Chapter 19 - The Blind Item

2.1K 83 9
                                    

Tinipon ni Dra. Reyes sa kanyang office ang kanyang staff sa Rehab na pinangungunahan ni Tyrone. Naroon din ang med rep na si Marvin, na kiilala na rin nila dahil sa madalas ito sa opisina ng duktora. Pag-uusapan nila ang activity na inisponsor ng kumpanyang pinapaaukan ni Marvin.

"Guys, iniimbitahan ulit tayo ni Marvin para sa mountain climbing. May isang bus na mag-a-accomodate sa atin."

"Kelan po ito Dok?" tanong ni Wacky.

"Next Friday na po ito," sagot ni Marvin. "Aalis po tayo dito ng Friday ng 11 pm para pag Saturday morning nandoon na po tayo sa Baguio sa Ranger Station. There will be a registration and a short seminar from DENR. By eleven in the morning, we will leave the Ranger Station and we'll be heading for Camp 2. Around 3-4 pm we will be at Camp 2 , we will spend the evening there inside our tent. Bring your tent and thick jackets and thick pants para hindi kayo manigas sa lamig. At 4am ng Sunday, we will be climbing the summit to seethe sunrise."

"Saan ang assemble?" tanong ni Tyrone.

"Salamat Sir Tyrone. We will assemble here sa front ng hospital. Assembly time is 10:30 pm. Reminders lang po, eleven pm sharp aalis na ang bus. Ang maiwan, sorry. Kailangan po on time," paliwanag ni Marvin.

"Yung sasama, magpa lista kay Marvin. Bibigyan na rin niya kayo ng orange t-shirt courtesy of Tri-S Pharmaceuticals. Libre ang registration sa DENR at ang bus. Yung pagkain, kkb!" sabi ng duktora.

Sabay-sabay na nag, "Hay..." ang staff ni Dra. Reyes.

"Gusto niyo naman lahat libre? Kayo talaga!" ani Dra. Reyes. "Sige na, magpa lista na kayo. By the way, Tyrone ikaw na rin ang in-charge diyan sa mga intern natin na sasama. Naku, bantayan mo ang mga 'yan ng mabuti. Baka mauna ang Martres sa Lunes! Patay tayo sa parents niyan."

Nagtawanan ang mga staff.

"No problem dok! Akong bahala diyan," sagot ni Tyrone.

"Pasasalamat po ito ngTri-S, for patronizing their product," pahabol ni Marvin. "As much as possible don't carry too much para di kayo mahirapan sa pag-akyat."

"Si Sophie ba sasama?" tanong ni Wacky. Naghiyawan ang buong staff.

"Iimbitahan ko pa lang," sagot ni Marvin.

"Dapat si Sir Tyrone na lang ang mag-invite para sumama," sabi ng isang intern.

Hindi naman umimik si Tyrone dahil napansin niya na biglang nag-iba ang hitsura ni Marvin.

"Ke sumama siya o hindi, sumama kayo dahil once in a lifetime lang 'to. Ako, hindi ako puwede," sabi ulit ng duktora.

"Bakit Doc, nirarayuma na ba?" biro ni Marvin.

"Lokong med rep ka, ha? Gusto mo hindi na kita bilihan diyan?"

"Doc, di ka na mabiro. Joke-joke lang 'yon," bawi ni Marvin.

"Next week, I will also be in Bagiuo for a four-day convention. Yon kaya hindi ako makaka-attend hindi dahil sa arthritis. Malakas pa ang tuhod ko," banat ng duktor.

"Yan kasi si Marvin!"biro ni Wacky.

"O siya. Magpalista na kayo kay Marvin. Vin, hingi rin ako ng t-shirt niyo, ha?" ani ng duktor

"Yes Doc!" sagot ni Marvin.

Nang natapos ang pagpapalista ay umalis na rin si Marvin. Umakyat ito sa taas at hinanap si Sophie na nasa SICU naman ng mga oras na iyon. Dahil may client pa si Marvin ay hindi na rin sila nag-kita at nakapag-usap.

Bandang tanghalian inabot ng gutom si Marvin kaya napadaan muna ito sa canteen. Habang kumakain siya may naririnig siyang dalawang lalaking duktor sa likod niya na nag-uusap.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon