Chapter 24

262 2 0
                                    

Chapter 24: Last request

A dazzling gleam of the lights welcomed us in the resort. Hapon na nang makauwi kami dahil medyo malayo kasi ang pinuntahan namin. After Wayne parked his car on the parking lot, we separate ways, may pupuntahan daw kasi muna siya.

While walking, the noises from the restaurant where the party will held never left my ears as it also keep stealing my view. May music kasing nakaplay, pero mukhang hindi pa naman nagsisimula dahil marami pang abalang mga staff sa paligid.

Papasok na sana ako sa elevator nang hinarangan ako ng isa sa mga guard, magtatanong pa sana ako nang may binigay itong paper bag. Damit daw iyon na isusuot ko mamaya. Tinanggap ko iyon saka dumiretso sa taas.

Pagod agad ang naramdaman ko nang maupo sa aking kama, kahit kasi bumabyahe lang kami ay nakakapagod parin ito, wala nga akong ginawa pero napapagod naman ang utak ko sa kakaisip. I just can't ignore myself forming different thoughts while in peace.

Tiningnan ko agad ang paper bag na dala, it contains a Hazelwood formal dress and a invitation card. Based on what I've read, the celebration was a thanksgiving party for a successful summer season.

Agad akong tumayo para maligo at makapagbihis, 7 PM kasi magsisimula ang sinasabihang party. Nang matapos ay agad na akong bumaba para na din makatulong.

I was walking towards the restaurant when someone crosses my way. It was Emmanuel, holding a glass of liquor in his hands.

He cleared his throat, "did you enjoy it?"

I raised my brow, "enjoy what sir?"

Ngumisi siya, "your moments with him."

I laughed, "more than you think I do mister."

I then walk out. Hindi pa ako nakahakbang nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napapikit ako bago siya hinarap.

"Take it," he handed me a small paper bag.

"What's that?"

"Open this after the party," he then left, leaving me the paper bag in my hands.

Imbis na magpatuloy ako sa pagpunta sa restaurant kung saan ang selebrasyon ay umuwi ako sa hotel at itinago ang paper bag sa drawer ng kwarto ko. Eksakto namang makabalik ako pababa nang makasabay ko si Gab.

"Magandang gabi binibini," he greeted with his slang voice.

Napangiti ako. I guess his stay here went worth it, natuto na nga siyang magsalita ng Tagalog.

"Evening Gab," I greeted back.

Hindi siya nagsalita at bigla nalang akong inakbayan. Nagreklamo pa ako at sinubukan iyong alisin pero hindi naman siya nagpatinag. Patuloy niya lang akong inakbayan habang naglalakad pero noong makarating na kami ay inalis na niya ito.

Naalala ko ang pagkakaakbay sa akin ni Wayne noon, it was exactly the same way as his. Siguro ay ganito talaga ang hobby nilang magbabarkada.

As we reached the place, they greeted us, bumati naman kami pabalik. Agad na inilibot ko ang paningin sa paligid. Every single table were already set, nakaorganized na din ang maliit na stage sa may gilid. I guess they would include a thanksgiving speech lalo na at nandito si Emanuel.

Hinanap ko si Wayne pero hindi ko naman siya makita kaya umupo nalang ako, tumabi naman sa akin si Gab. I guess there's no need for me to help, nakaorganized na kasi ang lahat. From food, designs and even the place, it was perfect.

Ilang minuto pa akong nagmamasid nang biglang may pumasok na grupo. Nakita ko agad si Wayne, kasama niya si James at may iba ding mga taong hindi ko kilala. Siguro sila iyong pinaimbita ni Wayne kay James.

Under the same skyWhere stories live. Discover now