Chapter 34 - Sophie's Promises

255 11 14
                                    

Inabutan na ng hapon sa kalsada ang matalik na magkaibigan sa kanilang biyahe papuntang Naga City. Bandang alas singko na nang makarating ang mga ito sa beach resort na tinutuluyan ng pamilya ni Cheska. Pagkababa niya ng kotse ay nagmadali na siyang pumasok sa reception area kaya naiwan niyang humahabol si Cheska.

"Sophie, wait naman!" hinihingal na sabi nito. Nag-aayos pa kasi ito ng sarili, samantalang siya ay wala na siyang pakialam sa hitsura niya.

"There's no time to lose!" agaran niyang sagot. Muling pumasok sa isip niya na kung hindi niya iniwan ang anak ay hindi sana nangyari ito. "Kailangan niya ako ngayon. Baka kung ano na ang nangyari sa anak ko. God, please help us find Stephie," daing niya. Mahigit isang taon din niyang itinago ang anak at kampante siya na nasa mabuti itong kalagayan, ngunit nangyari na ang di dapat mangyari. Ang Diyos na ang nagbukas ng pahina ng kaniyang pinaka-iingatang lihim.

Huwag lang sanang may masamang mangyari sa anak ko, ang tanging hiling niya sa Diyos. Huwag mo po akong parusahan sa ganitong paraan. I'm sorry also, Stephie...

Sa tuwing papasok sa isip niya ang kaniyang kamalian ay bumibigat ang kaniyang damdamin at di niya mapigilan ang mapaluha.

Nang maabutan siya ni Cheska ay hinagod nito ang likod niya. "H'wag ka ngang mag-isip ng ganiyan. She'll be fine. Let's think positive, okay? H'wag kang mag-panic, mag-focus lang tayo sa paghahanap. Nandito lang sa paligid si Stephie, nararamdaman ko. Saka, hindi naman masasama ang mga taga rito, Beh!" Sa sinabi nito ay napatigil siya at napakalma naman siya kahit paano. Mabuti na lang at nasa tabi niya ang kaibigan.

Para mas lalo siyang mapanatag ay huminga siya ng malalim ng ilang beses at marahang ibinuga ang naipong hangin sa dibdib, isinama na rin niyang inilabas ang bigat ng kaniyang damdamin. Kung hindi pa niya ito ginawa marahil ay nawalan na siya ng malay sa bilis ng tibok ng kaniyang puso at panlalamig ng kaniyang mga kamay.

Kalmado silang nagpatuloy. Pagpasok nila sa reception area ay nandoon at naghihintay na ang mga magulang ni Cheska. Makikita sa mukha ng mga ito ang pagkabalisa nang salubungin sila ng mga ito.

"I'm sorry for causing you this trouble, Sophie. I didn't see this coming," paliwanag ng ina ni Cheska bago ito makipag-beso sa kanila. "Sa dami ng apo ko at sa kulit nila, nalingat kami. I thought they were playing with Stephie...I'm really so---"

"It's not your fault, Tita Mercedes," singit niya. Sapat na ang tulong ng mga ito sa kaniya at di na niya ito nais pang abalahin. Ang laki ng pagkakautang niya kina Cheska kung tutuusin lalo na at pumayag silang doon itago ang kaniyang pagiging dalagang-ina. "Ako pa nga po ang may atraso sa inyo dahil naabala ko at nasira ko ang pamamasyal n'yong mag-anak. Wake-up call na rin po ito siguro sa akin. It's my fault, Tita."

"No Sophie..." Hinawakan siya nito sa may braso. "Ano ka ba? Parang apo ko na 'yang si Stephie," lambing nito sa kaniya. "She's our little angel. Naku, mamimiss nga namin 'yan pag kinuha mo na siya." Alam niyang napamahal na sa mga ito ang kaniyang anak, ngunit kailangan na niya itong isama sa oras na ito ay matagpuan.

"Nagpakalat na kami ng mga pulis, pati mga tanod. We are doing our best," bungad ng asawa nito.

"Salamat po, Tito Rene," sabi niya. Ngunit naroon pa rin sa kaniyang mga mata ang labis na pag-aalala.

"Alam na ba ng Papa at Mama mo ang tungkol sa anak mo?" tanong ng ama ni Cheska. Napatango na lang siya sa hiya niya rito. "Stephie needs her mo---" Nakita niyang siniko ito ni Cheska kaya natigilan na lamang ito. Mahigpit kasi itong ama ni Cheska sa mga anak lalo na sa kaibigan niya. Hindi nga ito sang-ayon na iwan sa kanila ang bata noon, ngunit nagmakiusap siya nang matindi dito.

Inakay naman siya ng ina ni Cheska na maupo sa may sofa ng resort. Samantalang si Cheska ay pumunta sa isang tindahan upang bumili ng inumin. Nagpatuloy naman ang mag-asawa sa pakikipag-ugnayan sa pulisya. Ganoon kahalaga silang mag-ina sa pamilya ng kaibigan.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon