"BEVERLY...Beverly...mahal na mahal kita. Beverly," ungol ni Stephen habang nagdidilirio ito sa kanyang higaan.
Kasalukuyang kausap ni Sophie ang ina ni Stephen kaya iniwan niya muna ito at nilapitan ang kaniyang nobyo.
"I'm here, Stephen. Anong masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Sophie. Kinapa niya sa may noo si Stephen at naramdaman niya na mainit ito. "Don't worry, kabibigay lang namin ng Paracetamol sa'yo. Magsu-subside na rin ang lagnat mo," paliwanag niya habang pinipisil-pisil ng kaniyang dalawang kamay ang kanang kamay ni Stephen.
Kasalukuyan nasa pribadong kuwarto sila ng isang pribadong hospital matapos isugod si Stephen nila Beverly, Philippe, at Sophie. Inatake kasi ito ng matinding allergy matapos makakain ng barbecueng minarinade sa peanut butter. Galing sila Stephen at Sophie noon sa birthday party ng kaibigan nito at nang mapadaan sila kina Beverly ay nahimatay na si Stephen.
Parang walang narinig si Stephen. "Beverly, si Beverly! I need her," ungol nito habang balisang-balisa."Please, I need to see her. Please Sophie."
Walang magawa si Sophie, kanina pa umalis sila Beverly. Ni hindi nga niya ito pinapasok sa loob ng kuwarto matapos mailipat mula sa Emergency Room si Stephen. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas na salita mula sa bibig ng kaniyang nobyo.
Ngayon lang niya naramdaman kung gaano kasakit marinig sa isang minamahal ang tawagin ang pangalan ng babaeng kaniyang kinasusuklaman. Pakiramdam pa niya na sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Beverly ay para itong punyal na itinatarak paulit-ulit sa kaniyang dibdib. Sa kabila nito ay wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin na lang ang katotohanan gaano man ito kasakit.
Sa sandaling iyon, tuluyan nang nag-unahan sa pag-agos ang mga luha sa magkabilaang mata ni Sophie. Ngayon ay tanggap na niya na talagang wala na ang dating pagtingin sa kanya ni Stephen. Iba na ang nagmamay-ari ng puso nito na noon ay hawak niya. Handa na niya itong pakawalan gaano man niya ito kamahal.
Nang manahimik ulit si Stephen, lumapit na sa kaniya si Aling Kakay.
"Kayo na pong bahala sa kaniya, Tita Kaye. I know he doesn't love me anymore," pahikbing sambit ni Sophie habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha nito.
Labis na nahabag ang matanda kaya dahan-dahan naman niya itong tinapi-tapi sa balikat. "I'm so sorry iha," aniya.
Gustuhin man ng ina ni Stephen na magsalita upang paluwagin ang bigat na nararamdaman ni Sophie ay mas pinili na lamang nitong manahimik kaysa lalo pa niya itong masaktan. Maging sa anak niyang si Stephen ay naawa rin ito sa kaguluhang sinapit nila. Kung tutuusin, isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ito nangyayari kina Sophie at Stephen. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya maaring makialam sa kanilang dalawa. Hinawakan niya rin sandali ang mga kamay ni Sophie at saka niya ito yinakap.
Nang mag-bitiw sila ay muling ibinaling ni Sophie ang kaniyang tingin sa balisang natutulog na nobyo at binulungan niya ito sa tainga. "Goodbye Stephen. Sana maging masaya ka." Saka hinalikan nito si Stephen sa noo habang tinatawag pa rin si Beverly. Hinimas din niya ang buhok nito gamit ang mala-kandila niyang mga daliri upang pakalmahin ang umuungol na binata.
Nang kumalma na si Stephen, hinaplos niya ang labi nito at marahang hinagkan. Pumatak ulit ang luha niya sa pisngi ng binata, kung kaya't pinahiran niya naman kaagad ito ng kaniyang mga daliri saka hinagkan doon.
Matapos niyang galugarin ang mukha ni Stephen ng tingin ay dahan-dahan na rin siyang tumayo galing sa pagkakayuko, at pagkatapos pinunasan niya ng panyo ang kaniyang mga matang basang-basa sa kaniyang pagluha. Nagpaalam na rin siya kay Aling Kakay, at saka umalis.
KINAUMAGAHAN, nang magising si Stephen, ikinalat niya ang kanyang paningin sa loob ng kuwarto. Mukhang gumaang na ang kaniyang pakiramdam at wala na ang mga pantal nito sa katawan. Nakita niyang natutulog sa sofa ang kanyang ina, ngunit si Sophie ay hindi niya makita.
Mayamaya pa ay may naramdaman siyang isang bagay sa kaniyang nakatikom na kanang kamay. Kahit wala pa siyang gaanong lakas ay pinilit niyang inangat ang kaniyang kamay upang tingnan kung ano ang nakasingit doon. Pagbukas niya, doon niya nakita ang isang post-it note na nasa loob ng nakatikom niyang palad. Nakatupi ang papel kaya't binuklat niya ito at binasa.
Dear Stephen,
I love you so much, but now I'm setting you free.
Truly,
SophieNang matapos niya itong basahin ay napatingala siya. Alam ni Stephen na nasaktan niya ang dalaga kahit na hindi niya ito sinasadya. Di nagtagal ay humagulhol na rin ito dahil sa labis na kalungkutan at bigat ng kaniyang nararamdaman.
"I'm sorry Sophie. I'm so sorry..."
___
Author's Note
Kung naantig ang inyong damdamin sa tagpong ito ay maaari kayong bumoto o mag-comment. Suportahan niyo rin po si Sophie katulad ng pag-suporta ninyo kay Ms. Beverly. Mabalos sa giraray! :)
NO TO PLAGIARISM!!!
All rights reserved.
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
RomanceSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...