28

69 1 0
                                    

Chapter 28

"Huwag kang umatungal ng iyak diyan! sinisira mo ang dinadala mong simbulo ko! maari mo pang makasama ang minamahal mo," reklamong saad ni Lisipaw sa isipan ni Damon.

Natigilan si Damon at nangunot ang noo. " Anong ibig mong sabihin?" sagot niya sa isipan.

"Magtungo ka sa ilog ng kamatayan at bawiin mo ang mahal mo, ngunit may kapalit,"

"Bakit ngayon mo lang sinabi!" inis na saad ni Damon.

"Bakit ka galit pasalamat ka nga sinabi ko," natatawang sagot ni Lisipaw.

"Anong kapalit?"

"Hindi 'ko alam si kamatayan ang tanungin mo, 'di ako,"

"Paano ako makakapunta doon?"

"Ang espada maari kang dalhin doon, ibaon mo sa lupa at isipin ang ilog ng kamatayan,"

Ngumiti si Damon, na ikinalaki ng mga mata ng tribano akala nila ay nasiraan na ng ulo ang pinuno nila sa labis na pagmamahal kay Wiena.

Nilingon ni Damon si Miya. "Miya ikaw na muna ang bahala sa katawan ni Wiena, linisan mo siya. Magtutungo ako sa ilog ng kamatayan upang ibalik ang kaluluwa niya."

Tulalang tumango si Miya. Ibinaon ni Damon ang espada sa lupa at pumikit, sinunod niya ang lahat na sinabi ni Lisipaw, maya-maya pa'y nagkaroon ng bilog na portal na itim sa lupa. Muling sinulyapan ni Damon si Wiena, at Treno bago pumasok sa portal.

Nahulog sa kawalan at kadiliman si Damon, pasalampak siyang bumagsak sa lupa na mausok. Nagpalinga-linga siya at nakitang may mga kaluluwang nakapila pasakay sa bangka, at sa gilid ng bangka ay naroon si kamatayan na hawak-hawak ang kanyang mahabang karit. Tumayo at naglakad siya palapit kay kamatayan.

"Anong kailangan ng isang kalahating diyos rito sa aking tanggapan?" tanong ni kamatayan nang makalapit si Damon, ang boses nito ay parang nagmula sa balong napakalalim.

"Nais kong bawiin ang kaluluwa ng aking babaeng minamahal upang ibalik ito sa kanyang katawan," sagot ni Damon.

"Alam mong may kapalit ang iyong hiling?"

Tumango si Damon bilang sagot, kahit buhay niya ang kapalit ay ibibigay niya dahil hindi niya kakayanin na tuluyang mawalay sa kanya si Wiena.

"Akina ang iyong kanang kamay," utos ni Kamatayan. Nang mahawakan niya ang kamay ni Damon ay lumitaw sa harapan ang kaluluwa ni Wiena.

"Wiena..." bigkas ni Damon habang nakatitig sa lumulutang na kaluluwa ni Wiena, tulala ito sa kawalan at parang hindi siya nakikita.

"Ang kapalit ay ang kalahating pagkatao mo— ang pagiging diyos mo, makakaya mo bang itong isuko at maging normal na tao na lamang, kapalit ng kaluluwa ng babaeng ito?" tanong ni kamatayan habang hawak ang kanang kamay ni Damon.

Walang pag-aalinlangan tumango si Damon. "Oo!"

Nang makuha ni Kamatayan ang sagot ay tinusok niya ang hintuturo ni Damon gamit ang kanyang mahabang kuko, at may lumabas doon na gintong bilog at lumutang ito. Kinuha ito ni kamatayan at inilagay sa sisidlan na bote. "Ngayon ay maari mo nang makuha ang kaluluwa niya, halikan mo siya at nang sabay na kayo makabalik kung nasaan ang katawan ng babaeng iyan."

Nawala ang simbulo sa noo ni Damon at narinig niyang nagpaalam si Lisipaw at sinabing tuluyang na itong matutulog sa kailaliman ng pagkatao ni Damon, at kailan man ay hindi na magigising pa.

Lumapit si Damon sa kaluluwa ni Wiena at hinalikan ito sa labi, napapikit siya nang parang hinihila ang sarili kung saan. Nang imulat niya ang mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Treno ang bumungad sa kanya.

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon