Pagka-Lunes ng umaga, napansin ni Wacky ang kakaibang sigla ni Tyrone. Sumisipol-sipol pa ito ng kanta ni Jason Mraz ng I'm Yours, habang nag-aayos sila ng mga kagamitan nila bago magbukas ng Rehab.
"Sir Ron, mukhang ganadung-ganado tayo ngayon? Musta pala yung dalaw mo sa mga Barranda? Nagkita ba kayo ni Sophie?" Hindi ito napansin ni Tyrone dahil malayo ang iniisip nito. "Am I talking to the air?"
Saka lang ni Tyrone napansin si Wacky. '"Kaw pala Wacks? Yes, nagkita kami," sagot nito habang ang ngiti nito ay abot tainga.
"Kaya ka ba masaya?" mausisang tanong ni Wacky.
"Yup! Halata ba?" tanong nito habang nakangiti pa rin.
"Hindi naman masyado. Naka-score ka na ba? At naka-graduate ka na ba sa pagiging torpe mo?"
Ngumisi si Tyrone sa pang-asar ni Wacky. "Not really? Speking of graduation, I'm gonna be her escort on their intern's night!"
"Taray! Ay oo nga pala, ga-graduate na pala siya sa pagiging-PGI. May susuutin ka na?"
"'Yon nga eh. Wala akong suit."
"Don't worry sagot ko na ang suit mo. I'll borrow a tuxedo for you. Si Jackson, yung fashion model na kapatid ko, sa tingin ko magka-sukat kayo. Nanakawan ko siya ng isa sa wardrobe niya. Hahaha!"
"Talaga Wacks? Cocktail party lang daw yon."
"Mukha ba akong nagbibiro?...Mag-tuxedo ka na lang...Sigurado ako, sa gabing iyon, luluhod ang mga girls sa iyo. Tingnan ko lang kung hindi mo pa mapa-oo yang Sophie na yan?"
"You're really a bro!"
"Tama na baka ma-in love ka pa sa akin. Hahaha. E, bakit daw hindi siya kay Marvin nagpa-escort?"
"Yun nga eh? Basta, ang sagot niya sa akin, e, hindi naman daw sila, at parang kapatid lang daw niya 'yon," paliwanag ni Tyrone sabay napangiti ito.
"Anong ibig sabihin ng mga ngiti mo? Liligawan mo na siya?"
"Liligawan ko na ba?"
"Siyempre! Baka maunahan ka pa ng iba. Kaya bilis-bilisan mo na. Hay naku ako na ang gagawa ng paraan. Ang bagal mo talaga!" Iniwan na siya ni Wacky.
Hinabol ni Tyrone si Wacky. "Joaquin! Bumalik ka dito! Anong gagawin mo?"
"Leave it to me!"
Bandang alas dies nang araw ding iyon ay maagang nananghalian si Sophie sa canteen. Mabilisan lang ang kain niya dahil may appendectomy silang gagawin sa OR. Isa itong minor surgery.
Aalis na sana siya nang abutan siya ni Wacky para mag-snack. "Hi Miss Sophie?" Naupo ito sa tabi ni Sophie habang inilagay niya ang tray sa may mesa na may lamang Coke in can na may straw, at isang sandwich.
"Hello din Miss Wacky?" bati niya habang hinihintay makaupo si Wacky.
"Naku, tinawag mo pa akong miss.Misis na po ako." Natawa ito. "Kain ulit?"
"No thanks," ani Sophie habang napatawa kay Wacky.
Nakita ni Wacky na may mga tirang pagkain sa plato ng dalaga. "Sabadista ka ba at veggie meat ang ulam mo?"
"Hindi ah! Katoliko ako. I like eating veggie meat, once in a while. Umiiwas din minsan sa cholesterol. You should try some."
Nagsenyas si Wacky ng ayaw nito at, "Really? Kaya pala ang sexy mo!" ani Wacky habang kumakain at sumusipsip ng softdrink. "Parehas pala kayo ni Tyrone, vegetarian kasi yon!"
"Me naman, I still eat meat. Iba pa rin ang lasa ng meat. Saka we still need animal protein," ani Sophie.
"Diyan kayo mag-aaway noon because Tyrone loves animal. Para ngang zoo ang bahay nila sa dami ng pet noon."
"Wow! Really? Naku-curious tuloy ako."
"Uy!" biro ni Wacky.
