Chapter 2 - Loser Nga Ba?

5.2K 119 8
                                    

"YOU'RE such a loser, Sophie! You don't deserve to live! There's no such place for you here!" Mga tinig na patuloy niyang naririni sa kaniyang isip.  Habang tumatagal lalong lumalakas ang pangungumbinse ng mga ito sa di kanais-nais na balak.

Mayamaya ay parang nakikita niya at naririnig sa kanyang isip ang mga halakhak ni Beverly. Nakikita rin niyang masayang-masaya si Stephen habang yakap-yakap si Beverly.

Dahil palakas nang palakas ang paguudyok ng mga tinig na ito ay dinampot na niya ang gunting. "Tama kayo! Mas maganda pa ngang mawala na dito sa mundo! Para hindi ko na maramdaman ang sakit ng dibdib ko."

Ibinuka niya ang gunting at inangat ang kaliwang kamay habang ito'y nanginginig. Nang igigilyit niya na ang gunting sa kaniyang pulso ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone mula sa isang text message. Napahinto siya, hindi niya muna kinuha ang cellphone dahil nakapatong ito sa kaniyang tukador habang siya ay naka-upo sa kama.

Idinikit na niya ang gunting sa may pulso at napapikit ito dahil ayaw niyang makita ang sarili niyang dugo. Isang mariing hiwa lang ay tiyak na aagos na ang kaniyang dugo.

Tumunog ulit ang kaniyang cellphone bilang isang tawag naman ngunit na-gilyit na niya ang kaniyang balat at napasinghal siya sa kirot ng pagkakagilyit sa sarili. Panay pa rin ang ring ng cellphone nito na para bang kinukulit siyang sagutin na ito.

Sa wakas, iminulat na niya ang kanyang mga mata, nakita niya na mababaw naman ang sugat sa kaniyang balat dahil sa mahina naman ang pakaka-gilyit niya, sa pag-aalinlangan na rin. Mabuti na lang at hindi tinamaan ang kaniyang artery kundi sa balat lang ang sugat. May nakita siyang kaunting patak ng dugo sa kaniyang kobre kama. Pinunasan niya ang kaniyang pulsuhan ng tissue at saka siya nagmadali sa pag-kuha ng kaniyang cellphone.

Pagka-kuha niya ay saka naman ito huminto. Nakita niya na ang tumawag ay ang matalik niyang kaibigang si Cheska. Tiningnan din niya kung kanino ang text na natanggap niya. Kay Cheska rin pala iyon.

Bumalik ito sa kama at umupo. Tahimik niyang binasa ang text ng kaibigan.

"Sis, last day na natin ngayon! Can you believe that? After all that we've been through, we will soon be graduating from medicine. Only the tough and the fittest can survived medicine. So congrats sis! See you later after duty! Love you! Muah!" May gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi. Muli niyang naisip ang kaniyang mga pinagdaanan sa kaniyang pagme-medisina.Hahayaan na lang ba niyang sayangin ang kaniyang pinagpaguran dahil lang sa isang taksil na nobyo. At paano na lang ang iba pang mga taong nagmamahal sa kaniya?

Pagkatapos niyang basahi ang text ng kaniyang  kaibigan ay napasubsob ito sa unan at doon napanguyngoy. "Patawad po Diyos ko kung naisipan kong gawin iyon. Pangako po, di na po iyon mauulit basta tulungan lang Niyo po akong malampasan ito." Pagkatapos niya itong mabigkas ay nanahimik ito hanggang napaidlip ng ilang minuto.

Nang magising, kinuha niya ang gunting at tinago niya ito sa drawer ng kanyang study table. Pumunta siya sa kaniyang wardrobe at kinuha ang kaniyang susuoting uniform at nagbihis.

--

KATATAPOS lang ni Sophie kunan ng vital signs ang kaniyang limang pasyente sa MICU. Halos biente-kuwatro oras na ang nakalipas. Kung kahapon mabigat at malungkot ang kaniyang pakiramdam, ngayon na man ay may kakaibang sigla siya. Masaya na rin siya kasi ito na ang last day of duty niya bilang isang medical clerk. Tama si Cheska, hindi nila matatapos ang pag-aaral ng medisina kung naging mahina sila. Kung tutuusin ay para silang mga alila ng mga duktor kung sila ay utusan lalo na ang mga abusado, pati na rin ng ibang nars.

Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly)(#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon