Chapter 29 - Ang Bagong Titulo

1.9K 64 2
                                    

Mahilig rin sa paghahalaman si Sophie. Dito niya ina-apply ang mga natutunan niya sa kursong B.S. Biology. Sa kanilang hardin, hindi lang mga halaman ang makikita mo kundi may mga ilang paruparo din silang inaalagaan. Naka-net ang parte ng may paruparo. Isa iyon sa kaniyang kinagigiliwang insecto dahil sa pagiging harmless ng mga ito.

Nang araw na iyon ay halos doon lang siya nagtambay maghapon sa paghahardin. May mga halaman silang masyado ng malalago kaya naisipan niyang mag-trim at mag-repotting na rin. Matagal-tagal na rin niya itong hindi nagagawa. Sa sobra niyang kaabalahan sa hardin, hindi man lang niya nahawakan o nasilip man lang ang kaniyang cellpphone.

Pagkatapos niya sa hardin bandang hapon, pumasok na ito sa loob ng bahay. Nanood ito ng balita at nagulat siya sa kaniyang narinig. Ayon sa balita, pagkatapos ng ilang araw inilabas na rin ng PRC ang resulta ng mga kumuha ng board exam para sa Medicine. Pinanood niya muna kung sino ang nasa top ten. Wala naman siiyang kahit isang kaeskuwela. Alam niya na kahit na cum laude siya ng kanilang klase ay hindi nito makukuhang mag-top.

Pagkatapos niyang panoorin ang balitang iyon ay dali-dali na siyang umakyat sa kanyang kuwarto. Kinuha niya ang kaniyang netbook at binuksan ang browser. Agad niyang tiningnan sa PRC site para sigurado ang mga nakalista. Tiningnan niya sa letrang B at hinanap niya ang kanyang pangalan.

"Barranda nasaan ka na?" tanong niya sa sarili. "Barranda, Alex; Barranda, Joshua; Barranda, Maria Elizabeth; Barranda, Sophie. Tama ba? Ako ba 'to!" Tumayo ito sa higaan at naglakad-lakad sa loob ng kuwarto. Hanggang marinig niya ang tunog ng ring ng cellphone nito.

Kinuha niya ito, "Hello Ma?" Ang kaniyang Mama pala ang nasa kabilang linya.

"Congrats Sophie! You've proven yourself to me once again and I'm so proud of you! I'll call your sisters and we will have a thanksgiving dinner."

"Ma, h'wag na muna. Pagkatapos na lang ng oathtaking."

"Ok. I'll see you later. Congrats anak!"

Tiningnn niya ang kaniyang cellphone, ang dami na palang message galing sa mga kamag-anak niya at sa mga kaibigan. Sa daming message hindi niya tuloy alam kung sino ang papasalamatan. May ilan siyang pinasalmatan at isa na doon si Wacky. Hinanap niya kung may text si Tyrone, ngunit wala. "Ano kayang nangyari doon sa lalaking 'yon?" takang tanong nito sa sarili.

Nag-ring ulit ang cellphone niya mula kay Cheska. "Hey sis congrats!"

"Ay oo nga pala, hindi ko pa nakita 'yong sa iyo," ani Sophie kay Cheska.

"Save yourself, I got it too!" Nagsisigaw ang dalawa ngunit napatigil sila. "Sis, I'll call you later. May bisita lang ako," ani Cheska.

"Ok. Bye for now," ani Sophie.

Hindi malaman ni Sophie ang gagawin. "This is so overwhelming. Matawagan nga si Tyrone, my love." Habang dina-dial niya ay hindi niya ito makontak. "Weird. Asan kaya ang lalaking 'yon? Tyrone, where are you?"

Mayamaya ay may narinig siyang katok sa pinto. Pag- bukas niya ay ang dalawa niyang kapatid na babae at may dala-dalang isang malaking box ng pizza.

"Congrats sis! You made it!" sabi ni Suzzie.

"Come on and let's celebrate and eat that pizza. Nagpakuha na ako ng drinks," sabi ni Shirley.

Hinarangan niya ang dalawa. "Ops! Not here! Bawal dito ang magkalat. Doon tayo sa baba!"

"KJ mo talaga, lika na nga!" sabi ni Shirley. Hinala na ng dalawa si Sophie.

Nagkainan ang tatlo sa sala. Konti lang ang kinain nito dahil iniisip niya kung anong nangyari kay Tyrone. Ang dalawa naman ay pinapak ang pizza at softdrinks. Habang kumakain sila, tuwang-tuwa naman siya dahil ngayon na lang sila nagkasamang tatlo na masaya. Nang nasa kalahatian na ang pizza ay dumating naman sila Luisa at Tony. Nakisabay na rin ang dalawa sa kainan ng mga anak.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon