudugo niyang labi, agad akong lumapit kay Caleb. Kahit matangkad siya ay pilit kong inabot ang mukha niya.

"Saan mo nakuha 'to?" tanong ko sakanya, hinawakan ko ang kamay niya at hinila ito paupo sa sofa.

Hindi naman ito nagsalita kaya agad ako kumuha ng first aid kit na naka lagay sa kusina. Agad akong bumalik sa sala saka umupo sa tabi ni Caleb. Naka yuko lang siya habang naka tingin sa kamao niya, doon ko lang napansin na may sugat din ang kamao niya.

"Anong nangyari sayo, Caleb? Saan mo 'to nakuha?" tanong ko ulit sakanya. Hinawakan ko ang baba niya saka inangat ito para magamot ang pumutok niyang labi sa gilid.

"Napa away lang ako," sagot niya.

"Bakit ka naman nakipag away?" tanong ko habang hinihipan ng mahina ang sugat niya ng mapansin ko siyang ngumiwi.

Assassin Series 5: Lucifier MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon