Chapter 19
"Kamahalan maari po na si Tina ang magpanggap na ikaw kung sakaling hanapin ka ni haring Curton," mungkahi ni Mira.
Nabuhayan ng dugo si Wiena at inilagay sa palad si Mira. "Tama! ang husay mo Mira!" nakangiting saad ni Wiena at tumayo. "At ako'y magtutungo na sa bundok kaliliw!."
_____
Abala si Damon sa pagsunod sa isang itim na engkanto, napag-alaman niya na isa itong alagad ni Bukanao.
Napahinto siya at sumiksik sa isang malaking halaman nang huminto ito at nakipagkuwentuhan sa nakasalubong na kauri nito."Nabalitaan mo na ba na umilaw na ang sagradong kadena?" tanong ng nakasalubong ng sinusundan ni Damon
"Ha? talaga ibigsabihin narito sa bundok kaliliw ang tinutukoy na makakapagpalaya kay haring Bukanao?"
Kinabahan at namutla si Damon. Umalis na ang dalawa at hindi na sumunod si Damon, tinawag niya si Tikbo.
"Tikbo, habang naglilibot ka may nakita ka bang bata?" tanong ni Damon kay Tikbo na kararating lang.
"Ahh, oo sa katunayan nga e kamukha mo siya. Noong una ay akala ko lumiit ka haha, ngunit alam kong hind ikaw 'yon. Napakayabang na bata nang hahamon ng labanan sa mga tikbalang, na pinaglalaruan siya."
Nagmadaling inutusan ni Damon si Tikbo na magtungo kung saan nakita si Treno. Nang makarating sila ay wala na doon si Treno, tanging mga nakatambay na tikbalang nalang ang nandoon.
Nagtatawanan ang mga tikbalang ngunit nahinto at napatahimik ang mga ito nang makita nila sila Damon at Tikbo.
"Nasaan na iyong bata na pinaglalaruan n'yo kanina?" tanong ni Tikbo.
"H-ha? ah... kinuha siya ng pangkat nila Turo, dadalhin daw nila kay haring Bukanao—"
Itinapat ni Damon ang espada sa leeg ng tikbalang na nagsasalita. Subrang dilim ng mukha ni Damon at nagpipigil na magwala sa galit.
"Samahan mo kami kung nasaan ang anak ko!" madiin na utos ni Damon, at tinutukan niya ito ng espada.
Nangatog sa takot ang tikbalang at alangang sumang-ayon sa nais ni Damon.
Nakatutok lang ang dulo ng espada sa leeg ng tikbalang, habang sila ay naglalakad.
"Napapansin ko lang kanina pa tayo paikot-ikot dito!" reklamong saad ni Tikbo.
"Kasi naman! ang totoo niyan ay hindi ko talaga alam, ang may alam lang ng lugar na kinaroroonan ni haring Bukanao ay ang mga alagad niya!" kinakabahan at may halong inis na saad ng tikbalang.
"Ano—"
"Shhhh!" saad ni Damon sa pagputol sa reklamo ni Tikbo. Dahil nakita niya ang engkanto na sinusundan niya kanina.
Maingat nilang sinundan ito, at nakitang pumasok ito sa napakalaking kuweba.
"Tikbo, ako na muna ang papasok hanapin mo si Sapto at sabihin sa kanya na nahanap na natin ang kinaroroonan ni Bukanao. Kailangan natin ang tulong nya, hindi natin alam kung gaano kalakas ang maari nating makalaban," seryosong saad ni Damon habang hawak ang braso ni Tikbo.
Aangal pa sana si Tikbo, ngunit ito ang utos ni Damon na dapat niyang sundin. Tumango si Tikbo at umalis ito para hanapin si Sapto.
Maingat at dahan-dahan na pumasok si Damon sa loob ng kuweba. Nagsalubong ang kilay ni Damon nang marating ang dulo ng kuweba ngunit wala siyang makita ni isang engkanto, inilibot niya ang pangin at nahinto nang umalingaw-ngaw ang boses ni Treno. Sinundan niya ang boses ng anak at nahinto sa may malaking bato na parang harang, nang hawakan niya ito ay hinihop siya papasok.
Nagtago si Domon sa malaking bato upang hindi makita, sumilip siya at pinagmasdan ang paligid. Huminto ang tingin niya kay Treno na nagpupumiglas, at sa harapan nito ay may nilalang na nakakadena. Malaki ang katawan nito, at napakahaba ng itim na buhok. May matulis din itong tainga at mahabang baluktot na sungay.
"Treno," mahinang bigkas ni Damon.
"Sa wakas! sa tagal ng aking paghihintay narito na ang susi upang ako'y makalaya!" nakangising saad ni Bukanao.
"Bitawan n'yo ako!! Lagot kayo sa aking ama kapag nalaman niyang binihag nyo ako!" pasigaw na saad ni Treno, at nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang engkanto.
Napakuyom ng kamay si Damon, at napapikit ng mga mata. Hindi niya maaring gamitin ang kapangyarihan niya bilang diyos, mauuwi sa wala ang pinaghirapan niya upang makita at makasama si Wiena. Ngunit nasa panganib ang anak.
Nagsagawa ng ritwal si Damon upang tawagin ang bantay ng mutyang kidlat. Nang matapos niyang gawin ay nagsilapitan sa kanya ang mga alagad ni Bunakao, dahil naramdaman nila ang presensya ni Damon nang gamitin niya ang kapangyarihan ng mutya.
"Ama!" masiglang tawag ni Treno kay Damon.
May limang halimaw na naroon na kapareho noong unang nakasagupa niya, at may mga engkantong kakaiba ang wangis.
Umilaw ang simbulo ng kidlat sa noo ni Damon nang sumugod siya na kasing bilis ng kidlat sa mga engkantong itim. Napapahiyaw ang mga ito bawat matatamaan ng espada ni Damon.
"Madali at hiwain mo ang palad ng batang iyan! at ipatulo mo dito sa kadena!" utos ni Bunakao sa may hawak kay Treno.
Tumalsik si Damon nang may tumamang itim na enerheya sa likuran niya, hindi niya napansin ang atakeng iyon dahil sa dami ng kalaban niya. Nakangiwi siyang agad na tumayo, dahil pasugod ang dalawang nilalang na may tatlong buntot ng alakdan.
"Ama! ama!" nagsisigaw na saad ni Treno. "Amaaaaaaa!" malakas na palahaw ni Treno, nang hiwain ang palad niya.
Tumulo ang masaganang dugo ni Treno sa kadena. Parang uhaw na uhaw ang kadena dahil mabilis na hinihigop nito ang dugo ni Treno, nagsisigaw at umiiyak si Treno dahil sa hapdi at sakit na nararamdaman. Dahil parang hinihigop nito ang lakas at kaluluwa niya.
"Treno!" nahahabag na sigaw ni Damon. Ngunit tumalsik ulit siya dahil hindi siya makapagpokus sa pakikipaglaban. At napadaing nang mahiwa ang likuran niya sa matalas na buntot ng alakdan. Lumingon siya at pinagtatagpas ang mga buntot nito, sabay talon at tinusok ang noo ng kalaban.
Sadyang malalakas din ang mga kalaban ni Damon, may mga kapangyarihan ang mga ito na hindi basta-basta.
Lumusot siya sa mga engkanto upang iwsan ang mga ito, at pinuntahan si Treno na nanghihina na.
Tumalon siya patungo kay Bukanao at tinira ito ng bulang kidlat. Ngunit nasalo lamang ito kasabay ng pagkalas ng mga kadena sa katawan nito.Lumindol ang paligid kasabay ng malakas na halakhak ni Bukanao, naramdaman ni Damon ang nakakakilabot na kapangyarihan nito.
Lumutang sa ere si Bukanao habang lumilindol ng malakas.
Binuhat ni Damon si Treno na walang malay, at agad na nilisan ang kuweba.
"Anong nangyari?" tanong ni Sapto na nakasalubong ni Damon nang makalabas sila ni Treno sa kuweba.
Nabaling ang tingin ni Sapto kay Treno, may pagtataka at nagtatanong ang mga mata niyang tumingin kay Damon.
"Wala na akong oras na magpaliwanag..." saad ni Damon at ibinigay niya si Treno kay Tikbo, dahil nanginginig ang katawan niya. "Bilis kailangan na nating lumisan dito, kailangan maagapan ng gamot ang aking anak!"
Nalilitong tumango si Sapto at sumulyap sa kuweba kung saan nagmumula ang napakalakas na kapangyarihan.
Sa bungad ng bundok kaliliw ay nagkasalubong sila Damon at Wiena.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...