ISANG aircon bus na business class ang nakuha ni Tata Dolfo para kay Sophie. Dahil sa dami ng dalang gamit ni Sophie, inilagay sa estribo ang kaniyang malaking maleta. Naghahanap pa sana sila ng bus na isahan lang ang upuan kaso wala silang nakuha. Nang pumasok na sa bus si Sophie ay inalalayan naman ito ni Tata Dolfo sa pag-upo at saka ito umuwi.
Nasa may pangalawang row at malapit sa may pintuan na-upo si Sophie para madiling umakya't panaog sakaling huminto ang bus sa kanilang stop over. Sa may bintanang parte din siya banda na-upo para kita niya ang labas.
Alas otso y media dapat sana ang alis ngunit mag-aalas nueve na ay di pa rin umaalis ang bus. Mayamaya ay may humabol pa na isang lalaking pasahero saklay ang backpack at tumabi kay Sophie. Lalong nadagdagan ang inis nito dahil lalaki pa ang nakatabi niya.
Nakahalata ang lalaki sa hitsura ni Sophie kaya ngumiti ang lalaki at sinabing, "Huwag ka miss matakot di ako maniac. I'm Marvin, by the way." Binigyan niya ang dalaga ng matamis na ngiti.
Imbes na ngitian ni Sophie si Marvin ay lalong pang kumunot ang noo ni Sophie at tumalikod ito. Habang nakatalikod si Sophie ay panay ang ayos ni Marvin ng kaniyang gamit na ikinainis lalo ni Sophie. Nagsisisi tuloy ito kung bakit pa siya nag-bus papuntang Bicol.
Sa wakas ay umandar na rin ang bus. Maginaw naman sa loob at malinis. Yun nga lang ay hindi siya komportable dahil sa katabi niyang malikot. Ilang sandali pa ay naupo na rin nang maayos si Marvin.
"Hay salamat," bulong ni Sophie.
NANG nasa South Luzon Express Highway na sila ay pumikit na rin si Marvin. Napatingin si Sopihe sa binata at sa tantiya niya nasa bente-uno o bente-dos na ito. Katamtamtaman lang ang tangkad ni Marvin, maputi, medyo malaman, at mukhang tsinoy. Naka-undercut ang hairstyle nito na nagpa-cute sa kaniyang hitsura. Isa pa sa kinaiinis ni Sophie ay ang chewing gum na nginunguya-nguya ni Marvin habang nakapikit ito.
Hinahanap ni Sophie ang earphone niya sa bag, pero nailagay pala niya ito sa kaniang maleta. Gusto niya sana iyong ilagay para hindi siya kausapin sakaling daldalin na naman siya ni Marvin.
Habang umaandar ang bus, nakatanaw ito sa bintana at kasalukuyang patirik na rin ang araw. Sinara niya ang kurtina dahil nasisilaw na siya sa sobrang init sa labas. Wala rin naman siyang makitang kakaiba sa daan kundi ang mga sasakyan na nalalampasan at nasasabayan nila. Hanggang sa napa-idlip na din ito.
Habang nakaidlip si Sophie, si Marvin naman ang nagising. Napatingin siya kay Sophie at napansin nito kagad ang matangos na ilong at maninipis at mahahabang hugis ng mga labi nito. Nakita rin niyang kumikislap ang hikaw nito na may tumpok na mamahaling bato. Napansin din niya ang suot na magarang Iwatch.
Nagulat na lang si Marvin nang may biglang kumalabit sa kanya. "Sir, yung ticket niyo po?" sabi ng kunduktor kay Marvin. "Paki sabi na rin sa girlfriend niyo."
Kinalabit nito ang braso ni Sophie. "Miss, 'yong ticket mo raw? "
"Ano ba? Huwag mo nga akong hawakan!"
"May problema ba?" sabi ng matabang kunduktor. "Yong ticket mo miss?" sabi nito kay Sophie. "Girlfriend mo ba siya?" tanong naman niya kay Marvin.
"Hindi! At heto ang ticket ko!" iritableng sagot ni Sophie sa kunduktor. "At puwede ba mister huwag mo nga akong mahawak-hawakan!" sabi niya naman kay Marvin.
"Ok. Fine!" painis naman na sagot ni Marvin.
Mayamaya pa ay may kinuhang folder si Marvin sa kanyang backpack. Nakita niya ang logo, tatlong S na magkadikitdikit ito. Sa tabi ng logo ay ang pangalan ng kanilang kumpanya, Tri-S Pharmaceutical Company.
"Med Rep ka 'no? Wala ka bang kotse?" tanong ni Sophie.
Nagtaka si Marvin kung paano niya ito nalaman pero sinagot pa rin niya ito. "Wala pa akong kotse bago pa lang kasi ako. Pag one year na ako at maganda ang performance ko, puwede na akong magka-kotse. Paano mo nalaman na isa akong med rep?"
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
RomanceSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...