Chapter 30
"Anak—"
"Ina buo na ang desisyon 'ko sana huwag mo nang tutulan," putol ni Treno sa sasabihin ni Wiena.
Napabuntong-hininga nalamang si Wiena.
"Sige, magpapadala na lamang ako ng mensahe kapag naayos na ang lahat, paalam sa inyo masaya ako at nakilala ko kayo,"
"Saglit! may nais sana akong hilingin kung hindi n'yo mamasamain," pigil ni Wiena, napakagat siya ng labi sa kaba.
Nagsalubong ang kilay ni Damon at Treno, at may pagtatakang tinitigan si Wiena.
"Sige ano iyon?"
"Nais kong maging normal na tao, katulad ni Damon. Ayaw 'kong manatiling ganito na hindi tumatanda, habang si Damon ay tumatanda at lilisan sa mundo dahil sa katandaan," buong tapang na saad ni Wiena
"Ina!"
"Wiena!"
Sabay na bigkas ni Treno at Damon.
"Pag-ibig nga naman, maaring maging imortal kayong dalawa ngunit ang kapalit ay isusuko mo sa 'kin lahat ng kapangyarihan mo,"
Namilog ang mga mata ni Wiena at napangiti ng malapad. "Oo! Oo! walang problema," masayang saad niya na kulang nalang ay magtatalon sa saya.
Napapikit sila Damon, Wiena at Treno nang sumabog ang liwanag sa loob ng kanilang silid. At nang idilit nila ang mga mata wala na doon ang lola ni Damon.
"Ang iyong hiling ay natupad na." umaalingawngaw ang boses nito at pahina ng pahina hanggang sa nawala.
Sinubukan ni Wiena na magpalabas ng kapangyarihan at ganoon nalang ang tuwa ng hindi gumana. At napayakap siya ng mahigpit kay Damon.
"Hindi na darating ang panahon na sasakit ang mga tuhod ko..." nakangising saad ni Damon at nginitian ng malagkit si Wiena. "Tuloy ang laban," dugtong niya sabay tawa.
Hinampas ni Wiena ang braso ni Damon at kinurot ang tagiliran. "Ano ka ba nariyan ang anak mo at naririnig ka!"
"Tssk!" ani ni Treno bago tumalikod at umalis.
"Paminsan-minsan ay humihilab na ang aking tiyan," saad ni Wiena kay Miya. Nasa labas sila at nagkukuwentuhan sa bagay-bagay, habang ang kanilang mga asawa ay nangangaso sa kagubatan.
"Malapit ka nang manganak!" masayang saad ni Miya.
"Oo nga po, sana babae!" masayang sabat naman ni Ligaya.
"Ina," singit ni Treno.
"Oh anak,"
"Natanggap 'ko na ang mensahe at sa susunod na linggo ay magtutungo na ako sa palasyo upang ayusin at pamunuan ito," seryosong saad ni Treno.
Napatayo sa kinauupuan si Ligaya at nanunubig ang mga matang tinitigan ang mukha ni Treno.
"Anak, sige kung iyan ang nais mo nasabi mo na ba sa iyong ama?" Hindi ni Wiena naitago ang lungkot dahil sa napiling landas ni Treno.
Tumango si Treno at pasimpling sinulyapan si Ligaya na naiiyak habang tinitigan siya. "Sige ina at magtutungo na ako sa gubat," paalam ni Treno at tumalikod.
"Treno!" tawag ni Ligaya na nakapagpahinto kay Trenon sa paghakbang. Ngunit hindi ito limingon nanatiling nakatalikod at nakatayo lang ito sa p'westo.
Nang isang minuto na ang lumipas na hindi nagsalita ulit si Ligaya ay nagpatuloy nang maglakad paalis si Treno.
Pabagsak na umupo si Ligaya at humikbi. Hinimas-himas ni Wiena ang likod ni Ligaya at bumuntong-hininga. "Kausapin mo siya bago umalis, alam mo naman ang ugali ni Treno hindi ba? hindi mahilig magpakita ng emosyon ang batang 'yon. Huwag ka na umiyak diyan, sige ka papangit ka niyan," malambing na saad ni Wiena. Para pagaanin ang loob ni Ligaya. Alam niyang mahalaga kay Ligaya si Treno, dahil noong maliit pa si Ligaya ay si Treno ang nag-aalalaga habang abala ang mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...