"Anong uy?!" Tinapi ng dalaga ang braso ni Wacky.
"Kung curious ka, e di pasyalan natin. Tamang-tama kaai sa Wednesday birthday ng lola noon. Punta ka?" Yaya ni Wacky.
"Naku! Di naman siya ang nang-iimbita!"
"Pag dating sa iyo, walang problema. I mean, I'm his spokewoman. Hehehe."
"Kailangan pa ba niya ng spokesperson?"
"Alam mo Miss Sophie, pinaglihi yon ng nanay niya sa torpedo. May pagka-stoic kasi 'yon."
"Hindi halata!" Sa tono ng boses ni Sophie ay ang kabaliktaran.
"Nahalata mo pala? Alam mo ba kung bakit ganyan siya?"
"Hindi! Bakit nga?" tanong ni Sophie.
Tumingin-tingin si Wacky sa paligid niya. "Daming tao Doc, saka ko na sasabihin pag pumunta ka sa birthday ng lola niya."
Napabuntong-hininga ang dalaga. "Kaw talaga Wacky! Sige na nga, malakas ka sa akin. O siya, GTG!" Tumayo na ito at nagmadaling umalis. Sa pagmamadali niya, naiwan niya tuloy ang drug handbook niya. Ito ay libro at listahan ng mga gamot.
Kaagad kinuha ni Wacky ang libro at tiningnan niya. Bandang gitna, nakita niya ang maliliit na picture kuha sa photobooth.Nang tiningnan niya, nakita niya ang walong sunod-sunod na wacky shots ni Stephen at Sophie.
"Papa Ketchup! Oh my gulay!" Hinalikan niya ito. Nang biglang may nag-untog sa kanya sa libro mula sa likuran.
"Bakit mo hinahalikan yang librong yan? May pa gulay-gulay ka pa, eh hindi ka naman mahilig sa gulay!" Si Tyrone pala ang nag-untog sa kanya.
"Look?" Ipinakita niya ang mga litrato kay Tyrone. "Ano? Papa Ketchup di ba? Si Sophie ang cute, oh? Perfect combo ang dalawa!"
Tiningnan lang ito ni Tyrone ng sandali. "Buti pa isauli mo na lang yan sa kanya. Baka magalit sa iyo yon? Siya, kukuha muna ako ng snacks ko."
Habang nakapila si Tyrone bumalik ulit si Sophie. Nakita ni Wacky na pabalik ito kaya agad niyang isiniksik ang picture at inayos ang libro. Hindi nagpahalata si Wacky.
Kinuha ni Sophie ang naiwang libro sa ibabaw ng mesa. "I forgot!" At pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis.
Mayamaya pa ay nakisabay na rin si Tyrone kay Wacky sa pag-snack. "Inimbitahan ko pala si Sophie sa birthday ng lola mo?" sabi ni Wacky.
"Wow! Thanks. Pero di ba nakakahiya naman?" Habang kumakain ito ng bibingka at umiinom ng mango juice sa cup.
"Ano naman ang nakakahiya doon? Birthday party naman yon?"
"Maliit na salu-salo lang 'yon. Paano mo siya napa-oo, lagi 'yong busy?"
"Ako pa? Ke babae, ke lalaki, oo yan sa akin."
"Umamin ka nga Wacky, ikaw yata ang may gusto doon."
"Naku! Kunwari ka pa? Gustong-gusto mo naman ang ginagawa ko. Sa tingin ko kinikilig na ata siya sa iyo. I can see it in her eyes."
"Bakit, anong nakita mo sa mga mata ni Sophie?"
"Nagda-dilate ang pupils niya pag namemention kita." Biglang nguimiti si Tyrone. "O see, kinikilig ka din. I'm sure, matutuwa niyan si Lola Abet pag nagkataon."
Naningkit sa saya ang mga mata ni Tyrone at napatingin sa malayo habang ngumunguya ito ng pagkain. Sa tulong ni Wacky ay lumalakas talaga ang loob nito at nagkakaroon siya ng pag-asa na maipaabot ang nararamdaman nito kay Sophie.
BINABASA MO ANG
Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)
RomanceSa isang post-it note, tinapos niya ang relasyong kaniyang iningatan ng tatlong taon. Gaano man kasakit, nagparaya siya para sa ikaliligaya ng lalaking kaniyang pinakamamahal sa taong kinasusuklaman niya nang husto ngunit aabandonahin din pala. ...