Chapter 11

290 7 0
                                    

Chapter 11: Midnight Rain

Crazy, hardheaded, manipulative jerk!

Hindi ko mapigilang murahin sa isipan ko ang ginawa ni Gab. Talagang  gumawa pa siya ng paraan para biruin ako, ngayon ay hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko kay Wayne.

Nasa first floor ako ng hotel, naghihintay na bumukas ang elevator. Nurse Kath and I had talked a lot. Nagkamustahan, kwentuhan at kumain na din. Nagtanong siya kung posible na ba daw akong makauwi pero wala akong naisagot. Hindi na rin nagtagal ang kwentuhan namin dahil may gagawin pa raw siya.

Pumasok agad ako nang bumukas ang elevator. It was about to close when a group of people entered the elevator, wala akong nagawa kung 'di ay magpagilid nalang.

Pasara na sana ang elevator nang may  humabol na naman na babae. Kinabahan ako nang mapagtanto kung sino ito. It was my step sister, nakatutok lang siya sa cellphone niya habang nakakunot ang noo.

Ibinaba na nito ang cellphone kaya agad akong nagtago sa likuran ng lalaking kaharap ko. It's not yet the time to expose that I'm still alive, may tamang oras din na malaman niya ito and it's definitely not this time.

Bumukas ang elevator sa third floor, si Mikaela lang ang lumabas. Nang hindi ko na siya nakita ay umayos ako ng tayo. Bagsak ang katawan ko nang makarating ako sa floor namin. Paglakad ko nga sa hallway ay para akong lasing dahil pagewang-gewang ako kung maglakad.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mahawakan ko ang doorknob. Kinakabahan ako, baka palayasin pa ako ni Wayne dahil lang sa ginawa ni Gab. I hope hindi umabot sa ganoon, dahil hindi naman isip bata si Wayne, minsan lang.

Ilang buntong hininga ang nailabas ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay nakita ko si Wayne na nanonood ng basketball game sa may Sala. Hindi niya ako napansin pero mabuti na din iyon.

Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Madilim na sa labas kaya napag-isipan kong magsaing nalang at maghanda ng panghapunan namin. Alam kong pagod si Emarson pag-uwi kaya ako nalang ang magluluto tutal wala din naman akong ginagawa.

I was slicing some veggies when I hear a footsteps coming. Habang papalapit ito ay palakas din ng palakas ang kaba sa dibdib ko. Naramdaman kong nanginginig ang kamay ko kaya bahagya muna akong tumigil sa paghiwa dahil baka mahiwa din ang daliri ko.

I remember last time, he is also the reason why I wounded my finger!

Ibinaba ko ang kutsilyong hawak at saka nagpanggap na may hinahanap sa may cabinet. Sa peripheral vision ko naman ay nakita kong nagsalin siya ng fresh milk sa baso at kumuha ng pizza. Agad naman siyang umalis kaya gumaan ang pakiramdam ko.

Agad naman akong tumayo at nagpatuloy na sa paghiwa. I just don't know, he always made so damn nervous. Siguro ay ayaw ko lang na dumating sa puntong kamuhian niya ako.

Iniwaksi ko nalang ang iniisip ko at nagpatuloy nalang sa ginagawa. Pagkatapos ko namang magluto ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Pabagsak pa akong humiga sa kama.

Lately I have been so exhausted. Pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Siguro tama nga ang sinabi nila, na mas lalo kang mapapagod kapag wala kang ginagawa.

Kinuha ko ang isang unan at niyakap iyon. Inopen ko ang cellphone ko at nagsearch ng movie. May internet connection dito kaya malaya lang akong makapunta sa kahit saan ko gusto na app. I watch the boys love movie entitled 'You're name engrave herein', maganda naman siya.

Patapos na din ako sa pinapanood nang may kumatok. Base palang sa katok ay mukhang si Emarson ito. Tumayo naman ako agad at binuksan ang pintuan, nagulat nalang ako nang mukha ni Wayne ang nakita ko.

Under the same skyWhere stories live. Discover now