5

86 1 0
                                    


Chapter 5

Inihanda nila Damon ang mga sarili para sa haharapin nalaban, nasa bungad na sila ng baryo dilim saktong alas onse ng gabi ay nakarating sila. Napakaraming aswang na nasa anyong tao, mga mambabarang, at iba pa.

Hinawakan ng mahigpit ni Damon ang espada niya, ang paraan ng pagkakahawak niya sa espada ay patayo na isang pulgada ang layo sa mukha niya. Pumikit si Damon at nag usal ng orasyon, umilaw ang espada niya at nagkaroon ng kakaibang enerhiya. Binasbasan niya rin ang mga sandata ng apat na kasamahan.

Nakisalamuha sila Damon sa mga nilalang na papatayin nila. Umusal ulit siya ng orasyon para magkaroon ng barrier ang buong baryo.

Nagkakasiyahan ang mga kakaibang nilalang na parang may piyesta , hindi mo aakalain na hindi mga tao ito. Ang mga handa ng mga ito ay mga tao na pinatay ng mga aswang, kung pangkaraniwang tao lang si Damon ay aakalain na karne ng baboy at manok ang nakahain. Pero dahil may mutya siya nakikita niya ang tunay na itsura ng mga nakahain.

Habang naglalakad sila Damon, pinagtitinginan sila, ang paraan ng mga titig ng mga aswang kina Damon ay isang masarap na pagkain, ang iba ay 'di pa maiwasang tumulo ang laway.

May kalakihan ang baryo dilim, mahigit dalawang daan ang naroon. May pagtitipon ang mga aswang at mambabarang, para sa nalalapit na pulang buwan. Ang pulang buwan ay nagbibigay ng kakaibang lakas sa mga aswang, mambabarang at mga itim na elemento. Sinasamantala ito ng mga aswang para maghasik ng lagim dahil sa kakaibang taglay na lakas nila. Hindi sila basta-basta matatalo ng mga albularyo, dahil ang mga gamit na mutya ng mga albularyo ay walang bisa kapag nakalitaw ang pulang buwan.

Walang inaksayang oras sila Damon, agad nilang sinugod ang mga aswang. Habang nakikipaglaban sila Damon, nag-usal siya ng orasyon para pahinain ang kapangyarihan ng mga mambabarang na naroon.

Umilaw ang mutya ni Damon nang tumalon siya ng mataas at pumikit habang nag-uusal ng orasyon. Humiyaw ng malakas ang mga aswang na palapit kay Damon, agad niyang tinagpas ang mga ulo ng mga aswang. Nakita ni Damon na nagsasagawa ng ritwal ang tatlong mambabarang, agad siyang tumakbo patungo sa tatlong mambabarang. Ngunit napahinto  si Damon nang may sampung aswang ang humarang sa kanya, umilaw ulit ang mutya niya sabay takbo ng mabilis na parang kidlat sa bilis, tumalsik ang mga ulo ng mga aswang nang tigpasin ito ni Damon.

Habang ang kasamahan ni Damon ay may kanya-kanyang kalaban, medyo nahihirapan sila dahil sa dami ng mga aswang at may mga mambabarang at ilang itim na engkanto pa.

Tumalsik at tumama sa isang kubo si Ramon nang sipain siya ng isang kapre, hindi ni Ramon nakita ang atake ng kapre dahil abala siya sa isang aswang na nakasakay sa likuran niya.

Napalingun si Damon kay Ramon na nahihirapang tumayo, at napalingon din sa tatlong mambabarang. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Damon kay Ramon at sa tatlong mambabarang, nalilito siya kung sino uunahin puntahan, si Ramon na nahihirapang tumayo at may palapit na apat na mga aswang, o ang tatlong mambabarang na patapos na sa ginagawang ritwal.

Sa huli ay napagdesisyunan ni Damon na unahin puntahan si Ramon, tinulungan niya ito at pinatay ang papalapit na mga aswang. Naramdaman ni Damon na nawala na ang ginawang barrier, napalingon si Damon sa tatlong mambabarang nakangisi na ang mga ito, at nawala saglit ang atensyon niya sa mga mambabarang nang may umatake sa kanya. Pintay niya ito at tinulungan tumayo si Ramon, habang ang tingin ay sa mga aswang na tumatakas, nilingon niya ulit ang mga mambabarang wala na ito sa kinatatayuan kanina.

Tuluyang nakatakas ang mga aswang, napakuyom ng kamao si Damon at napasuntok sa lupa dahil sa galit.

"Pinuno..." Saad ni Pitoy.

May iilang kalmot ang kasamahan ni Damon, si Ramon lang ang medyo napuruhan dahil sa natamong sipa mula sa kapre.

"Anong pakiramdam mo?" tanong ni Damon kay Ramon.

"Pinuno nabalian 'ata ako ng tadyang," nakangiwing saad ni Ramon.

"Hahaha sipain ka ba naman ng kapre," tumatawang saad ni  Timyo.

Tinitigan ng masama ni Damon si Timyo na agad naman napayuko.

Inutusan ni Damon sina Pitoy at Simon na alalayan si Ramon.

_____

"Pinunong Giblo, nakita na namin si Wiena naroon siya sa kuta ng mga tribano," ulat ng isang aswang.

"Kahit saan ka pa magtago Wiena, sa'kin pa rin ang bagsak mo!" saad ni Giblo at inutusan ang anim na aswang na manmanan ang kuta ng mga tribano.

Pinatawag ni Giblo ang mga alagad at sinabihan na pagsapit ng pulang buwan ay susugurin nila ang kuta ng mga tribano para kunin si Wiena.

_____

Tatlong araw na mula ng umalis si Damon, subrang nag-aalala na si Wiena dahil 'di pa nakakauwi si Damon.

Abala ang mga tribano sa pagpapatibay ng kanilang pader ng baryo, naglalagay din sila ng mga patibong para sa nalalapit na pulang buwan. Dahil kapag pula ang buwan ay walang kapangyarihan ang mutya ng kanilang pinuno. Hindi nila alam ang p'wedeng mangyari, noong nakaraang lumabas ang pulang buwan ay maraming namatay na mga tribano.

Noong labindalawa ang nakalipas huling lumabas ang pulang buwan, sinalakay ang mga tribano ng mga aswang. Matinding labanan ang nangyari noon, maraming namatay na mga tribano at kasama ang mga magulang ni Damon. Sampung taon gulang lang noon si Damon, at 'di pa gaano marunong makipaglaban. Itinago si Damon ng kanyang ina sa loob ng kubo, para 'di madamay sa labanan. Ngunit nakita sila ni Giblo 'di namalayan ng ina ni Damon na nakalapit na si Giblo. Bumaon ang kamay ni Giblo sa tiyan ng ina ni Damon, at napasuka ng dugo ang ina ni Damon. Ang tagpong iyon ay nakita ng ama ni Damon, subrang nagalit ito at sinugod si Giblo.Hindi makalaban ng maayos ang ama ni Damon, dahil sa galit at panibughong nararamdan nito. Namatay ang ama ni Damon nang butasin ni Giblo ang dibdib nito. Mabuti nalang dumating ang lolo ni Damon at naitakas si Damon.

"Hoy Miya narito ka lang pala kanina pa kita hinahanap, tulala ka lang pala dito," saad ni Wiena.

"Wiena, 'di ko maiwasan matakot sa nalalapit na pulang buwan. Namatay ang kuya at ama ko noong huling lumabas ang pulang buwan. Kung nagiging malakas ang mga aswang dahil sa pulang buwan, ang mutya naman ni pinuno ay nawawalan ng bisa," malungkot na saad ni Miya.

Natigilan si Wiena nang marinig ang pulang buwan.

"Pulang buwan... limang araw nalang lalabas na ang pulang buwan, 'di dapat ako maabutan dito sa pagsapit ng pulang buwan!" may kabang saad ni Wiena.

Nagsalubong ang kilay ni Miya at nagtatanong ang mga mata. "Bakit naman?"

Napalingon si Miya nang tawagin siya ng ina niya.

"Wiena alis muna ako tulungan ko muna si ina sa pagluluto, para sa mga nagtratrabaho."

Tumango si Wiena at ngumiti. Napatingala siya at may nabuong plano bago sumapit ang pulang buwan.

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon