Chapter 23

255 3 0
                                    

Chapter 23: Promise

6 AM, I woke up by the help of my alarm. Agad akong bumangon para tingnan kung naging tama ba ang hinala ko, and yeah it was my first time my instinct failed me.

Wayne was still here, he was still sleeping in his room. Maaga lang naman akong nagising dahil natatakot na akong gumising ng wala na siya para sirain ang umaga ko. I'm afraid he'll just leave without me knowing. I'm afraid Ill just wake up with no one to greet me a 'good morning'.

I can't afford losing him this early but if this is really our fate together, I have no any choice but to accept everything.

Agad kong pinahid ang mga luhang namuo sa mata ko at dumiretso nalang sa kusina para maghanda ng agahan. After a couple of minutes preparing, I've finally heard someone yawned behind me. It was Emarson, magulo ang buhok niya at mukhang kulang pa ang tulog nito.

"Jean?" he asked.

Ngumiti ako, "morning Mars!"

"D-did you just wake up this early?"

"Yup, breakfast na Mars"

Tumango siya, "five minutes."

Tumango ako bilang tugon. I was sipping my morning coffee when I heard my phone beeped, inopen ko iyon. I was about to check the notification when I saw my lockscreen wallpaper, it was the photo of us that I took last night. Napangiti ako sa nakita.

Agad ko namang chineck ang notification, isang random SMS lang iyon na nagsasabing nanalo daw ako kahit wala naman akong sinalihang laro. Tinurn off ko ulit ang phone, sakto namang dumating si Emarson mula sa banyo.

He sat, "so how was the dinner last night?"

Ngumiti ako, "romantic."

Tumango tango lang siya. Tumayo ulit siya at may kinuha sa may sink, mukhang magtitimpla ito ng kape. Pasimple lang ako humihigop sa aking kape habang dinadama ang hampas ng hangin mula sa bintana.

"I was the one who suggested him about the dinner date" sabi nito at umupo pabalik sa katapat kong upuan.

My eyes widen, "really? It was all your idea?"

Humigop siya sa kanyang kape bago umiling. "Not at all, siya ang naghanap sa kung saan kayo kakain, nagpatulong lang din siya kina nurse Kath sa mga disenyo"

Tumango tango ako. "Kailan pala kayo aalis?"

Tumawa siya bago umiling, "I have no any idea Jean."

Tumango lang ako bago umalis nang walang sinasabi. Lumabas ako at nagtungo sa rooftop, malakas na hangin agad ang sumalubong sa akin. I closed my eyes as the place keep embracing me.

Liar.

It was the only word that my mind keep screaming. Emarson probably knew it all, hindi lang nila gustong sabihin sa akin.

I knew the fact that they keep hiding things from me to prevent chaos, but whether they tell me or not, the chaos itself will raise someday.

Isang malakas na buntong hininga ang inilabas ko bago umupo sa isang silya. Inaliw ko nalang ang sarili sa pagmamasid sa hampas ng alon sa dagat. I was satisfied by the view I'm seeing when I hear someone cough behind me. Napatingin ako at nakita si Wayne na dala dala ang tasa ng kape.

"Ang aga mo ata nagising ngayon Jean," sambit nito.

Tumabi siya sa akin pero dahil isa lang ang silya ay nakatayo lang siya. Agad ko namang naamoy ang bango niya, siguro kahit gabi ay naglalagay siya ng pabango.

Under the same skyWhere stories live. Discover now