Chapter 12 - The Medical Journey

2.5K 67 1
                                    

Natanggap si Sophie sa The Holy Cross Medical Center para sa kaniyang post graduate internship program. Dahil ito ay pribadong ospital, tulad nang inaasahan niya, maluwag ang caseload dito. Karamihan kasi sa hospital na ganito ay mayayaman ang mga pasyente kaya mga ganap na duktor lang ang puwedeng humawak sa mga pasyente.Sa ganitong ospital, karamihan sa mga pinapagawa sa mga intern ay mga paper works, kumpara sa mga pang publikong hospital na tadtad ng mga pasyente at complete hands-on. Ganoon pa man nakakahawak pa rin sila ng mga ilang pasyente basta may siupervision ng mga resident doctors.

Unang department na nahawakan niya ay Pediatrics. Ito pa naman ang isa sa pinaka-ayaw niya dahil maseselan at maiingay ang mga bata. Sunod namam ang Ob and Gyne, dito mga sakit ng kababaihan at ang mga buntis ang kanyang pasyente. Ayaw niya rin ito dahil sa masangsang na amoy lalo na sa labor room.

Sa wakas naitalaga rin siya sa kanyang pinakagustong department, ang Department of Medicine. Malawak ang departamentong ito at marami itong pasyente. Sakop nito ang iba't-ibang sakit ng mga adult patient.

Minsan may isang Visiting Consultant ang dumating. Si Dra. Rosanna Castillo, isang Nephrologist, espesyalista sa mga may sakit sa kidney. Nag-rounds ito para tingnan ang tatlo niyang pasyente. Nang makita niya si Sophie ay namukhaan siya nito dahil minsan na niya itong nakita sa isang hospital noong clerk pa lamang.

"O, nandito ka pala? Ano ngang name mo?"

"Sophie Barranda po, Doc!" sagot niya

Kasama sa rounds ay ang dalawang residente ng Internal Medicine, dalawang PGI, kasama na siya doon, at tatlong staff nurse at.

"Kayong mga intern, wag kayong tatanga-tanga sa rounds ko. Always be alert. Alam niyo na dapat ang bawat detalye ng case ng pasyente niyo. Tatanungin ko kaya sa harapan ng pasyente at dapat alam niyo ang sagot. You know for a fact that Medicine is science so everything must be factual. Bawal dito ang "akala ko". Makakapatay kayo niyan. The reason why people seek our help, is to prolong their lives and not their agony. Hindi tayo mga diyos pero laking tulong natin pag naligtas natin sila sa kamatayan. Devote your time in studying and in knowing your patient. Naiintindihan ba?"

"Yes doc!" sagot ni Sophie at ng kanyang co-intern.

"Bawal dito ang assuming. If you are not sure of a particular procedure, ask. Ask your resident, your co-intern, even nurses, and other hospital personnel. We work as a team so we must collaborate well with other members. Alam niyo bang ang mga nars na datihan ay mas magaling pa sa entry level doctors, so make friends with them. Iwasan ninyo rin ang pagalingan. " Tumango ulit ang dalawang PGI.

"Bigyan nga ng tig-iisang chart ang dalawang yan. That will be your case. And I hope you read that already. Bibigyan ko kayo ng ilang minuto to review it while we are checking with my other patient." sabi ng consultant. "Lets go doctors to our first patient." sabi naman niya sa dalawa niyang residente. Sumunod sila habang nagbabasa ng chart niya si Sophie.

Pagkatapos unahin ang isang pasyente, sinunod yung pasyente ng kasama niyang intern . Isang singkuwenta anyos na lalaki na may benign prostate tumor na nagmamanas ang sakit nito. Nasagot naman ng kanyang co-intern ang mga tanong ni Dra. Castillo.

Habang hinihintay siyang tawagin ay pilit na kinakalma niya ang kanyang sarili. Humihinga siya ng malalim para maalis ang kanyang kaba. Kilala kasi si Dra. Castillo bilang terror consultant at talagang namamahiya sa harap ng maraming tao.

Si Sophie na ang sunod na isinalang, pero bago pa siya tanungin ay may nagdatingan pang dalawang intern. Pinagalitan ito ni Dra. Castillo. Nang matapos siya ay binalikan si Sophie. Isang matandang babae mga nasa sisenta na ang pasyente ni Sophie.

"Akin na ang chart," sabi ni Dra. Castillo. Inabot ni Sophie ito at ibinigay naman ng consultant sa kanyang isang residente. "What's the complete name of the patient. Her age, address, status, and job?" tanong niya kay Sophie.

Hindi ito ang inaasahang tanong ng consultant kaya, "Doc, she's Mrs...ah? Dina...Pascual...Ah..I think she's sixty plus, from Malabon. Hindi ko po alam yung trabaho. Married with...ah.." paputol-putol niyang pagsasalaysay.

Lahat ng tao na nasa loob ng kuwarto ay nakatingin sa kanya. Sa sobrang hiya ay namula ito.

Napailing si Dra. Castillo. "Diyan tayo talo ng mga nurse. Hindi natin kinikilala ang mga pasyente natin. Nagfo-focus tayo sa kung anong sakit nila, kung anong gagawin nating treatment, o test. We must know our patien first Ms. Barranda bago kung anu-ano. Akala mo siguro kung tatanungin kita about diabetes, symptoms nito, lab results niyan, ano?'' Tumango lang si Sophie.

"That's your first lesson from me, Ms. Barranda." Pagkatapos niyang sabihin ito kay Sophie ay nagsimula na sila sa dati nilang ginagawa sa rounds. Paminsan-minsan ay tinatanong pa rin si Sophie ng consultant tungkol sa sakit ng pasyente at nasasagot naman niya ito.

Sa mga sumunod na araw ay nakasundo na rin niya si Dra. Castillo. Unti-unti niyang napatunayan ang kanyang kakayahan sa panggagamot. Naging paborito din siya nito at sa tuwing bibisita siya sa hospital na iyon ay si Sophie ang hinahanap. Dahil dito ay napag-iinitan na siya ng ibang mga intern pati ng mga ibang duktor, pero hindi niya na ito pinapansin.

Pagkatapos ng dalawang buwan sa Department of Medicine ay itinilaga naman siya sa Rehabilitation Department. Habang papunta siya sa Rehab ay nakita niyang ang lalaking nakasakayan niya noon sa bus papuntang Bicol. Magtatago sana siya pero malayo pa lang ay nakita na siya kaagad nito.

Nagtatatakbo si Marvin. "Miss Sophie? Duktor ka pala. Good morning po doc!" sigaw na bati ni Marvin.

Lumingon-lingon si Sophie, tinitingnan kung may mga nakasunod sa kanyang mga duktor ngunit wala naman. "Tange! Di pa ako duktor! Intern pa lang ako dito. 'Tsaka, hinaan mo nga yang boses mo."

"Ganoon ba? Sorry. Pag duktor ka na bebentahan kita ng gamot. Ang gaganda ngayon ng mga giveaways namin."

"Pag duktor na ako pero sa ngayon yung mga duktor muna ang bentahan mo kasi male-late na ako. Kumota ka na muna para makarami ka na. Ano ngang name mo ulit?"

"Marvin Benitez!"

"Yun. Marvin! Mr. Biyahilo!" pang-aasar niya.

Natamimi si Marvin."Hehehe. Siyanga pala Miss Sophie may good news ako. Meron na akong service car!" Tinaas niya ang kamay para maki-apiran ito pero hindi ito pinansin ni Sophie.

"Congrats kung ganoon!"

Tiningnan ni Marvin ang suot ni Sophie na coat ng mga intern. Nakasulat doon ang pangalan niya. "Sophie Barranda pala ang pangalan mo. Now I know!" sambit nito sa dalaga na nakangisi.

O, siya! Magtrabaho ka na!" Iniwan na ito ni Sophie kahit na kinakausap pa siya ni Marvin.

___

Author's Note:

Credit for the video goes to the original creator.

Please don't forget to vote or comment. Suportahan niyo po ulit ang second book ko para makapagsulat pa ako ng marami. Dios mabalos! :)

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon