Chapter 11 - Tennis Elbow

3.1K 76 2
                                    

PAGKATAPOS ng mahigit limang buwang bakasyon ni Sophie sa Bicol ay naisipan na nitong umuwi. Kung hindi pa nagalit ang ina ay hindi pa sana ito aalis ng Naga. Pinasakay na rin ito ng ina sa eroplano at baka maisipan na namang mag-bus.

Pagdating na pagdating ni Sophie ay agad sinalubong ito ng sermon ng kaniyang ina na nakaupo sa sofa ng kanilang sala. Alam niyang ito ang aabutin nito kaya agad niyang inilabas ang mga pasalubong na abacca bags at pili nut candies na binili niya pagpunta niya ng Albay. Nagustuhan naman ito ng ina lalo na ang native bags.

Napansin din ng ina na bumalik na ang dating sigla ni Sophie dahil na rin sa nakapag relax ito ng maigi at naging masaya ang bakasyon nito kasama ang matalik na kaibigan. Kung saan-saan siya nakarating pati ibang karatig na probinsiya ng Camarines Sur ay naabot niya.

"Mamayang alas dos pupunta tayo kay Dr. Tanchuling, ’yong medical director ng hospital kung saan ka mag-iinternship. Wear a corporate attire, iha. Don't be so daring because people there are somewhat conservative."

"Ok po. As you may say. May magagawa pa po ba ako? Si Cheska nga sa katapusan pa pupunta dito. Sa QMMC siya mag-iinternship. Sa tutuo lang po, ok naman din daw doon kasi semi-government ’yon."

"Napag-usapan na natin ito at pumayag ka na. Maganda na do'n kasi hindi masyadong toxic, at may time ka pa magbasa-basa for the boards. Saka ka na lang mamili ng gusto mo during your residency."

Mayamaya ay dumating ang tatay ni Sophie galing sa labas at nagmamadali. "Hon, let's goc" Nang makita si Sophie, " O Sophie, andito ka na pala?"

"Wala eh. Namiss niyo na raw po ako. Akyat na po muna ako." Kinuha niya ang kaniyang shoulder bag at nang isasaklay niya ito ay, "A...aray ko!"

"What's wrong?" tanong ni Luisa.

"Ang sakit kasi ng siko ko Ma. Nag-sumila po ito noong mag-tennis kami ni Cheska. Kinabukasan sumakit na."

"Nag-warm-up ka ba muna?" tanong ni Tony na iiling-iling.

"Of course, Pa. Two weeks na po ito. Nawala na po sana ang sakit nito kaso kanina naman pagbuhat ko ng maleta, umatake na naman. Hindi tuloy ako maka-grip ng malakas." Nilapitan ito ng ama at tiningnan. Pinisil nito ang siko. "Pa naman!"

"Sorry anak! 'Kaw naman kasi, alam mong ang laki ng maleta mo binuhat mo pa. Di ba may gulong ’yon?" Napatingin si Tony sa maleta na nasa may pintuan.

"Hindi kasi umiikot yong gulong, napulupotan ng tali habang hinihila ko."

"Ngayon ka pa nagkaganyan. Pagkatapos ng interview mo ay pumunta ka kay Dra. Reyes sa Rehab. Magpa-PT ka na diretso. For the meantime, uminom ka na muna ng gamot para sa pamamaga," ani Luisa.

"Tapos na po Ma. Mas malala nga ito noong una. Halos di ko maigalaw."

"O siya. Magpahinga ka muna. Meron kaming pupuntahan ng Papa mo. Papasundo na lang kita kay Tata Dolfo mo."

"Iyo po!" salitang Bicol na ang ibig sabihin ay opo, at gayang-gaya naman ni Sophie ang tono ng mga Bicolano. Napakunot ng noo si Luisa. "Opo 'yon! Ganoon Ma sa Naga ang mga tao, magagalang."

"Sa Naga po! Mayo po!" biro ng ama. Natawa ang mag-ama. "Tara na hon?" yaya ni Tony, at umalis na ang mag-asawa.

BANDANG alas dos ay nagkita ang mag-ina sa The Holy Cross Medical Center. Isa itong Christian hospital na ipinatayo ng American Christian missionaries. Malaki ito at moderno. Mag wawalong taon pa lang ito kaya talagang maganda at malinis pa. Maliban sa ito ay pribadong hospital, tumatanggap din ito ng mga indigent patients.

May limang palapag ang gusaling ito. Ang iba't-ibang clinics at laboratory ng hospital sa ground floor ay gawa sa tempered glass ang mga ding-ding nito. Para kang nasa Mall kung aakalain mo.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon