Chapter 14

29.9K 739 55
                                    

NAGISING AKO DAHIL sa nariring kung may nag uusap sa tabi ko. Unti-unti kung minulat ang mga mata ko at agad na pinalibot ang tingin sa kwarto.

"Are you okay, Miss Aguilar?"

Naka ilang kurap ako hanggang sa luminaw ang paningin ko at nakita ang mukha ni Doc. De Silva. Doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako.

"Doc. De Silva?" mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"Yeah, It's me. Are you okay?" tanong niya ulit sakin. Dahan dahan akong tumango habang nakatingin kay Doc.

Tinignan lang ako ni Doc. De Silva hanggang sa masiguro niya na maayos na ang lagay ko. Kwenento sakin ni Doc. De Silva na sinugod daw ako sa hospital dahil nawalan daw ako ng malay.

Agad akong humingi ng tulong kay Doc na ilabas ako sa hospital, ayaw kung malaman ni Doc. Salem na nangyari ito sakin, at mas lalo ng ayaw kung malaman ni Lucifier ang nangyari sakin.

Hindi naman nagtanong si Doc. De Silva sa rason ko pero ginawa parin niya ang hiling ko. Halos maiyak ako sa nangyari kanina, nakita ako ni Doc. De Silva na umiiyak kaya agad niya akong pinatahan. Pinagbawal niya muna akong ma'stress lalo na't muntik na malaglag ang baby ko. Dahil sa sobrang stress ko ay dinugo ako ng husto.

Pinapaiwas ako ni Doc. De Silva sa stress, hindi ko naman mapipigilan yun dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Mahina kung hinaplos ang tyan ko habang humihingi ng tawad sa anak ko. Muntik ko na siyang mapahamak, kung hindi don sa ale ay baka nawala na ng tuluyan ang anak ko.

Tahimik akong naka upo sa passenger seat habang si Doc. De Silva naman ay palipat lipat ang tingin sa daan at sa gawi ko.

"Saan ka umuuwi para maihatid kita," pambabasag ni Doc. De Silva sa katahimikan.

Sinabi ko lang sakanya kung saang hotel ako naka stay. "Are you sure na okay ka lang mag-isa?" tanong niya ulit sakin, naka sampong tanong na yata siya sakin.

"Thank yo po Doc. De Silva." saad ko habang pilit na ngumingiti.

"Ano kaba! Apollo nalang, wag na Doc. De Silva, wala naman tayo sa hospital kaya Apollo itawag mo sakin." seryoso niyang sabi. Tumango naman ako sakanya sabay tingin sa labas.

"Make sure na inumin ang vitamins okay? Kailangan yun ng baby mo kaya wag kang pasaway." sabi niya sakin.

"Apollo.."

"Hmm?"

"Pwede bang wag mo ng ikwento sa iba na buntis ako? Pwede bang tayo nalang dalawa ang makaka alam nito? Balak ko na kasing mag resign sa hospital kaya sana wala ng maka alam pa nito." malungkot kong saad.

Tumango naman siya at may kinuha ito saka inabot sakin. "Wag kang mag alinlangan na tumawag sakin, Heart lalo na kung kailangan mo ng tulong sa panganganak mo." sabi niya sakin, agad ko namang inabot ang calling card niya saka ito tinitigan. Ngumiti ako kay Apollo at nag paalam sakanya.

Bumaba ako ng kotse at dahan dahan ako naglakad hanggang sa makapasok ako sa hotel. Kinausap ko lang ang staff at humingi ng pasensya. Mabuti nalang ay nadaan sila sa pakiusap kaya pinayagan nila akong kunin ang mga gamit ko. Tinulungan pa ako ng isang staff para mailabas ang mga gamit ko.

Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagan ang kapatid ko ngunit biglang nag bago ang isip ko. Alam ko kasing maraming problema ang kapatid ko tapos dadagdag pa ako, ayaw ko naman din umuwi sa probinsya dahil baka ako lang ang maging agahan, tanghalian at hapunan sa tsismis doon.

Napabuntong hininga nalang ako ng hindi ko malaman kung saan ako pupunta. Umupo nalang muna ako sa waiting area ng hotel habang naghahanap ng ma'uupahan.

Assassin Series 5: Lucifier MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon