Chapter 2
Nagising si Wiena sa mahihinang katok. Tumayo at naglakad siya papunta sa pinto habang kinukusot ang mga mata, binuksan niya ang pinto at nakita si Miya.
"Pasensya na kung ginising kita, pinapatawag ka na kasi ni pinuno." Hinging paumanhin ni Miya. Alangan siyang ngumiti kay Wiena, na inaantok pa ang pagmumukha. Sabog pa ang buhok nito at may tuyong laway sa gilid ng bibig.
Napatango lang si Wiena bilang sagot. Inayos muna niya ang sarili bago humarap sa sinasabing pinuno.
Sa isip ni Wiena, siguro matanda at malaki ang tiyan ng pinuno nila at napapanot na ang buhok nito.Nakasunod lang si Wiena kay Miya. Naiilang si Wiena sa paraan ng pagtitig ng mga tao kaya napayuko nalang siya ng ulo. Nang huminto sa paglalakad si Miya ay muntik pa siyang mabangga sa likod nito. Napaangat siya ng ulo at nakita ang lalaking kinaiinisan niya, nakaupo na naka de-kuwatro.
Napatayo ng tuwid si Wiena at napataas ng kilay. Inirapan niya ito, kahit ito ang nagligtas sa kanya ay naiinis siya sa lalaki. Sa isip niya, para itong hari kung makaupo at may dawala pang bantay sa magkabilang gilid nito.
Lumapit si Wiena kay Damon, habang ang mga kamay ay nakahawak sa baywang. "Parang hari lang, anong ginagawa ng bastos na tulad mo riyan?."
"Hangal! anong karapatan mo na pagsalitaan ng ganyan ang pinuno?!" Galit na saad ni Sira.
Nanlaki ang mga mata ni Wiena at 'di makapaniwala na ang lalaking nagligtas, at nagpahiya sa kanya ang pinuno sa lugar na ito.
"Ah.. ehh.. pasensya na, hehehe!" hinging paumanhin ni Wiena at hilaw na tumawa.
"Maari ka nang umuwi sa inyo. Hindi p'wede magtagal ang taga labas dito," seryosong saad ni Damon.
"Ha? Ah.. sige, p'wede bang malaman kung saan ko matatagpuan ang mga tribano. Dahil kailangan ko ang tulong nila 'di ako tinitigilan ng mga aswang hanggat 'di nila ako napapatay. Pinatay nila ang mga magulang ko at ako ang isusunod nila."
Tumayo si Damon at lumapit kay Wiena.
"Bakit naman 'di ka nila titigilan hanggat 'di ka nila napapatay?" Tanong ni Damon habang inilapit niya ang mukha kay Wiena.
Halos maduling si Wiena sa subrang lapit ng mukha ni Damon, naamoy na niya ang mabangong hininga nito.
"Heep!" inilapat ni Wiena ang kamay sa dibdib nito at dahan-dahan na tinutulak. "Hindi naman kailangan na subramg lapit mo sa'kin para magtanong, para-paraan ka rin!"
Tumayo ng tuwid si Damon at naglakad pabalik sa upuan niya at umupo.
"Ang lugar na ito ay baryo Biño, at kami ang tinatawag na tribano. Sabihin mo ang lahat kung bakit ka hinahabol ng mga aswang. At saka ako magdedesisyon kung dapat ka bang tulungan," seryosong saad ni Damon.
Nakipagtitigan si Wiena kay Damon, nagdadalawang isip siya kung dapat ba niyang sabihin ang lahat sa lalaki. Alam niyang manunugis ng mga aswang ang mga tribano, kapag sinabi niya ang iniingatang sekreto baka katapusan na niya.
"Hindi ko alam... basta gusto lang ako makuha ng pinuno ng mga aswang. Pinagtanggol ako ng mga magulang ko kapalit ng buhay nila, suwerteng nakatakas ako at napadpad dito."
"Pinuno ng mga aswang? kilala mo ba kung sino siya?" kunot noong tanong ni Damon.
"Giblo, narinig ko minsan ang pangalan niya noong nakikinig ako sa usapan nila ama't ina."
"Hmm..." napapikit si Damon at hinawakan ang baba. "Bakit kaya interesado ang pinuno ng mga aswang sa isang tulad mo?" saad ni Damon. At dahan-dahang tinitigan si Wiena mula sa ulo hanggang paa.
Napataas ng kilay si Wiena at pinag-ekes ang mga kamay sa dibdib.
"Hoy bastos ka talaga, nang-iinsulto ka ba?"Tumayo ulit si Damon at lumapit kay Wiena. Hinawakan niya ang baba ni Wiena at yumuko para mailapit ang mukha, sa mukha ni Wiena.
Kumabog ng malakas ang dibdib ni Wiena, subrang lapit ng mga mukha nila kaunting galaw niya ay magdidikit ang mga labi nila.
