Chapter 30

250 3 0
                                    

Chapter 30: Birthday gift

A real smile flashed on my lips as I take a sip of my glass of wine. I never did thought that after everything I've been, I would end up drinking with them. Wayne, Emarson, Lawrence, James, Gab, Janice and I were on the rooftop of the hotel in the resort.

We we're having a dinner, pero imbis na kumain ay nauwi lang kami sa inuman. Laughing with drinks in our hands, we filled the night telling different stories about our past.

"When I first met Jean, natakot talaga ako dahil akala ko totoong may multo siyang kinakausap, ang weird niya!" Sambit ni Gab habang tinuturo ako sa kamay niyang may hawak na baso.

Tumawa lang kami sa kanya. Unlike before, Gab can speak Tagalog well now. Nag-aaral daw kasi itong magtagalog noong nandoon pa sila sa States ni Wayne.

"Basta ako introvert lang noon, diba Jean?" Lawrence winked at me as he sip his shot.

Halos nandiri pa ako sa ginawa nito, tumawa naman sila sa naging reaksyon ko.

"Kailan ka pa naging introvert Rence?" Sagot naman ni Emarson.

Napunta ang atensyon naming lahat kay Lawrence, sumeryoso ang mukha nito, "naging introvert ako noong nahihiya akong umamin kay crush!"

A roaring laughter filled the silent night at the rooftop. Halos mabulunan pa si Wayne sa kinakain dahil sa sinabi ni Lawrence, medyo lasing na kasi ito.

I cleared my throat, "mukhang may nagugustuhan kana Rence, maari ba namin siyang makilala?"

Tumawa si Lawrence sa sinabi ko, "may nagugustuhan? Actually marami na akong na date dati pero hindi ko lang alam na pagdating sa kanya ngayon, tiklop ako."

Tumawa ulit kami sa sagot nito. Pulang pula na ang mukha ni Lawrence at lasing na kaya madalian lang na umamin kahit na hindi nag-iisip.

Nakita kong tinapik ni James ang balikat ni Lawrence, "okay lang yan pre, ako nga inabot pa ng isang taon bago ko tuluyang naipanalo itong babaeng 'to."

James was beside Janice, his girlfriend. Nakita ko naman kung paano naglaho ang ngiti sa labi ni Janice, "tse! As if hindi ka rin nagreklamo every month dahil hindi pa kita sinasagot!"

Agad na niyakap ni James si Janice at tinakpan ang bibig nito na para bang may sinabing kinakahiya nito, "secret lang natin yun babe, huwag mo naman akong ipahiya!"

Nakita ko namang hinampas ni Janice ang kamay ni James na tumatakip sa bibig nito, tawa lang kami ng tawa sa lambingan ng dalawa.

"Alam mo Janice, pakiingatan mo 'yang boyfriend mo, malapit ko na talaga yang masampal," sambit ko.

Mula sa pagkakangiti ay lumambot ang mukha ni Janice, "ano po bang ginawa niya sa'yo ate Jean?"

I feel sorry for her, she was so damn soft. Hindi sila bagay ni James!

"You can call me Jean. But yeah, pinaiyak ako ng boyfriend mo. Sinabi ba namang may iba na daw si Wayne, grabe ang iyak ko 'non!"

Ang malambot na mukha nito ay sumeryoso noong hinarap niya si James, "ginawa mo 'yan?"

Itinaas ni James ang dalawang kamay na animoy sumusuko, "y-yeah."

Gagawaran na sana ito ng hampas ni Janice nag magsalita ito ulit, "p-pero ginawa ko lang naman ang utos sa akin ni papi Wayne!"

Ang kaninang nakangiti kong mukha ay naging seryoso nang hinarap ko ang lalaking katabi ko na abala sa pagkain, "Wayne, i-it was all you?"

Ngumisi siya at hinarap ako, "yeah?"

Under the same skyWhere stories live. Discover now