Chapter 20"Treno..., Damon anong nangyari sa anak natin? Bakit may mantsa ng dugo ang palad niya? bakit wala siyang malay?" kinakabahang tanong ni Wiena, at kinuha mula kay Tikbo si Treno.
"Ma-mamaya ko na ipapaliwanag, magtungo na tayo sa palasyo n'yo" medyo utal na saad ni Damon, dahil napapangiwi siya tuwing kumikirot ang likuran.
"Anong nangyari kay Treno?" nag-aalalang bungad ni Curton, nang makarating sila sa palasyo.
"Ama ipatawag mo ang punong manggagamot!" natatarantang saad ni Wiena.
Naguguluhan man si Curton agad niyang pinatawag ang punong mangagamot.
Inihiga ni Wiena si Treno sa kama, at hinaplos ang ulo nito. "Damon, ano ba ang nangyari?" naluluhang saad ni Wiena, naawa siya sa kalagayan ng anak napakaputla nito.
Dumating na ang punong manggagamot at siniyasat si Treno.
"Kinuha siya ni Bukanao.... at hiniwa ang kamay niya upang patuluan ang kadenang nakagapos sa kanya," malalim na hiningang saad ni Damon.
"Ano! Hindi maari! napaka laking gulo ito!" nahihintakutang saad ni Curton.
Nagsalubong ang kilay ni Wiena at hinawakan ang noo at pisngi ni Damon.
"Damon, ayos lang ba ang pakiramdam mo? subramg init ng katawan mo," nag-aalalang tanong ni Wiena.Namumungay ang mga matang ngumiti si Damon. "Ayos lang ako, si Treno ang pag—"
"Damon!" hiyaw ni Wiena nang bumagsak sa balikat niya si Damon.
Lumapit si Tikbo kay Damon at binuhat upang ihiga ng maayos sa tabi ni Treno.
"Mahal na hari ayos lang ang prinsipe, napagod lamang siya at nanghina dahil sa hinigop ang lakas niya," ulat ng panggagamot. Pagkatapos ay lumapit siya kay Damon, at hinawakan ang noo. At itinagilid upang tingnan ang malaking sugat na gawa ng buntot ng alakdan.
"Nalason ang taong 'to, kumalat na sa buong katawan ang lason kailangang magamot na siya sa madaling panahon,"
"Gamutin mo na siya ngayon din!" utos ni Wiena at nanginginig na hinawakan ang nanlalamig nang kamay ni Damon.
"Ngunit prinsesa, wala tayong dalawang sangkap ng gamot na ito," nakayukong saad ng manggagamot.
"Ano ang mga ito?" tanong ni Curton. Kahit na ayaw niya kay Damon, ay kailangan nitong mabuhay, dahil nasa malalang sitwasyon sila ngayon na nakatakas na si Bukanao. At kapag malaman na ng mga diyos at diyos ang nangyayari dito sa baba, ay isang delubyo ang maaring maganap.
"Ang bulaklak ng buhay at gintong buhok ng tikbalang,"
"Ako nang bahala kumuha ng bulaklak ng buhay, may alam ako kung nasaan ito tumutubo tuwing sasapit ang gabi. At ang gintong buhok ng tikbalang ay gamitin mo ang akin, nariyan sa mutya ni Damon nakapulupot ang buhok ko," saad ni Tikbo, at akmang tatalikod upang umalis na nang magsalita ang mangagamot, kaya nahinto siya.
"Alam mo ba ang maaring mangyari sayo?" hamon na tanong ng mangagamot.
Tumango si Tikbo. "Oo alam ko," saad niya at tuluyang umalis upang kumuha ng bulaklak ng buhay.
"Bakit anong mangyayari sa kanya?" tanong ni Wiena.
"Ikamamatay niya..." sagot ni Sapto na kanina pa tahimik, dahil sa lalim ng iniisip. "Haring Curton, ako'y magpapaalam na kailangan ko nang magtungo sa aming kaharian, upang iulat ang pangyayaring ito. Sadyang nakakabahala ang maaring mangyari, kailangan nating maghanda sa nalalapit na delubyo."
Tumango si Curton at nagpasalamat dahil sa pagsama ni Sapto upang ihatid ang apo na si Treno.
Lumipas ang limang oras wala pa rin si Tikbo, nanatiling nasa tabi nila Damon at Treno si Wiena. At hindi naiiwasan tumulo ang luha tuwing nakikita ang kalagayan ng mag-ama.
Habang si Curton, ay umalis muna upang ihanda ang hukbo sa nalalapit na digmaan.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...