"Dahil interesado sayo ang pinuno ng mga aswang..." nakangising saad ni Damon. "Interesado na rin ako sayo, simula ngayon dito kana muna."
Namula ang buong mukha ni Wiena sabay tulak kay Damon, na 'di natinag sa pagtulak niya. Para itong pader at subrang tigas ng dibdib nito. Tumayo ng tuwid si Damon at umalis sa harapan ni Wiena.
Napahinga ng maluwag si Wiena at napahawak sa dibdib, na parang puputok na sa subrang bilis nang pagtibok.
Nakatanaw si Wiena kay Damon na may kausap at umalis ito na may kasamang apat na mga lalaki.
Lumapit sa kanya si Miya at ngumiti.
"Sabi ni Pinuno maari ka raw manatili dito hanggat gusto mo. At kapag daw aalis kana ay magpaalam ka," nakangiting saad ni Miya.
Nakaupo ngayon sila Wiena at Miya sa pabilog na lamesa, na gawa sa kahoy.
"Saan sila pupunta? ano ba pangalan niya?" Hindi maiwasang itanong ni Wiena.
Napatingin si Wiena sa babaing palapit sa kanila ni Miya, nakataas ang kilay nito.
Umupo ito katapat kay Wiena at inirapan. Napataas din ng kilay si Wiena."Manunugis sila ng mga aswang. Sino ang tinutukoy mo, ang pinuno ba?" tanong ni Miya at pasimpling sinulyapan si Sira na bagong dating.
"Oo," sagot ni Wiena.
"Tssk! bakit mo tinatanong interesado ka ba kay Damon KO!" biglang singit ni Sira sa usapan nila Wiena at Miya.
"Ohh! Damon KO pala pangalan niya," nakangising saad ni Wiena at pang-asar na ngumiti.
"Anong KO! hoy! para sabihin ko sa 'yo, ako lang may karapatan na tawagin ng ganyan si Damon!" mataray na saad ni Sira.
Samantala si Miya ay palipat-lipat ang tingin kina Wiena at Sira, na masama ang titig sa isa't isa.
Nagbawi ng tingin si Sira nang may tumawag sa kanya at pinapapunta ito. Inirapan muna ni Sira si Wiena bago umalis at pakimbot-kimbot itong naglalakad.
"Sino 'yon?" naiiritang tanong ni Wiena.
"Si Sira, pagpasensyahan mo nalang ganyan na talaga 'yan. Malaki ang pagkakagusto niyan kay Pinuno. Pinagkakalat niya na siya raw ang magiging asawa ni pinuno, hehe. Pero ni tapunan ng tingin ni Pinuno ay wala, pero sayo..." humagikhik muna si Miya bago itinuloy ang sasabihin. "Kung makatitig sa 'yo si pinuno ay iba. Alam mo bang kinikilig ako sa inyo, unang beses ko palang nakita si Pinuno na gano'n. Laging seryoso si Pinuno at marami ang takot sa kanya lalo kapag nagagalit siya." Kinikilig na saad ni Miya.
"Sus! 'di ah! ang suplado ng lalaking 'yon at 'di 'ata marunong ngumiti. Laging salubong ang kilay," saad ni Wiena at tudo iling.
"Kahit ganyan 'yan si Pinuno, mabait yan. Palangiti noon si pinuno pero noong nangyari ang labanan sa pagitan ng mga aswang at ng aming angkan ay nagbago siya. Siya nalang ang inaasahan namin para matalo ang mga aswang, lalo na ang pinuno ng mga aswang."
Napatango-tango si Wiena at nanatiling tahimik, hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin o itatanong.
"Ikaw, kung 'di mo mamasamain ang tanong ko bakit gusto kang kunin ng pinuno ng aswang?"
Bumuntong-hininga si Wiena at tinitigan sa mga mata si Miya.
"Sa 'tin lang 'to ha?" pabulong na saad ni Weina. Tumango si Miya bilang sagot. "Gusto akong asawahin ng Giblo na 'yon! ang kapal niya, gurang na siya samantala ako batang-bata pa!" pabulong na may diing saad ni Wiena."Nako! Tama ka ang bagay sa 'yo ay si Pinuno. Ikaw na parang dyosa sa ganda at si Pinuno na subrang guwapo, 'di lang basta guwapo malakas pa!" humahagikhik na saad ni Miya.
Pabirong hinampas ni Wiena si Miya sa braso at tumawa.
"Ikaw talaga, baka may makarinig sa'yo. At sabihin na may gusto ako sa pinuno niyo.""Umiinum ka ba ng lambanog? Tara inum tayo," saad ni Miya, sabay tayo.
"Ah.. ehh... Sige!" nag-aalinlangan sagot ni Wiena.
Nagpaalam saglit si Miya at kukuha raw ito ng lambanog na maiinum nila. Pagbalik ni Miya ay may lima na babae itong kasama at may mga dalang pagkain at alak.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...