Chapter 17 - A Second Chance

2.4K 68 5
                                    

Sunod na day-off ni Sophie ay naisipan niya ng gamitin ang dalawan ticket na ibinigay sa kanya ni Wacky. Nagpasama siya kay Cheska at sumama naman ito.Tinawagan din niya si Wacky para ipaalam na makakapanood siya. Tuwang-tuwa naman si Wacky.

Pag dating nila CCP ay marami ng tao sa lobby at may mga celebrities ding nagdadatingan. Inabangan na rin pala sila ni Waky at doon nakita nila si Tyrone.

"Hoy classmate, nandito ka pala?" bati ni Cheska kay Tyrone. Ngumiti si Tyrone.

"Musta Che? Hi din Sophie," bati ni Tyrone sa dalawa.

Ngumiti naman si Sophie kay Tyrone. "You two know each other?" tanong niya.

"Ano ka ba sis? Siya yung umalalay sa'yo nung nalasing ka, remember? Pinakilala ko siya sa'yo sa bar!"

"Talaga? Sorry ha, wala akong matandaan ng gabing 'yon.Wala din naman siyang sinasabi sa akin," sagot ni Sophie. "By the way, this is Wacky, yung nagbigay ng tickets natin. Wacky, this is Cheska, my best friend." Nagkamayan ang dalawa.

"Sabi mo bading siya? Hindi naman!" bulong ni Cheska kay Sophie. Siniko ito ni Sophie.

"O, siya. Bahala na muna si Tyrone mag-aasist sa inyo 'cause I have a show to do!" sabi ni Wacky at saka pumunta ito sa backstage.

"Bading nga sis! Sayang, cute pa naman," bulong ulit ni Cheska sa kaibigan.

"Shh! Huwag ka ngang maingay baka marinig ka ni Tyrone," saway ni Sophie.

Napansin ni Tyrone na nagbubulung-bulongan ang dalawa. "No it's ok. Don'tind me."

Inalalayan nga ni Tyrone ang dalawang dalaga. Nakahanap naman kaagad sila ng tatlong upuan sa front seat. Napagitnaan ng dalawa si Sophie.

Noong una, hindi komportable si Sophie dahil hindi niya inaasahan na kasama niya palang manonood si Tyrone. Tahimik lang ang dalawa. Nang mahalata ni Cheska na nagkakailangan ang dalawaay siya na ang gumagawa ng paraan para magka-usap sila hanggang sa magsimula na ang palabas.

Nang lumabas na si Wacky bilang Thuy ay parang kinabahan si Sophie at napapisil siya sa kamay ng katabi niya sa kanan na si Tyrone. Nahiya si Sophie kaya humingi ito ng paumanhin. Ngumiti naman si Tyrone dahil sa tuwa.

May eksenang babarilin ng bidang ni Kim si Thuy. Ito ang inaabangan ng tatlo. Nang makita niya ito napa-iyak si Sophie. Naawa siya kay Wacky dahil nakabulagta ito habang kinakanta ang This is The Hour.

Napansin ito ni Tyrone at inabot niya ang panyo nito kay Sophie. Tinanggihan ito ni Sophie at kumuha na lang siya ng dala niyang tissue sa bag.

Dumating na din sa dulo ng palabas kung saan magpapakamatay si Kim para maibigay niya ang kanyang anak sa ama nitong Amerikanong sundalo na si Chris. Naalaala niya ulit ang suicide attempt na ginawa niya. Damang-dama niya ang lungkot ng eksena at dahil magaling umarte ang gumanap na Kim ay tumulo na naman ang luha nito. Marami sa mga nanonood ang naantig ang damdamin sa katapusan ng kuwento.

Pagkatapos ng madamdaming katapusan ay nagpalakpakan ang mga manonood at ang iba ay nagtayuan pa. Pag labas nila ay tuwang-tuwa sila sa kanilang napanood.

"Hindi ako mahilig sa musicals pero this one got me! Amg gagaling talaga ng Pinoy. Ang galing din ni Wacky. Lalaking-laki ang becky! Hahaha!" sabi ni Cheska.

"Salamat naman at nag-enjoy kayo. Mukhang nagugutom na ata ako. Gusto niyo bang kumain?"

"Huwag na Ron! Uuwi na lang kami," ani Sophie.

"Ako, gusto kong kumain bago umuwi," ani Cheska.

"Sige na nga. Pasensiya ka na sa friend kong patay gutom," ani Sophie

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon