Chapter 26 - A Lovely Evening

1.9K 88 9
                                    

Sa wakas ay natapos din ni Sophie ang masalimuot na karanasan niya bilang isang intern sa loob ng labing dalawang buwan. Pagkatapos nito ay maaari na siyang makakuha ng licensure exam para sa mga duktor.

Isang simpleng seremonya lang naman ang naganap sa mga nagtapos ng Post Graduate Internship Program at halos limampo lang silang intern sa The Holy Cross Medical Center. Ganoon pa man, naging memorable pa rin sa bawat intern ang araw na iyon.

Kasama muli ni Sophie ang kaniyang ina ngunit ang ama nito ay hindi nakarating dahil nasa Singapore ito. Naroon din ang mga kaibigan niya sa Rehabilitation Department kaya masayang-masaya siya lalung-lalo na at naroon din si Tyrone.

Pagkatapos ng graduation, sinabihan ni Sophie na huwag na siyang sunduin sa kanila sa gagawing Intern's Night, at hintayin na lang siya sa may front lobby ng hospital. Ganoon nga ang ginawa ni Tyrone, hinintay niya si Sophie sa lobby. Kinakabahan siya dahil baka hindi magustuhan ang ayos nito. Dark gray suit ang suot niya at white polo long sleeve sa loob. Tamang-tama ang fit nito kahit hiniraman lang niya ang kanyang kasuotan sa kapatid ni Wacky. Ang buhok niya na medyo wavy na aabot na sa tainga ay ganoon pa rin pero black and shinny naman dahil sa nilagay nitong hair shine.

Bandang alas otso dumating na si Sophie hatid ni Tata Dolfo. Agad naman itong sinalubong ni Tyrone. Pagbaba ni Sophie ay naka red sleveless lace cocktail party dress ito na lampas ng konti sa tuhod. Naka red stiletto din siya kaya abot tainga na niya si Tyrone. Ang buhok nito ay nakalugay sa right side at naka temporary curl ito. Simple pero elegante ng gabing iyon si Sophie.

Agad naman inabutan ni Tyrone ng isang American red Rose nang lumaptit na siya kay Sophie at binati naman niya ito ng halik sa pisngi. Matapos ang batian nila ay kumabit na si Sophie sa braso ni Tyrone at sumakay na sila ng elevator papunta sa hall na pagdadausan ng party.

Habang nasa hall sila ay panay ang tanong ng mga kapuwa ka-intern ni Sophie kung sino ang date niya. Nang malaman nila na si Tyrone ito ng Rehab ay hindi sila makapaniwala dahil nag-iba ang hitsura nito. Sanay sila na laging nila itong nakikita na naka-casual at scrub uniforn sa araw-araw. Kahit si Sophie ay namangha din sa kanyang date dahil sa ganda nang pagkaayos sa kanya nila Wacky.

Nagkaroon ng maikling programa sa idinaos na pagdiriwang. May sumayaw na grupo, kumanta, konting speech ng piling head ng departments at slide presentation na rin ng mga interns.

Mayamaya pa ay sinerve na sa kanila ang food and snack. At sa finale nila ay kinanta nila ang Friends Forever ni Michael W. Smith. Pagkatapos ay nag-sayawan na sila.

Nakailang sayaw lang ang dalawa at nauna na silang umuwi sa ibang mga kasamahan. Dala-dala naman ni Tyrone ang kotse ni Waxky kaya inihatid na niya si Sophie sa bahay nito.

Pagdating sa bahay nila Sophie ay pinatuloy muna niya si Tyrone at nag-usap muna ang dalawa sa may garden. Sa gitna ng kanilang loan ay may fountain na puwedeng upuan. Maliwanag ang fountain dahil sa gitna nito ay may malaking puting bola kung saan nakalagay amg ilaw sa loob.

Naupo silang magkatabi. Noong una ay nahiya pang hawakan ni Tyrone ang kamay ni Sophie. Nasa pagitan nila ang kanilang mga kamay.

"Nakakapanibago," ani Tyrone

Nakaharap si Sophie kay Tyrone samantalang si Tyrone ay naka-side view sa dalaga. "Anong nakakapanibago? Na magkasama tayo at magkahawak kamay?" tanong naman ni Sophie na naka ngiti.

Tumango ito."Una pa lang kitang makita, hindi ka na maalis sa isip ko lalo na nang maging magkasama tayo. Lagi na lang akong wala sa sarili." Napangiti ang dalawa. Marahang ipinihit ni Tyrone ang ulo niya at tumingin ito sa mga mata ni Sophie. Pilit niyang dinadama kung ano ang nararamdaman ng dalaga. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan noong magkita tayo sa disco bar? You were so sexy on that black mini dress. Alam ko nung time na yon, you were broken and miserable just like me."

