Epilogue

37.7K 812 165
                                    

INAAYOS KO ANG basket na may lamang bulaklak na pinitas ko kanina sa garden nila Ruwi. Nakabihis narin ako pati ang anak kong si Lufhier. Naghahanda kasi kami sa pag alis namin.

Agad akong naglakad papunta sa sala para kunin ang anak kong si Lufhier na naghihintay sa 'kin.

"Let's go, anak. Baka kanina pa tayo hinihintay ni mommy," saad ko sa anak ko saka ko siya binuhat. Ang isa kong kamay ay hawak ang basket na may lamang bulaklak. Mismo ako ang nag-ayos ng flowers para kay Heart ko.

Lumabas ako ng bahay at naglakad patungo sa gate. Nabungaran ko ang mukha ni Salem ng tuluyan kaming makalabas ng gate. Karga-karga niya ang bunso niyang anak na si Hannah na pinapasikatan niya ng araw.

"Aalis kayo?" Tanong niya sa 'kin ng makita niya kami.

"Oo, dadalawin namin si Heart." Nakangiti kong sagot.

"Sige, ingat kayo." Saad ni Salem na ikinatango ko.

"Nga pala, punta kayo sa bahay ko mamaya para mag dinner ha!" Pahabol niyang sabi.

"Sige." Tipid kong sagot kay Salem at agad naglakad papunta sa nakaparada kong kotse sa labas.

Ibinaba ko muna si Lufhier saka binuksan ang passenger seat para ilagay ang basket na dala ko. Nang mailagay ko yun ay agad kong binuksan ang pintuan ng backseat at inilagay ang anak ko do'n. Nang maiayos ko si Lufhier ay agad kong isinara ang pinto saka tinungo ang driver seat.

Agad kong binuhay ang makina ng kotse saka pinausa 'to.

Habang nagmamaneho ako ay palipat-lipat ang tingin ko sa daan at rear view mirror at tinitignan ang anak kong one year old mahigit. Tumataw siya habang nanonood sa tablet niya ng cocomelon. Napangit nalang ako ng marinig ko ang hagikgik ng anak ko.

Nakarating kami sa cemetery kaya agad kong ipinark ang sasakyan at agad bumaba sa kotse. Kinuha ko muna ang basket bago ang anak kong si Lufhier saka kami naglakad kung saan naka libing si Heart.

Araw-araw namin binibisita ang puntod niya. Minsan nga kapag sobrang lungkot ko ay dito na ako tumatambay at iniiwan ko si Lufhier kay Caleb o hindi kaya kay Ruwi.

"Heart ko, nandito na naman kami ng anak mo," nakangiti kong sabi habang nakaharap sa lapida ni Heart. Inilapag ko ang basket na dala ko saka umupo sa damuhan. Agad ko namang kinandong si Lufhier bago sinindihan ang kandila na dala ko.

"Kamusta ka na dyan, Heart ko? Sana nasa maayos na lugar ka ngayon." Pagkakausap ko sa lapida niya saka hinaplos ang pangalan niya.

"Miss na miss na kita, mahal ko." Mahina kong sambit at napa-iyak sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. Tuluyan na nga akong iniwan ni Heart at kahit anong gawin ko ay hindi ko na siya makakasama. Hindi ko na masisilayan ang mga ngiti niya. Hanggang sa alaala nalang lahat. Isang magandang alaala.

Napatigil ako sa pagsasalita ng may marinig akong ingay. Napalingon-lingon pa ako at hinahanap kung saan nang gagaling ang ingay na yun. Para kasi itong alarm clock.

Hinihingal akong napabalikwas ng bangon sa kama ng marinig ko ang tunog ng alarm clock. Hinilot ko ang aking sentido at agad ipinalibot ang tingin sa kwarto. Tangina! Napabuga ako ng hangin habang kinakapa ang dibdib ko. Lagi nalang akong nanaginip na dinadalaw ko si Heart sa simenteryo. Kung hindi pa tumunog ang alarm clock ay hindi ako magigising sa masamang panaginip na yun.

Agad kong nilingon ang pinakamamahal kong asawa na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Niyakap ko siya agad saka hinila palapit sa 'kin. Hindi pa ako nakuntento at ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya.

Three years ago, nang mangyari ang trahedyang ayaw ko ng maalala. Takot na takot akong maulit yun kay Heart.

Naalala ko pa ng sinabi sa 'kin ni Salem na patay na si Heart. Maging ang mga kasama niyang doctor ay dineklara na ang oras ng pagkamatay ng asawa ko. Halos mamatay ako ng makita kong tinatakluban ng kumot ang katawan ni Heart.

Assassin Series 5: Lucifier MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon