Pagkatapos ng dalawang araw na adventure ni Sophie sa Mt. Pulag ay nakauwi na rin ito sa kanilang bahay. Pag dating niya ay nakita niya sa kanilang sala na may maletang nakalagay sa tabi. Nakita rin niya na nakaupo sa sofa ang Mama at Papa ni Sophie at ang umiiyak na si Shirley. Napansin rin niya na may mga pasa sa katawan ito at meron ding pasa sa kaliwang pisngi.
Panandaliang natulala si Sophie. Tatanungin niya sana ang kapatid kung anong nangyari sa halip, "Nagpa-medical na ba Ma si Shirley?"
"Tapos na bago pa kami pumunta dito. Napakawalang-hiya ng lalaking 'yon!" buladas ng ina. "Magbabayad yang lalaking yan sa ginawa niya sa kapatid mo!"
"Baka mapatay ko yang asawa mo nang wala sa oras. Sinabi ko na sa iyo noon na huwag kang papatol sa mga rock singers dahil karamihan diyan mga durugista, ayaw mong maniwala," paninisi ng ama.
"Here we go again. Sesermonan na naman ninyo ba ako? Nakita niyo na nga na nasaktan na ako!" reklamo ni Shirley.
"Nasaan na yung anak mo?" tanong ni Sophie.
"Iniwan ko sa mga biyenan ko."
"Bakit?" tanong ni Sophie.
"Sige, dadalhin ko dito ang bata basta ikaw ang mag-aalaga. Ang kulit kaya ng batang yon," sabat ni Shirley.
Sa inis ni Sophie, "Ikaw ang bahala tutal ikaw naman ang nanay! Hindi mo ba mami-miss ang anak mo?? Paano kung ilayo nila iyon sa iyo?"
"Huwag ka ngang pakialamera!" sigaw ni Shirley. "Mind your own business!"
"Sophie, tama na yan. Sige na umakyat ka na," saway ng ina. "Kami na ang bahala dito."
"Concern lang naman ako sa iyo at sa anak mo. Siyempre hahanapin ka ng bata." Umakyat na si Sophie.
"Problema ko na 'yon!" Narinig pa iyon ni Sophie ngunit hindi niya na iyon pinansin."Sarap ng buhay ng anak niyong yan, palibhasa spoiled sa inyo," ani Shirley.
"Kagustuhan mo yang nangyari sa iyo. Alalahanin mo na nakipagtanan ka diyan. Kahit ayaw namin diyan sa asawa mo ipinakasal namin kayo. Magdadalawang taon palang nga kayo, sinasaktan ka na niya! Ginusto mo yan, hindi namin yan ginusto, kaya huwag mong idamay ang kapatid mo," saway ng ina.
"Wala naman akong masamang sinabi, Ma."
"Ok, let's stop this conversation before everything gets hot here. Pamilya pa rin tayo. Sa ganitong sitwasyon, dapat tayo ang nagtutulungan," sabi ng ama. "Anong plano mo? Are you going to press charges against that son of a bitch?"
"Pa, huwag na muna po. Nabigla lang naman 'yon. Magpapalamig muna ako dito."
"Kaya may mga abusadong lalaki dahil sa mga nagtatanga-tangahang babae. Ni minsan hindi ko ginawa sa Mama mo yan. Ikaw na nga Luisa ang bahala sa anak mo. Ang hirap niyo talagang ispelenging mga babae," dismayadong sabi ni Tony. Iniwan na nito ang mag-ina.
Mayamaya pa ay dumating na ang isang boy nila at inakyat na ang gamit ni Shirley sa kuwarto nito.
"Ma thanks for accepting me again. I'm sorry for all the troubles. I'll try to behave while I'm here."
"You're my child and I love all of you. I want you to know that. I have no favoritism among my children so stop being jealous with your sisters. Nagkataon lang na mas sinusunod niya ako kesa sa inyo ni Ate Sussie mo."
"Alright Ma. I'm sorry for being jealous. I love you too Ma. Sorry sa mga pag-suway ko."
" We will fix this mess. Sige na, umakyat ka na at magpahinga. Kakain na tayo mamaya."
"Thanks po Ma." Umakyat na si Shirley.
"Hay naku! Siblings rivalry talaga hindi maaalis. Siguro nga, may kasalanan din kami ng Papa mo. I'm sorry Shirley sa mga pagkukulang namin," pangungusap niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
RomanceSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...