"Di kita talaga maalaala, sorry na." Ngumiti si Tyrone. Napapikit si Sophie at humugot ng malalim na hininga. "Yes I was so miserable. I just ended up a three year relationship with a man I thought I'm gonna end up with. Akala ko noon, he was waiting for the right time to ask me, but only to find out that he was slowly slipping out of my hand. Ang feeling ko noon parang bigla na lang kaming nahulog sa bangin tapos nakakapit ang isang kamay ko sa ugat ng kahoy habang siya nakakapit sa kamay ko. Hinihila ko siya pero hindi ko siya mahila, tapos sa sobrang bigat niya nabitiwan ko na. Sising-sisi ako dahil nahulog siya sa kawalan samantalang ako nakakapit." Habang kinukuwento niya ito kay Tyrone ay namumuo na ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

Ipinagpatuloy nito ang kuwento. "Naiwan akong nakakakapit sa ugat ng kahoy, pinilit kong tumayo at sinubukan kong kapkapin ng paa ko ang lupang binagsakan ko hanggang sa may naapakan ako. Pinilit kong tumayo at kumapit ako sa puno ng kahoy. Pagkatapos, indi ko na siya nakita." Tuluyan nang nag-unahan sa pagpatak ang mga luhang pilit niyang ikinukubli kay Tyrone.

"Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon pero wala na siya. It's not your fault Sophie so stop blaming yourself." Kinabig nito ang dalaga at yinakap. Doon niya narinig ang mga hikbi nito. Hinimas-himas nito ang likod. "Nandito na ako. Hindi kita pababayaang mahulog ulit. Aakyat tayo ng sabay pabalik sa taas. Hindi kita sasaktan dahil mahal na mahal kita, Sophie."

Bumitaw sila sa pagkakayakap. "Salamat Tyrone. Ayoko sanang masaktan ka pero hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Sa pagdating mo, unti-unti ko nang nakakalimutan ang sakit na dinanas ko noon. Ayaw ko rin sanang isipin mo na ginagamit lang kita, pero kailangan kita, Tyrone. Hindi ko pala kayang mag-isa at maging malungkot. Dahil sa iyo nararanasan ko na naman ang muling magmahal at mahalin ng walang pangamba."

"I'll always be with you Sophie. Hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Magtiwala ka lang sana sa akin."

"Salamat Tyrone at napakabait mo." ani Sophie.

Inangat ni Tyrone ang mukha ni Sophie. Pinunasan nito ng mga kamay niya ang mga matang basa ng luha. "Hindi kita pakakawalan kahit na anong mangyari. Handa din kitang unawain."

"I thought I will live a miserable and lonely life until you came. Thank you for rescuing me."

Ngumiti si Tyrone. "I've been in misery for a long time, but you have also rescued me. Umasa rin ako na mahalin din pero tinalikuran lang ako. Masakit dahil nagmahal rin ako ng mahabang panahon, pero ngayon nakawala na ako. And I'm loving you now, Sophie." Kinuha niya ang dalawang kamay ni Sophie at hinalikan ang likod ng kamay nito, isa-isa.

"You're a goodman Tyrone. Hindi ka mahirap mahalin." Kinuha ni Sophie ang mga kamay niya at inilagay ang mga ito sa pisngi ng binata. "And I want you to know that you are now here in my heart." Kinuha ni Sophie ang kanang kamay at inilagay sa dibdib niya. "Mahal na rin kita, Tyrone."

Gumuhit ang mga ngiti sa labi ng dalawa. Kitang-kita din ang ningning ng kanilanng mga mata dahil sa labis na nararamdamang kasiyahan. Hanggang sa muli ay dahan-dahang naglalapit ang kanilang mga mukha at saka nagtama ang kanilang mga labi.

Saglit na pinutol ni Tyrone ang kaniyang halik kay Sophie at hinila niya itong patayo. Inuluhod ni Tyrone ang isang tuhod niya at inabot bitong ang kamay sa dalaga. "Shall I dance with my lovely lady in red?"

Hindi maitago ni Sophie ang kilig na naramdaman kaya agad niyang inabot ang kaniyang kamay. Agad namang inilagay paikot ang mga braso ni Tyrone sa baywang ng dalaga at idinikit ang katawan nito. Si Sophie naman ay inlagay paekis ang mga braso niya sa likod ng leeg ni Tyrone at nagtitigan sila habang nagsasayaw.

Mayamaya ay idinikit ni Tyrone ang pisngi niya sa pisngi ng dalaga at binulungan ito. "I love you, Sophie."

Napatawa ng bigla si Sophie dahil sa nakiliti ito sa boses at mainit na hininga ni Tyrone na tumama sa kaniyang tainga. "I love you too, Tyrone," bulong din niya.

Napapikit ang dalawa habang nagsasayaw ng marahan sa ilalim ng mabituing kalangitan.

---

Author's Note:

Hay salamat! Nahirapan ako sa part na 'to. First time kong ma-writer's block. Ang sakit sa ulo labanan ng writer's block. Hahaha!

Ang tanong, kung na-enjoy niyo ba ang scene na ito? Kung hindi, idaan niyo sa comment at aayusin natin. Kung ok naman, daanin sa vote. Share this also. Give me a star! Ganyan nga. Chalamat sa inyo mga readers kong papa at mama ketchup! ;)

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon