HINDI KO PINAPANSIN ang lalaking naka sunod sakin, bahala siya sa buhay niya. Actually, kahapon ko pa siya hindi pinapansin nang matapos kami kumain sa restaurant.
Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ako na badtrip kahapon dahil sa babaeng lumapit kay Lucifier. At ito namang lalaking ito ay todo deny na hindi daw niya kilala ang babae. Akala naman niya magseselos ako, eh parang kapatid lang naman ang turing ko sakanya.
Pumasok ako sa office ni Doc. Salem saka malakas na isinara ang pinto para hindi maka sunod si Lucifier dito sa loob.
Mainit talaga ulo ko, kahapon pa. Agad kong chineck ang mga inilagay na folder sa table ko para ibigay kay Doc. Salem. May mga nag re'request kasi ng bagong kagamitan para sa hospital na kailangan ng pirma ni Doc. Salem.
Tumingin ako sa pinto dahil hindi sumunod si Lucifier dito sa loob. Hindi naman kasi siya ganito kapag sinasarhan ko siya ng pinto, pumapasok parin naman siya.
Pinulot ko ang folder at naglakad patungo sa pinto para alamin kung nasa labas ba si Lucifier. Binuksan ko ang pintuan at akmang hahakbang na sana ako ng makita ko ang hindi kanais-nais. Nagulat pa yata silang dalawa dahil mabilis silang humiwalay sa isa't-isa. Nanlaki naman ang mata ni Lucifier habang nakatingin sakin.
"Heart.."
Pinawalang emosyon ko ang mukha ko saka ako tuluyang lumabas at naglakad papunta sakanila. Hindi ko tinignan silang dalawa saka ko nilagpasan ang mga ito. Magsama silang dalawa. Ang mga walanghiya, dito pa talaga naghahalikan sa hallway.
Bakit nandito ang babaeng 'to. Mas lalo lang niya sinira ang araw ko na kahapon pang sira.
Narinig ko naman ang pagtawag ni Lucifier sa pangalan ko, ngunit hindi ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. Napaka demonyo talaga niya, bagay talaga sakanya ang pangalan niya.
Agad akong lumapit sa information desk saka walang sabi-sabing inabot ang folder kay nurse Melissa sabay talikod at bumalik sa opisina ni Doc. Salem. Sana wala na sila doon para hindi na sumakit ang mata ko.
"Heart!"
Agad akong napalingon ng marinig kong tinawag ang pangalan ko. Tumatakbo papunta sakin si sir Caleb. Kaibigan ito ni Doc. Salem at ni Lucifier kaya naging magkaibigan din kami dahil lagi itong dumadalaw sa bahay ni Lucifier.
Ngumiti ako kay Caleb nang makalapit siya sakin. "Oh, anong atin?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang umakbay sa balikat ko.
"Dinadalaw lang kita, bakit bawal ba?" naka ngisi niyang sabi. Inirapan ko siya dahil alam ko naman na may kailangan siya sakin. Nagpapareto kasi ito sakin sa bagong pasok na nurse dito sa Herreros hospital.
"Tara, libre kita kape." sabi niya sakin saka ako hinila. Nagpatianod naman ako sakanya nang may humawak sa kamay ko dahilan para mapahinto kaming dalaw ni Caleb. Lumingon ako sa likod ko at nakita ang madilim na mukha ni Lucifier.
"Take your fucking hands off her, Caleb." galit niyang sabi kay Caleb. Naguguluhan naman na nakatingin si Caleb kay Lucifier saka sakin. Palipat-lipat ang tingin niya saming dalawa.
Agad kong hinila ang kamay ko na hawak ni Lucifier saka hinawakan si Caleb sa braso saka kami naglakad ulit. Bahala si Lucifier sa buhay niya.
Nang makarating kami sa pantry ay naghanap lang kami ng bakanteng upuan. Bumili din si Caleb ng tag-isang kape at agad na inabot yun sakin. Agad kong ininom yun saka tumingin kay Caleb.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 5: Lucifier Montenegro
Romance[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.