NAGLULUTO ako ng pumasok si Theo sa kusina. Masama ko siyang tinignan ng kumuha siya ng lumpiang shanghai na niluluto ko. Hindi pa kasi ako tapos magluto.
Nakabalik na samin si Ruwi. Nagulantang kaming lahat ng malaman naming kasal na siya sa isang makapangyarihang mafia lord sa buong mundo.
Hinayaan na namin si Ruwi dahil nakikita naman naming masaya siya kay Lucian.
Nagluluto ako ng shanghai dahil request 'to ni Ruwi. Nagdadalang tao na kasi siya sa unang anak nila ni boss Lucian.
Nandito narin kami sa Pilipinas. Ang huli ko lang natandaan ay na kidnap ako dahil bumili ako ng cerelac sa isang grocery store do'n sa Russia.
Umuwi kami lahat dito sa Pilipinas. At dito na ako nagpagaling.
I smiled nang maalala ko ang pandak na babae na nag alaga sa 'kin.
Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ang babae dati sa grocery store five years ago. Hindi parin nag bago ang height niya, ganun parin.
Hanggang sa nakalakad na ako ulit matapos ang nangyari sa 'kin sa Russia. Kinuha naman sa 'kin ni Salem ang babaeng nag aalaga sa 'kin kaya medyo nainis ako. Inalok siya ni Salem bilang secretary niya ng matapos niya akong alagaan.
Ang bwesit ni Salem na yun, hindi man lang ako tinanong kung papayag ako. Basta-basta lang niya kinuha si Heart sa 'kin.
Gusto ko pa naman makita ang minion na babeng yun.
"Tulungan mo ko ayusin ang lamesa." Utos ko kay Theo.
Mabilis naman siyang sumunod at inayos ang lamesa. Naglagay siya ng mga plato, kutsara at tinidor.
Narinig ko ang pagbukas ng gate kaya natigilan ako. I think dumating na si Ruwi.
Hinihintay ko lang siyang pumasok sa bahay. Inilapag ko naman sa mesa ang menudo na niluto ko din.
"I'm hungry!" Bungad ni Ruwi ng makapasok siya sa kusina.
Medyo halata na ang tyan niya dahil five months na siyang buntis.
Tumingin ako sa likod niya at nagulat ako ng hindi ko makita ang buntot niyang asawa. Hindi kasi siya pinapayagan ni Lucian lumabas ng bahay na hindi siya kasama.
"Nasaan, asawa mo?" Tanong ko kay Ruwi.
Umupo muna siya sa upuan para umupo. Nahirapan pa siya dahil sa laki ng tyan niya kaya lumapit ako para tulungan siya.
"Nasa office. Kaya dito na muna ako mang gugulo sa'yo." Sagot niya sa 'kin. Tumango nalang ako at kinuha ang tinimpla kong juice saka ko nilagyan ang baso ni Ruwi.
Umupo narin si Theo sa tabi ni Ruwi para kumain.
Nagsimula kaming kumain tatlo habang nagkwe-kwentuhan. Ganado namang kumakain si Ruwi kaya natutuwa ako.
"Sakto dating namin." Biglang sigaw ni Aizen ng makapasok sila sa kusina kaya napalingon kami sa gawi nila. Kasama niya si Atticus at Levi.
Binati nila si Ruwi at akmang hahaplusin na sana ni Aizen ang tyan ni Ruwi ng pigilan siya ni Atticus.
"Wag mo ng subukan. Baka magkabali-bali lang yang mga daliri mo." Sabi ni Atticus.
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Paano ba naman kasi napaka seloso ni Lucian. Ayaw na ayaw niyang hinawakan ang asawa niya. Hindi tuloy namin mahaplos ang tyan ni Ruwi. Dahil siya lang daw ang pwedeng humaplos sa tyan ng asawa niya. Napaka possessive talaga.
Umupo na ang tatlo at nagsimula narin kumain. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sakanila na aalis muna ako. Sila na muna ang pinabantay ko kay Ruwi.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.