Sa wakas, sumapit na rin ang Miyerkules at nataong day off si Sophie. Sinundo siya ni Wacky gamit ang second hand Mitsubishi Galant na kulay gray. Kahit may kalumaan na at hindi na ganoon kakintab ang kotse nito ay maganda at maayos ang loob. Hindi rin maingay ang takbo ng makina ng kotseng ito.
"Sencia na Sophie, second hand lang ang kotse ko. Utang pa nga 'to sa Dad ko," ani Wacky habang patingin-tingin ito kay Sophie na nasa kabilang seat.
"Ok lang to Wacky. At least may sarili kang kotse. Ako nga wala."
"Bakit naman, eh ang yaman niyo?"
"May nasagasaan kasi akong isang malaking asong itim noon. Namatay 'yon on the spot. Yung ex ko kasi hinaharot ako noon, yung hinalikan mo sa picture. Tapos bigla na lang sumulpot 'yong aso, ayun. Simula noon, natakot na akong mag-drive baka kasi tao na ang sumunod. Awawng-awa ako sa aso. Na-iyak pa nga ako sa ex ko, nakonsensiya ako."
"Anong ginawa niyo sa aso?"
"May mga taong nagpuntahan doon sabi nila, nagwawala daw 'yong asong 'yong. Siguro na rabbis, sila na rin ang naglibing."
"'Yon naman pala pero nakakalungkot naman ang nangyari sa asong 'yon. Huwag mo na lang ikukuwento kay Tyrone kasi dog lover yon. Sorry pala kung hinalikan ko ang picture ng ex mo. Hindi ako nakapagpigil. Ang Papa Ketchup kasi niya, eh."
"Ketchurap-cherap talaga?" Ngumiti ito ng sandali. "Ok lang. Lagi naman kasi yung hinahalikan ng iba. Kaya ipinamigay ko na. Gusto mo sa iyo na siya."
"Sige akin na...yung cellphone number. Hehehe."
"Kaso homophobic yon. Hahaha!"
Napatingin si Wacky kay Sophie. "Wow. Yan pala yung signature laugh mo na gustong-gusto ni Tyrone. Parang si Julia Roberts ka raw pag tumatawa."
"Sinabi niya 'yon? Nakaka-flatter naman paki sabi sa kanya. Hahaha!" Nang matapos na ito sa pag-tawa,"Sabihin mo na sa akin yung tungkol kay Tyrone."
"Ahem. Curious ka, ano? Aminin? Mamya na. Mas may thrill mamaya."
Napangiti si Sophie. Inaamin niya sa sarili na talagang may nararamdaman siyang kakaiba sa tuwing napag-uusapan si Tyrone. Nanahimik na lang ito para hindi mahalata ni Wacky.
Mga ilang sandali pa ay nakarating din sila sa bahay nila Tyrone. Isang simpleng appartment lang ang tinitirhan nito. Pagpasok nila sa gate ay nakita ni Sophie na may nakasabit na hawla sa may tabi ng pinto at may lamang isang pares ng African lovebirds. Sa labas naman ng bintana nila ay may malaking aquarium na may dalawang flower horn fish na halos kasing laki ng plato. Naaliw siya habang tinitingnan niya ang magiliw na paglangoy nito. Sinalubong din sila ng isang asong black labrador.
Tatalon sana ang aso kay Sophie, ngunit, "Maximus, no! Sit!" utos ni Tyrone sa aso. Sinunod naman ito ng aso at naupo sa may daraanan.
"Hello Maximus" Tinapi-tapi ni Sophie ang ulo ng aso na kinatuwa naman ng aso.
Lumapit naman si Tyrone kina Sophie at Wacky. "Hello Sophie. Pasok kayo." Dahil sa nakaharang si Maximus, "Max, go upstairs!" Umakyat naman ang aso habang nakaturo ang kamay sa hagdanan pataas.
Pagpasok ni Sophie ay dumaan ito sa tabi ni Tyrone. Amuy na amoy ni Tyrone ang mabangong buhok ni Sophie. Kahit na naka tight maong jeans at t-shirt na pink na may print na may logo ng medicine lang ito ay nakakaagaw pansin pa rin ang dalaga sa kanyang angking ganda.
Pinaupo ni Tyrone ang dalawa sa sofa. Tinutulak naman ni Wacky si Tyrone sa tabi ni Sophie pero ayaw naman nito. Napansin iyon ni Siphie pero hindi ito nagpahalata.
Habang nakaupo si Sophie ay pinagmamasdan nito ang kabahayan. Maliit lang ang loob ng bahay. Ang sala ay diretso na sa kusina at kainan na nahahati lang ng hagdanan pataas. May isa pang kuwarto sa baba at marahil kuwarto iyon ng matanda.
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
RomanceSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...