MATAPOS ang masinsinang usapan nila Sophie at Cheska ay nagpaalam na rin si Cheska at hinatid naman ni Sophie ito sa labas. Pagbukas niya ng pinto saka naman tumambang ang dalawang kapatid nitong babae na parehas ng may pamilya.
"Hi Cheska! Uwi ka na?" tanong ng panganay nilang si Suzzie, ang katulong ng kanilang ama sa kanilang pharmaceutical company. Isa itong lisensiyadong duktor pero hindi ginagamit ang kaniyang propesyon. Matangkad na payat, maamo at seryosi ang hitsura, at hindi pala imik.
"Dito ka na mag dinner. May magandang balita daw si Mama," singit ni Shirley. Ang middle child at black sheep ng pamilya. Kung si Sophie ay sexy and daring, walang-wala ito kay Shirley na isang bombshell. Sa kanilang tatlo, siya ang maingay at mataray. Sasabihin kung anong laman ng isip kahit na makasakit pa siya ng damdamin ng iba.
"Hindi na po Ate Suzzie at Ate Shirley. May pupuntahan pa po ako," sagot ni Cheska sa dalawa na nasa labas na ng pintuan.
Napataas ng kilay si Shirley. "Di ba sabi ko sa iyo, huwag mo akong ina-ate kasi magka-edad lang tayo ni Sophie?" pagsasaway ni Shirley. Ipinanganak sa parehong taon sila Shirley at Sophie, mas bata nga lang si Sophie ng sampung buwan.
Napa-nganga si Cheska. "Ay, oo nga pala. Sorry Shirley. Mauna na po muna ako sa inyo. Bye po!"
Pumasok na si Shirley habang si Sophie at ang Ate Suzzie niya ay parehas pang kumakaway. Nang isasara na ni Suzzie ang pinto, nakita niyang namamaga ang mga mata at namumula ang ilong ni Sophie.
"Umiyak ka ba?" tanong na may pag-aalala ni Suzzie.
"Hindi Ate, runny nose lang. Inatake na naman kasi ako ng rhinitis ko, e," palusot ni Sophie.
"Nag-antihistamine ka na ba? Pati mga mata mo, magang-maga na!"
"Maniwala ka naman diyan Ate Suzzie. It's so obvious, umiyak yan! At isa lang naman ang iiyakan niyan, lalaki! Siguro nag-away yan ng jowa niyang si Stephen."
Nang mabanggit ni Shirley si Stephen ay namuo ang luha ni Sophie, lalo tuloy siyang nahalata ng dalawa. Tumalikod ito ng biglang tumulo ang luha.
"Tigilan mo nga yan Shirley. Magsisimula ka na naman ng gulo." Nilapitan ni Suzie si Sophie at hinimas si Sophie.
"Hay naku! Drama na naman yan. Akyat na nga muna ako sa taas. Paki tawag na lang kung kumpleto na tayo para sa kung ano man yang announcement ni Mama." Umakyat na si Shirley habang ang dalawa naman ay pauopo sa sofa.
"Kumusta na kayo ni Stephen? Did he propose already to you? I think it's about time for the both of you to settle down."
Napapikit si Sophie. Iyon naman kasi sana ang plano nila. "Wala na kami, Ate. He found someone else."
Napaatras ng konti ang ulo nito sa pagkabigla. "Whoa! Really? Why? Kala ko pa naman dead na dead sa iyo yon? Sayang naman. I really like him for you." Napatingin sa malayo si Sophie. "Anyway, ganyan lang talaga yan, masakit sa umpisa, pag tagal niyan, mawawala din yan. First major heartbreak mo to, 'no?"
Tumango si Sophie.
"Cheer up! You'll meet someone better. Pinagdadaanan talaga yan ng halos lahat ng tao. Better accept it na lang na hindi kayo para sa isa't isa." Tinapik-tapik nito ang balikat ni Sophie "O, andito na pala si Mama." Lumapit si Suzzie sa ina at humalik, sumunod naman si Sophie.
"Sorry girls if I'm late. May accident na nangyari sa harapan ng clinic. Natumba na lang bigla yung isang matandang lalaki. Binigyan namin ng first aid tapos diniretso na namin sa ospital. Na-stroke." Hindi na napansin ng ina ang hitsura ni Sophie dahil nagmamadali ito at hinihingal pa."I'll go change and Suzzie, tell the maids to prepare our dinner. You're Father is on his way. Where's Shirley?"
"Sa taas po, Ma. Bababa na lang po yun," sabi ni Suzzie.
"Ok. I'll go change." Umakyat na si Luisa.
PAGSAPIT ng kanilang hapunan, kumpleto ang magpapamilya. Noong una naging maayos naman ang kainan nila at usapan. Maging si Sophie ay napakain naman ng marami.
"Here's our announcement. Sophie is graduating this coming April with flying colors! Cum laude ang kapatid niyo!" Lahat sila bumati kay Sophie. Nagpasalamat naman siya. "Congratulations Sophie. We're so proud of you!" Tinawag ni Luisa ang isang kasambahay at pinakuha ang champagne.
"Lets pop the champagne!" sabi ni Tony. At pagkatapos nag-toast sila.
"So, this is the announcement? Congratulation Sophie. Proud na naman niyan ang Mama sa iyo!" sarkastikong bati ni Shirley.
Ngumiti lang si Sophie. "Thanks Shirley!" Batid ni Sophie na may bahid ng pagka-inggit si Shirley dahil pagdating sa pagmamahal ng ina, lamang si Sophie.
"Kala ko pa naman ang announcement ng Mama ay tungkol sa engagement ng jowa mo?" Kinindatan nito si Sophie.
"Will you please stop that Shirley! Why can't you just be happy for Sophie. Nagsisimula ka na namang magparinig. Sophie just broke up with Stephen, ok?"
Nagsisimula nang mainis si Sophie sa mga kapatid. Hindi lang siya nagpapahalata.
"Good for you, Sophie. That Stephen is such a loser! He's so lame!" Nanatiling tahimik si Sophie ngunit tumigil na ito sa pagkain.
"See what you've done?" sabi ni Suzzie kay Shirley na katabi niya.
"Ate wala akong ginagawa. I'm just being frank! Marami pa namang iba diyan, sis!"
"Shirley!" sigaw ng ama. "Stop it!"
"Bakit Pa? Hindi ko ba puwedeng sagutin si Ate?" Pag dating naman sa atensiyon ng ama, si Suzzie naman ang nakalalamang. "I think you are finshed with your announcement, Ma." Tumayo na ito. " I better go! Baka kung saan pa mapunta ang dinner na 'to. Congrats sis!" malumanay na paalam ni Shirley. Humalik ito sa Mama at Papa niya habang walang kaimik-imik ang dalawa kay Shirley.
Nang makaalis si Shirley ay nanahimik muna sila.
"Talaga naman itong si Shirley, panira ng moment," bulong ni Suzzie.
"Is that true? You broke up with that guy" tanong ng ama. Umuo lang si Sophie gamit ang noo. "Mabuti na rin 'yon. In a way, Shirley was right. Stephen is really a lame guy. Hindi nga niya mapasa ang Bar! Guwapo lang yon! Lamang lang ng isang paligo 'yon sa akin." Napailing-iling lang si Tony.
"Will you stop that, hon?" saway ni Luisa. "Kaya pala madalas kang magkulong sa kuwarto mo at umuwi ka pang lasing na lasing noong isang gabi," sabi ni Luisa sa anak.
"Sorry about that, Ma. I just need sometime. I'm so burnout, physically and emotionally. Sana naiintindihan niyo ako, Ma, Pa?"
Dahil katabi ni Luisa ang anak ay hinawakan nito amg kamay at pinisil. "I'm sorry for that. I know it's hard for you. You can find another man. A much stronger man. Tama naman sila, Stephen is kinda weak."
"I agree with Ma, Sophie," ani Suzzie
"I don't want to hear negative things about Stephen. He is not like that. You're wrong about him," pagtatanggol ni Sophie.
"Sino bang ipinagpalit niya sa iyo? She must be damn beautiful than you are?" tanong ni Tony.
"I don't want to talk about it, Pa. I better go now. I need to rest. And thanks for coming here Ate. Good night po!" Nagmamadali na itong umalis dahil hindi na niya mapigilan ang bigat ng kaniyang damdamin. Pagtalikod ni Sophie, saka naman bumuhos ang luha nito. Nagtatatakbo na ito paakyat ng hagdanan. Narinig din ng mga naiwan niya sa mesa ang hagulhol ni Sophie. Napailing lang ang ama. Si Luisa at Suzzie naman ay nagkatinginan lang.
"Curious ako kung sinong ipinagpalit ni Stephen," pag-uusisa ng ama. "Kahit papaano he's a nice boy. I really thought he love Sophie. Hay!" Nagkibit-balikat ito.
"I'll ask Kaye about this. I never thought that Stephen could fall out of love with Sophie," ani Luisa. Umiling-iling din ito.
"Basta, lets be happy na lang kasi, cum laude ang anak natin!" wika ng ama.
"You're right Pa. And I think it's his lost and not Sophie!" Nagkangitian ang mag-ama pero si Luisa ay tahimik na nag-iisip. Hindi man niya sabihin, pero nag-aalala na siya ngayon sa sinapit ng kaniyang mahal na anak.
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
عاطفيةSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...