Chapter 19

289 4 1
                                    

Chapter 19: Dinner

Tahimik lang kami sa gitna ng byahe. Everyone was so silent that you would hear even their deep breaths. Alam kong kabado ang dalawa, ramdam iyon sa kanilang mabibigat na hininga.

"Do you think he won't be mad kuya?" Wayne asked as he was busy driving, kasama ko siya sa front seat habang na'sa likod namin si Emarson na abala sa pagtatype sa kanyang laptop.

I could see how Emarson shook his head from the mirror. "He will be mad for sure"

That's the last thing I've heard before a roaring silence happened again. Kinumbinsi ko nalang ang sarili sa pagtanaw ng mga nadadaanan. And that was when I finally has the chance to close my eyes and sleep.

Nagising ako nang maramdaman may tumapik sa aking pisngi, it was Wayne. Bumaling ako sa likod pero wala na doon si Emarson, mukhang nakarating na kami.

Lumabas ako nang makitang lumabas si Wayne. Pahikab ko pang isinara ang sasakyan. Nilapitan ko si Wayne na kasalukuyang  nag-aayos ng liston ng kanyang sapatos.

Na'sa parking lot pala kami ng resort, mula rito ay nakikita ko na ang dagat. Hindi katulad sa kanila ni Lawrence ay makulimlim ang panahon dito.

Nakuha ang atensyon ko sa lalaking katabi, nag-iinat siya ng katawan matapos isaayos ang kanyang liston. Tiningnan niya ako saka ngumiti.

"Tara na?" He offered his hands, tinanggap ko iyon.

"Bakit ang init ng kamay mo Wayne?"

He shrugged his shoulder and was about to walk when I stop him. Gamit ang isang kamay ay hinawakan ko ang kanyang noo, napakainit nito.

"May lagnat ka, tara sa clinic—"

"Wag na, okay lang ako"

"No! Mainit ka—"

"Hangover lang 'to Jean, may gamot naman ako sa office, doon nalang ako iinom"

Hindi ako nagsalita at tiningnan lang siya ng maigi. Wayne on the other hand just give me his reassuring smile. Inakbayan niya ako saka hinatak papunta sa resort. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero mas lalo niya itong hinihigpitan. Tinanggal naman niya ang pagkakaakbay sa akin nang marating namin ang resort, nakahawak nalang siya sa kamay ko.

Nakita namin si Emarson na kinakausap ang isa mga receptionist, sinenyasan niya kaming mauna nalang. No one of us talked until we reached the hallway of our floor, ganon pa man ay hindi parin natatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nang marating namin ang pintuan ay binalingan ko siya.

"You should rest"

Binalingan ko si Wayne na nagsalita, ginulo nito ang buhok ko.

"Saan ka pupunta?"

Binitawan nito ang kamay ko saka ibinulsa ang kamay sa hoodie na hiniraman niya kay Lawrence.

Bumuntong hininga siya, "I have to meet Tito"

"P-Pero may lagnat ka—"

"Nah. I can handle this"

Tumango ako. Tuluyan na akong pumasok sa loob, isinara naman niya agad ang pintuan. Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis ng pangbahay. Nang matapos ay inihiga ko ang katawan sa malambot na kama.

Medyo masakit ang ulo ko, halos ala una na kasi kami natulog kagabi at maaga din kami nagising, kulang na kulang ang tulog namin. I was about to close my eyes when I hear my phone rang.

It was Audrey, calling.

I answered the call, "Yeah?"

"I have something to tell you sis" hindi katulad ng nakasanayan ay medyo mababa ang boses ngayon ni Audrey.

Under the same skyWhere stories live. Discover now