Chapter 3 - Ladies Night

4.5K 106 1
                                    

HABANG naghahapunan si Sophie kasama ang kaniyang Mama at Papa ay halatang hindi ito masyadong kumakain. Napansin tuloy siya ng kaniyang Papa.

"Ano ba Sophie, kumain ka nga nang maayos. Halos wala kang kinakain. And don't toy with your foods!" saway ng amang si Tony. Chubby ang tatay ni Sophie na may lahing Kastila. Nasa early fifty's na ito. Sa lahat ng ayaw niya sa kaniyang mga anak ay kapag hindi inuubos ang pagkain sa pinggan ng mga ito. Ang dalawang kapatid ni Sophie name parehong babae ay may kani-kaniyang pamilya na kaya siya na lang ang naiwan sa poder ng kaniyang mga magulang.

Halos otsyenta porsyento ng hitsura ni Sophie ay nakuha niya sa ama. May pagka-hypercritical  itong tao kaya madalas pinupuna ang mga mali kahit na maliit na detalye. Maragsa rin itong magsalita kayat madalas napagkakamalang galit ito. Ganoon pa man, malambot din naman ang puso nito lalung-lalo na sa kaniyamg mga anak at higit sa lahat, sa kaniyang asawa.

"Sorry Pa. Busog po kasi ako. Late na po kasi akong nag-merienda," matamlay na sagot ni Sophie.

"So what's your plan after graduation?" tanong naman ng inang si Luisa.

Morena ang kaniyang ina. Payat ngunit maganda ang hubog ng katawan. Simple lang ang hitsura ng mukha nito pero may pagka-smart ang dating. Siya ang nag-impluwensiya kay Sophie kung paano maging fit at sexy ito. Mas bata ito sa kaniyang asawa ng limang taon. Mabait na ina si Luisa at di pala imik, ngunit madalas siya ang nagdidisisyon sa mga anak nitong babae.

"Gusto ko po sanang magbakasyon Ma sa probinsiya. Doon kina Tita Amy sa Iloilo."

"Ayaw mong mag-out of the country? How about, US?" tanong ng ama having umiinom ng tubing.

"Nope! I just want to stay here!"

"And why is it? Treat na nga yan ng Papa mo? Right hon?" sabi ng ina. Tumango naman si Tony.

"Overwhelming kasi doon. I want somewhere peaceful and quiet."

"Magso-soul searching ka ba?" tanong ng ama. Tumango si Sophie. "And after that anong plano mo? Saan mo ba planong mag post graduate internship?"

"Don't worry about it hon. I've already talk it out with Dr. Tanchuling, yong Medical Director ng bagong American missionary hospital dito. Siya na raw ang bahala," sabi ng ina.

Takang-taka si Sophie sa sinabi ng ina. "Wow! You've done that without telling me?" Nakakunot ang noo nito. "Gusto ko sana sa public hospital lang, sa QMMC, so far maganda naman doon. Semi-private yon saka one of the outstanding government hospitals dito sa Pilipinas."

"You think I will allow you to be in a public hospital. Milyung-milyung germs ang nandoon tapos dadalhin mo dito sa bahay natin. No!"

"Hands-on kasi pag gano'n, di ba Pa?" Itinuon pa ni Sophie ang tingin sa ama. Kumibit-balikat lang ang ama.

Sa inis ni Sophie ay naibagsak niya ang tinidor na hawak sa pinggan at umalis sa upuan.

"Look at your daughter, Tony! She just walked out on me again. And you didn't do anything about it!" dismayadong saad ni Luisa.

"You should have at least talked it with her. I think our daughter wants to do something on her own." Magsasalit pa sana ito ngunit hindi na maganda ang reaksiyon ng mukha ng asawa. Kaya imbes na kontahin,  "May magagawa ba siya kung tumanggi ka?"

"Well. I know better. I'm her mother!" Tumaas ang isang kilay ni Luisa.

"Yeah. Of course!" Nanahimik na lang si Tony at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Samantala, habang si Sophie ay nasa kuwarto, naisipan niyang yayain ang matalik na kaibigang si Cheska. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya ito. Habang nagri-ring ang kabilang linya ay nahiga ito sa kama.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon