Chapter 18

273 3 0
                                    

Chapter 18: Memory

Wayne parked the car beside the basil green huge gate. Hapon na nang makarating namin ang destinasyon, medyo malayo kasi ito. Nang makalabas kami ay pinindot niya ang doorbell. Hindi pa man lumipas ang ilang minuto ay bumukas ito.

Nagbukas don ang lalaking nakableach ang buhok na makapal ang kilay. Bagay na bagay ito sa suot niyang itim na oversized t-shirt at pulang shorts.

"O Wayne kayo pala, pasok kayo"

Naramdaman kong hinawakan ni Wayne ang kamay ko bago niya ako hinatak papasok. Nakita iyon ng lalaki.

"Girlfriend mo?"

Umiling si Wayne. "Nililigawan ko pa"

Pumapalakpak ito at parang manghang mangha sa narinig. "Mukhang naka move on kana bunso? First time mo atang manligaw eh"

I felt my ear reddened after hearing what he said. I feel like I have to blame myself for forcing Dark to court me first. But it's not my fault in the first place, I am just achieving the goals I set for myself that whatever happens, I would always set my standards so high in letting a man to win my heart.

Nakita kong nilapitan ako ng lalaki at inabot sa akin ang kamay niya. "Ako nga pala si Lawrence, and you are?"

"Jean" ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya.

Pagkatapos ay naglakad kami patungo sa bahay. Wayne and Lawrence are busy chatting so I have a time to look around.

After the huge gate we entered, there's a huge olive green painted house awaiting. Maraming mga tanim sa paligid, may maliit na garden sa gilid at may treehouse din sa may malaking puno, mukhang kakatapos lang din umulan sa lugar na ito. It feels like this house was giving us a nature friendly vibe. Ang ganda rito!

Naramdaman kong hinawakan ulit ni Wayne ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Puntahan na natin si kuya"

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan nalang siyang hatakin ako sa may treehouse, mukhang nandoon si Emarson. Lawrence on the other hand excuse himself, kukuha daw siya ng makakain namin.

Nang marating namin ang bungad ng treehouse ay tumigil ako. Si Wayne na magsisimula nang umapak sa may hagdan ay napatigil din nang tumigil ako.

"Bakit?" Kunot-noong tanong niya

"I-iihi lang ako?"

Tumawa siya. "Pumasok ka lang doon sa bahay, then ask Lawrence kung saan ang comfort room, dito na kita hintayin sa taas"

Tumango ako. Hinayaan ko munang tuluyan niyang maakyat ang treehouse bago naglakad paalis. Naglakad ako patungo sa may gate.

I just hope my plan would work like the way I planned it.  Napagpasyahan kong umalis cause tita Andrea, Audrey's mom, called me last night. Tinanong niya ang kalagayan ko, Audrey already explained her everything and she just needs my confirmation.

After hearing everything from me, she gave me money through my bank account in a digital application, pamasahe ko daw iyon pauwi sa amin. She said I have to go back as soon as possible so I can look out for dad, maging siya kasi ay nag-aalala na din kay daddy.

I was about to get out from the gate when someone called my name, it was Lawrence. Napapikit ako, tiningnan ko siya, dala dala niya ang tray ng mga prutas at juice.

"San ka pupunta?" Sunod na tanong niya

"Iihi lang" I felt so numb that I even forget creating affective reasons. Hindi naman kasi pwedeng sa labas ako iihi!

Tumawa siya. "Sa labas ka iihi? May comfort room naman sa loob, nandoon naman si manang, you can ask her for the direction."

Tumango ako. "Actually... m-may kukunin din ako sa sasakyan"

Under the same skyWhere stories live. Discover now