Chapter 7

294 7 0
                                    

Chapter 7: First Move

"When ocean rise, my soul will rest in your embrace~"

Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape habang kumakanta sa kusina. I played the song entitled 'ocean' by Hillsong United, it was my mom's favorite song since then.

Alas sais palang ng umaga pero gising na gising na ang diwa ko. Minsan kasi ay tanghali na ako magising at ngayon lang ako nagising ng ganito kaaga. 

"For I am yours and you are mine~"

Patuloy akong kumakanta habang tinitikman ang kapeng tinitimpla ko. Coffee is my favorite drink that I always want to drink every morning. Parang hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakainom ng kape. It was like a fuel to me.

Nang makuntento ako sa pagtitimpla ay kumuha ako ng mga gulay at karne sa may refrigerator. Gusto kong magluto para sa pang-agahan. I never once did it here but now that I finally has the chance, gagawin ko na. Gusto ko din naman makabawi kay Emarson, I want to apologize and a simple dish is one of a option.

Habang naghihiwa ng mga sangkap ay naalala ko ang biruan namin kagabi ni Dark. I never thought he would say those.

'So what if I'm jealous?'

Is it for real? O sinadya niya lang sabihin 'yon para matahimik ako? Damn that guy, he always left me confused!

Hindi ko alam na sa patuloy kong pag-iisip sa kanya ay nasali ko sa paghiwa ang isa kong daliri. Nasugatan iyon. Agad akong naghanap ng tissue at band-aid para takpan ang sugat.

I shook my head. I am being a freak again.

'Wake up Jean!'

Iwinaksi ko nalang ang iniisip ko at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Alas diyes na din nang matapos ko na lahat ng gawain ko. Kanina pa naluto yung mga pagkain pero inaliw ko lang ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Nanguha ng alikabok, ang mga kurtinang nakatabon sa bintana ay inayos at inilagay sa gilid, naglinis ng banyo at nagwalis na din. At least this condo feels like home now.

Nang makapagpahinga ng ilang sandali ay saka ko pa naisipang gisingin ang dalawa. Una akong nagtungo sa kwarto ni Dark dahil hanggang ngayon hindi padin kasi kami nagkausap ni Emarson simula kahapon.

"Wayne!"

Nakailang katok na ako sa kanyang pintuan pero wala akong narinig nakahit anong tinig sa loob. Hinawakan ko ang doorknob, hindi iyon nakalock.

"Wayne, I will open the door"

I used the word 'Wayne' dahil baka marinig ako ni Emarson. He doesn't want me to call his cousin 'Dark'. I has the urge to ask why but I surfaced my respect.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mga magulong gamit ngunit tahimik at walang katao-taong kwarto. Asan siya?

Sigurado naman ako na hindi siya lumabas ngayon dahil nandoon naman ako sa may kusina naglilinis. Sigurado akong walang lumabas, nakalock pa nga din ang main door.

Hindi ba siya umuwi dito kagabi?

Saan siya natulog?

Saan ba siya nagpunta kagabi?

Natapos na ako sa paghahalughog sa buo niyang kwarto pero wala siya doon.

Where the hell are you Dark?

Itinigil ko na ang paghahanap sa kanya at pumunta nalang sa may pintuan ni Emarson. Bumuntong hininga ako bago kumatok. Hindi paman nakaabot ng tatlong katok ay agad na bumukas ang pintuan nito.

Under the same skyWhere stories live. Discover now