Chapter 27 - Tyrone and His Gluteus Maximus

2K 61 10
                                    

Nagpasama si Sophie kay Tyrone sa PRC para mag-file ng kanyang application para sa kanilang nalalapit na licensure exam. Sa dami ng nga aplikante, inabot ng hapon sila. Dahil malapit lang ang apartment nila Tyrone sa PRC ay nag-jeep ang dalawa. Tuwang-tuwa naman si Sophie kasi bihira itong sumakay ng jeep. Pagkatapos ng jeep, sumakay pa ulit sila ng tricycle.

Pagdating ng dalawa sa bahay nila Tyrone ay sinalubong ito ni Lola Abet. Nagmano silang dalawa sa matanda at natuwa naman itong makita si Sophie.

"Buti naman napasyal ka dito Sophia. Ipaghahanda ko kayo ng merienda," ani ng matanda.

"Katatapos lang naming mag merienda La. La, Sophie po ang pangalan niya hindi po Sophia. Di ba, love?" sabi ni Tyrone sabay kindat kay Lola Abet.

Laking tuwa ng matanda nang marinig ang sinabi ng apo. "Aba! May girlfriend na ang apo ko! Panginoong Hesus, maraming salamat po sa pagdinig mo ng panalangin ko. Ang ganda-ganda pa at ang bait ng girlfriend na ibinigay mo kay Tyrone!"

"Ok lang po Lola Abet kung anong gusto niyong itawag sa akin," ani Sophie habang natutuwa sa reaksiyon ng matanda.

"'Yon naman pala, apo. O siya. Dito ka na kumain, ipagluluto kita ng masarap na hapunan," wika ni Lola Abet.

"Sige po, La!" pangiting sagot ni Sophie habang ang matanda ay patarantang pumunta sa kusina.

Umupo muna sila sa sofa. Dahil mainit at galing sila sa lakaran ay binuksan ni Tyrone ang electric fan. Inabutan din niya ito ng isang basong malamig na tubig. Nagpasalamat naman si Sophie.

Mayamaya dumating ang asong si Maximus at umupo sa harapan ni Tyrone. "Good boy, Maximus!" at tinapi-tapi nito ang ulo ni Maximus.

Lumapit si Sophie kay Maximus at hinawakan niya. Bigla itong lumikot ng hawakan siya ni Sophie. "No Max!" Di pa rin tumitigil si Maximus sa paglikot kaya nilakasan na ni Tyrone ang sigaw niya. "Stop Maximus!" Tumigil ang aso. "Stay!" Umupo ito at di na naggaga-galaw. "Good boy!"

"I'm so impress! Ikaw ba ang nag-train sa aso mo."

"Yes. Isasali ko kasi siya sa dog show competition. Next week na!" masayang balita ni Tyrone.

"Can I come, love?"

"Of course naman my love!"

"Ginulat mo naman si Lola kanina." Nagtawanan ang dalawa.

"Masaya na 'yon at may girlfriend na ako. Matagal na kasi akong kinukulit noon na mag-move on na. Kaya ayan, ang saya-saya niya. Thanks to you, my love."

Ngumiti si Sophie. "OA na sa love ha?"

Natawa lang si Tyrone. "Wait, magpapalit lang ako ng t-shirt, basang-basa kasi ako ng pawis. Nakakahia naman sa iyo." Tumango si Sophie at umakyat na si Tyrone sa taas. "Come Max!" Sumunod naman si Max.

Pagbaba ni Tyrone ay nabungaran niya sa kanilang pintuan ang isang babaeng nakatayo. Isang matangkad, slender, maganda, at mukhang mataray na babae. Binati kaagad nito si Tyerone. "Hello T. How are you?" Hindi pa napansin ng babae si Sophie. Nang pumasok na siya sa may pintuam, saka lang niya nakita si Sophie.

"Mary Jane?" bulong ni Tyrone habang papalapit ito sa sala.Tahimik lang si Sophie sa upuan. Kitang-kita niya ang pagkabigla ng kanyang nobyo.

"Apo, bilihan mo nga ako ng suka sa tindahan, samahan mo na rin ng asin. Nagluto kasi ako ng adobong manok kay Sophie." Nakita din ng matanda ang babae sa may pintuan. "O, Marry Jane? Pasok ka? Ano ka ba naman Tyrone, paupuin mo si Mary Jane?"

Lumapit ang matanda at pinaupo ang kadadating lang na bisita sa sofa. Magkaharap na ngayon si Sophie at Marry Jane.

Lumapit si Tyrone sa tabi ng tumatayong si Sophie. "Sophie, I want you to meet my best friend who left me, Dr. Marry Jane Cabrero. Isa siyang vet." Ipinakilala rin nito si Mary Jane. "MJ, my girlfriend, Sophie Barranda and soon to be a docor of medicine.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon