Kadalasang matatagpuan sa ground floor ang Rehabilitation Department ng isang hospital. Habang tinatahak ni Sophie ang hallway papuntang Rehab, naalala niya yung PT na nag-therapy sa kanya.
Bago pa niya buksan ang pinto ng rehab, "Lord, sana wala na dito 'yong antipatikong PT na nakasagutan ko ,"
Bubuksan na sana niya ang pinto nang may nauna nang magbukas nito mula sa loob. Pagtingin niya ay ang kinaiinisan niyang si Tyrone.
"You?"sabay nilang nasabi. Lalabas sana noon si Tyrone habang papasok naman sa loob si Sophie. Dahil dito nagpatentero ang dalawa sa may pintuan.
"Puwede ba padaanin mo muna ako?" sabi ni Sophie.
Tumigil si Tyrone. "Sorry miss," malumanay niyang sagot.
Nang makadaan, dire-diretso si Sophie sa room ng Rehab doctor, samantalang si Tyrone ay napalingon. "PGI pala siya. Heto na siguro yung sinasabi ni Doc na intern," bulong nito na napangiti rin.
Lalabas na sana siya ng, "Sir Tyrone, tawag ka po ni Dra. Reyes!" sigaw ng isang babaeng PT intern.
Pumasok ito sa kuwarto ng Physiatrist at pagkapasok niya ay nakaita niya na nakaupo si Sophie. Ipinakilala ni Dra. Reyes ang dalawa sa isa't-isa. " Tyrone, this is Miss Sophie Barranda, our new PGI. She'll be with us for one week. Sophie, this is Mr. Tyrone Legaspi, our chief PT. Unfortunately, we don't have any resident. Yung isa kaka-graduate pa lang, kaya si Tyrone ang mag-aassist sa iyo kung wala ako. Don't you worry, you'll learn many things from him."
Magalang naman itong binati ni Tyrone. "Hello, Miss Barranda. Welcome to Rehabilitation Department. It's nice to have you and I hope you will like it here, Ma'am." Makikipag-abrasa sana siya kaso baka kung ano na naman ang isipin.
Nginitian naman ito ni Sophie pero matipid ito. Hanggat maaari, ayaw niyang mahalata siya ng duktor na naiinis pa rin siya kay Tyrone.
"Well, tamang-tama kasi me dalawa pasyenteng bibisitahin sa ward si Tyrone. Hindi ba papunta ka na roon, Tyrone?" Tumango si Tyrone. "Is it ok Ms. Barranda if you will come with him, ngayon na?"
"Po? Ah, eh."
"Alam mo Ms. Barranda, hindi lang sa kapuwa nating duktor tayo matututo. Hindi porke hindi siya duktor ay lesser ang kanyang nalalaman. Alam mo, PT are experts when it comes to rehabilitation at gamay nila ang mga neuromuscular and musculoskeletal case, infact hey are mini-doctors. Don't worry, magaling si Tyrone. Sige na. Make your assessment on our two new patient and report it to me."
Nagpaalam na ang dalawa. Dahil malapit si Tyrone sa may pintuan, siya ang naunang lumabas. Sumunod si Sophie. Lumabas na rin sila sa kanilang department papuntang 4th floor kung saan naroon ang male surgery ward.
Tahimik lang ang dalawa sa loob ng elevator habang may mga taong lumalabas pasok dito. Si Sophie naman bagamat tahimik ay makikitang nakakunot ang noo at halatang hindi komportable. Nag-iiwasan din ang dalawa na magkatamaan ng tingin.
Pag dating nila sa nurse station ay kinuha ni Tyrone ang dalawang chart. Yung isa ay head injury at yung isa, ay -operado sa ulo pagkatapos ma-stroke.
"Miss Sophie, ito yung dalawang chart. Kung may maitutulong ako, puwede mo akong tanungin." Magalang na sinabi ni Tyrone.
Sa pagkakataong ito, matamis ang ngiting ginanti ni Sophie. "Thank you Sir Tyrone."
"Tyrone na lang o kaya Ron. Sa tingin ko magka-edad lang naman tayo."
"Sure ka? Professional ka na ako hindi pa."
Ngumiti si Tyrone, halos naningkit ang mga mata nito. "Walang kaso yun. Soon, you'll be a doctor!"
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
RomanceSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...