Sa pagpasok ni Sophie sa kanilang bahay, hindi niya inaasahan na madadatnan niya ang matalik niyang kaibigang si Cheska kausap ang kaniyang Mama at Papa. Seryoso ang ping-uusapan ng tatlo, ngunit kung ano man iyon ay ayaw niya muna itong malaman dahil sa mga matinding pangyayari sa kaniya. Ang gusto lang niya ng sandaling iyon ay maipahinga ang kaniyang kalooban. Balak niyang magkulong sa kuwarto at hindi siya magpaisturbo kahit kanino.
Habang hindi pa ang mga ito sa kaniya nakatingin ay nagdahan-dahan siyang umakyat ng hagdanan, ngunit napatingin sa kaniya ang ama. "Where do you think you're going, young lady?" malagong na boses ang bigkas nito. Sa tono pa lang ay halatang hindi maganda ang kaniyang sitwasyon.
Napahinto siya sa pag-akyat saka nag-ayos ng kaniyang buhok bago siya humarap. "Pa? Sa taas, magpapahinga lang po. Paki sabi na lang na wala ako dito, in case may mag-hanap sa akin," sabi niya na pilit ngumingiti. Tahimik lang ang kaniyang ina at ni hindi siya nito tiningnan.
Masama ito, kutob niya. At anong ginagawa dito ni Cheska, ke aga-aga? Bakit parang alalang-alala ang mukha ng kaibigan niya? "Hi, Ma! Good morning po!" Kinawayan pa niya ito. Sa halip na ngitian siya ay tuimingin ito sa ibang direksiyon. Kinabahan lalo siya. Alam niyang galit ito. Naalarma na siya. "What? What did I do?" Walang sumagot sa kanila kaya bumaba na siya ng hagdan, papunta sa mga ito.
Pinandilatan niya si Cheska, parang may gusto itong sabihin sa kaniya, ngunit hindi makapagsalita dahil nasa harapan nila ang kaniyang mga magulang. "Sorry po kung hindi ako naka-uwi, nagkayayaan kasi kami ng mga dati kong ka-co-intern. But I'm fine, I'm here na." Iyon na lang ang naisip niyang palusot kahit na alam niyang alam ng mga ito na nagsisinungaling siya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit wala pa ring umiimik sa tatlo. "Sorry na, Pa, Ma. Ano ba kayo? Kausapin niyo naman ako." Halos maiyak na siya dahil hindi na niya matagalan ang pangonggonsensiya ng mga ito sa kaniya. Mas gugustuhin pa niya na mapagalitan siya. Sumikip na naman tuloy ang kaniyang dibdib dala pa ng mga makabagbag-damdaming tagpo nila ni Tyrone.
"Calm down, Sophie," himok ng ama. Lumapit ito sa kaniya habang siya ay nakatalikod at ipinatong ang mga kamay nito sa balikat niya. "Let's talk, Sweety. Come and sit with us. May kailangan kang ipaliwanag sa amin ng 'yong Mama." Marahan siyang pinaupo nito sa sofa at naupo siya sa bakanteng upuan, katabi ni Cheska.
Tumayo si Cheska."Tito, Tita, I think I have to leave just the thre---"
"No! You stay!" galit na utos ni Luisa. Nakakunot ang noo nito. Nagulat pa nga si Sophie. Si Cheska naman ay naupong muli. Nagtama ang tingin nilang magkaibigan. Sinenyasan siya nito na tingnan ang kaniyang cellphone. Napakibit na lang siya ng balikat.
Hindi na rin nakatiis ang ina. "Why Sophie? How could you do this to us? Is this the way you repay us?" bulalas ni Luisa.
Palakas nang palakas ang kabog sa dibdib niya. Ano ba kaya ang sinabi ni Cheska na hindi maganda? Bakit kinailangan kausapin ni Cheska ang mga magulang niya ng wala man lang pasintabi sa kaniya? At anong nais ipahiwatig ng kaniyang ina?
Nagmaang-maangan muna siya at muli ay pinandilatan niya si Cheska. Hindi naman ito makapagsalita. "I don't get it, Ma? Alam niyo naman na I've always tried my best to please you. Lahat na po ginawa ko na, tapos kulang pa rin po ba?" maluha-luhang sabi niya. Bakit bigla na lang siya nitong sinusumbatan? Kung alam lang nila na sa sandaling iyon ay puro kamalasan lang ang nangyari sa kaniya, tapos heto at ganito pa ang sasalubong sa kaniya.
"A, kaya pala..kaya pala habang nagpapakalasing ka kagabi kasama mo ang mga, co-intern mo," may pagka-sarkastikong sabi ng ina, "yong anak mo naman na pinakatatagu-tago ay nawawala!" Napalagay pa ang palad nito sa mukha dahil sa imbiyerna sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi niya ito inaasahan. "What?" usal niya ng walang boses. "Nawawala si Stephie?" Napatakip pa siya ng bibig at natulala. Kung ganoon ay alam na nila. Bakit sa ganitong paraan nila ito nalaman? Kung maaari nga lang ay tumakbo na siya papuntang Naga, sa Bicol. "Che, what happened?"
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
RomanceSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...