Chapter 18 - Ang Naunsiyaming Pasasalamat

2.2K 63 2
                                    

Nailipat na si Sophie sa Department of Surgery kung saan mahigpit ang kumpitensiya dito. Isa ito sa pinakamahirap na area sa hospital. Kahit na nabagot si Sophie sa RehabD, hinahanap-hanap naman nito ang mga biruan at tawanan sa Rehab Department.

Minsan, habang nagiikot-ikot siya sa Male Surgical Ward, may isang matandang lalaking pasyente siuang nakita nahihirapang huminga. Agad niya itong tiningnan gamit ang kaniyang stethoscope at pinakinggan ang paghinga. Sinabi niya sa bantay na tumawag ng nars o duktor.

"Start na tayo ng intubation," sabi ng babaeng duktor.

Pag dating ng nars na may dalang intubation set ay nagsisimula nang ipasok ng duktor ang tubo sa bibig gamit ang isang laryngoscope. Habang abala ang iba sa pagkakabit ng tubo ay naalala ni Sophie noong si Stephen ay hindi makahinga dahil sa matinding allergy kaya binugahan ni Beverly ng hininga sa bibig si Stephen. Napatulala ito at napansin ito ng residente.

"Ms. Barranda!" sigaw ng duktor.

Nabigla siya. "Yes doc?"

"Don't you just stand there! Get his blood sugar!" sigaw ng duktor.

Nang matapos na sila sa pagkabit ng tubo ay, "For transfer si Manong sa SICU. Standby muna kayo. And Miss Barranda, What are you thinking? Wala ka sa sarili mo kanina. A simple mistake is lethal to our patient! You know that!"

"Sorry doc May naalala lang kasi ako."

"I don't care what's happening with your personal life! If you want to be a doctor, then act like a doctor. Don't just stand there like a bystander!"

Namula si Sophie. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nasigawan at napahiya. Halos pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob ng ward. Gustuhin man niyang magsalita ay nanahimik na lang ito baka lalo pa siyang mapagalitan.

"Hindi dapat nagdadala ng mga problema dito. Wala tayong sariling buhay kapag nandidito tayo dahil ang buhay ng mga pasyente ang dapat nating inuuna hindi kung anu-anong bagay. Understood?" Tumango si Sophie at tinalikuran na siya ng duktor.

May lumapit na nars at tinapik siya. "Ganoon lang si Dra. delos Santos, pero magaling iyon. Residente pa lang siya pero talo pa niya ang ibang consultant dito," wika ng nars.

Nang inilipat ang pasyente, nagpaiwan siya sa nurse station. Habang nagbabasa-basa siya ng chart, narinig niya sa paging system na pinapapunta siya sa Emergency Department. Papunta na siya doon ng makasalubong niya si Wacky. Dahil sa nagmamadali ito ay hindi sila nakapag-usap.

Nagkaroon pala ng food poisoning sa isang public elementary school malapit sa hospital at isunugod ang mahigit dalawampung estudyante kaya kinailangan ang maraming intern. Tumulong siya sa pagga-gamot ng mga nalasong bata.

Nang matapos siya sa pagtulong nakita niyang parating si Marvin. "Saan ang punta mo?" tanong ni Sophie.

"Yung nanay ko sinugod dito," malungkot na tugon ni Marvin. "Natumba daw siya habang nagsasabit ng kurtina tapos ngayon may fracture sa leg."

Iniwan muna ito ni Sophie para kunin ang chart at doon nabasa niya na ang pangalan ng pasyente ay Margarita Lim Benitez. Kinausap naman ni Sophie si Marvin at sinabihang huwag masyadong mag-alala at bumalik na siya sa kaniyang area.

Kinahapunan pag-uwi niya, nagpasundo siya kay Tata Dolfo. Habang nakasakay siya napansin ng matanda na malungkot si Sophie.

"Kumusta po ang duty Ma'am, mukhang pagod na pagod kayo?"

"Dami kasing nangyari sa akin sa araw na 'to. Tapos 'yong nanay ng kaibigan ko na hospital pa." Biglang nagbago ang hitsura ni Sophie nang may naalaala ito. "Tata Dolfo, ano nga pi pala ang pangalan nung babaeng nang-iwan sa iyo?"

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon