Nadidilim na ang paningin ni Damon dahil nauubusan na siya ng dugo at nanghihina na, butas-butas na ang katawan niya dahil sa kagagawan ni Bukanao na hanggang ngayon ay hindi pa siya tinitigilan.
Lumitaw sa balintataw niya ang mag-ina niya nakangiti ang mga ito sa kanya, mapait siya napangit at inaabot ang imahing ito, ngunit napapikit siya ng tumagos sa palad niya ang dulo ng kadena ni Bukanao.
Pinuluputan ni Bukanao ang magkabilang kamay ni Damon at itinaas ito. Umiling-iling si Bukanao at humalakhak ng malakas.
"Kawawang nilalang, hilingin mo na ang iyong kamatayan at agad ko itong pagbibigyan," insultong saad niya.Nanghihinang ngumisi si Damon at dinuraan ang mukha ni Bukanao. "H-Hindi k-ka m-magtatagumpay!" utal na saad niya."
Galit na tinusok ni Bukanao ang tiyan. ni Damon, bumulwak ang dugo sa bibig ni Damon at lumupaypay ang ulo.
"Damon, tanggapin mo na kase ako," anang tinig sa isipan ni Damon.
"Sino kaba?" sagot ni Damon.
"Ang kulit mo, bahala ka kapag tuluyan ka nang mamatay ang mag-ina mo ang isusunod,"
"Sige tinatanggap na kita, nais kong maging mas malakas at matalo ang diyablong 'yan!" sagot ni Damon sakausap na nasa isipan niya.
"Magaling, ako si Lisipaw simula ng ipinanganak ka sa mundong ito ay nakatago lamang ako sa sulok ng iyong pagkatao, alisin mo nag mutya sa iyong katawan at nang makasanib na ako ng tuluyan sa 'yo,"
"Tss, nkikita mo bang nakagapos ang mga kamay ko at wala na akong lakas para alisin ang kuwentas sa leeg ko,"
"Hindi ko na problema 'yon," masungit na sagot ni Lisipaw.
Nagtalo pa sila sa isipan ni Damon. Iminulat ni Damon ang mga mata at sinalubong ang nanlilisik na mga mata ni Bukanao.
"Ang tibay mo rin, hindi ka pa namamatay!"
Ngisi lang ang isinagot ni Damon, at inaabot ang kuwentas sa leeg ngunit 'di niya magawa.
"Hoy! kung malakas at hindi ka natatakot na matalo laban sa'kin pakawalan mo ako!" saad ni Damon sa nanginginig na boses.
"Ang yabang mo ni hindi mo na nga maituwid ang dila mo sapag sasalita, nang hahamon ka pa!" bulyaw ni Bukanao at kinalagan si Damon.
Padapang bumagsak sa lupa si Damon at napangisi, inalis niya ang kuwentas sa leeg. Tumibok ng mabilis ang puso ni Damon at dumaloy sa ugat niya ang kakaibang enerheya. Gumaling ang lahat ng sugat niya at bumalik ang lakas.
Tumayong nakayuko si Damon at pinulot ang espada. Lumaki at humaba ng doble ang espada niya at nagkaroon ito ng ugat na pumulupot sa kamay ni Damon. Umilaw-ilaw ng kulay pula ang espada niya at may nakaukit ditong kakaibang letra, at sa gitna ng hawakan ng espada ay nagkaroon ng pulang kristal.
"May tinatago ka papalang lakas!" ani ni Bukanao.
Inangat ni Damon ang ulo at napaatras si Bukanaw sa nakitang simbulo sa noo ni Damon, nawala ang bagsik sa mukha niya at napalitan ng takot, dahil nakilala ni Bukanao ang simbulong ito.
"A-ang simbulo ni Lisipaw!" utal na saad ni Bukanao, hindi niya maiwasang matakot dahil ang kaharap ay may simbulo ni Lisilaw, na pumapatay ng milyon-milyong diyablo.
"Oh bakit nabahag ang buntot mo? Bukanao ako lang ito, na pinagbubutas mo ang katawan!" nakangising saad ni Damon.
"Tapusin mo na ang laban Damon, dahil ang pinakamamahal mong babae ay ilang oras nalang iiwan kana," saad ni Lisipaw sa isipan ni Damon.
Sa nakangising mukha ni Damon ay nagpalitan ng seryosong mukha nang marinig ang sinabi ni Lisipaw. Itinaas ni Damon ang espada at inatake si Bukanao.
Lumabas sa likuran ni Buknao ang anim na itim na mga kadena at sinugod ng mga ito si Damon. Mabilis ang bawat kilos ng mga kadena na siya ring nasasangga ni Damon gamit ang espada. Pumulupot ang dalawang kadena sa espada ni Damon, gumawa ng kidlat na apoy si Damon sa kaliwang kamay, habang ang isang kamay ay nakahawak sa espadang may nakapulupot na mga kadena. Sing laki ng niyog ang kidlat na apoy na ginawa ni Damon, at itinira niya ito kay Bukanao saktong tumama ito sa kaliwang pakpak nito. Humiyaw sa sakit si Bukanao nang malusaw ang kaliwa niyang pakpak.
Hindi nag-aksaya ng oras si Damon nang lumuwag ang pagkakapulupot sa espada niya ay agad siyang lumapit kay Bukanao . Sinipa niya ang mukha nito na at tinagpas ang kanang pakpak. Naging agresibo ang kilos ni Bukanao at pinagsisipa siya, at nagpakawala ito ng maraming itim na apoy. Napaatras siya at sinalag ang mga itim na apoy gamit ang espada, may nakalusot na itim na apoy at natamaan ang balikat niya.
Sinulyapan ni Damon ang balikat na umuusok. Pinalibutan niya ng asul na apoy ang espada at sinugod si Bukanao na naglalaway na at mabalasik ang mukha. Bumulusok ang mga kadena ni Bukanao patungo kay Damon, ngunit sa kisap-mata ay nawala sa harapan si Damon.
"Kahit kailan hindi magtatagumpay ang kadiliman!" bulong ni Damon sa tainga ni Bukanao, at ibinaon niya ang espada sa puso ni Bukanao sabay hugot at hinawakak ang baluktot na sungay ni Bukanao. Ubod lakas niya itong hinugot at itinapon kung saan.
Umatungal ng sigaw si Bukanao at nagwawala, habang hawak nito ang ulo kung saan hinugot ni Damon ang sungay. Napasuka ng dugo si Bukanao at patuloy ang pag-agos ng dugo sa butas ng dibdib. Napaluhod na nakatingala si Bukanao, at dahan-dahan itong nasusunog at nagiging abo. "Hindi maari!" huling sigaw ni Bukanao bago tuluyang maging abo.
Agad na tinungo ni Damon si Wiena at naabutan niya itong paisa-isa nalang ang paghinga. Nanikip ang dibdib niya sa nakikitang kalagayan ni Wiena na subrang nahihirapan, nangingitim na ang gilid ng mga mata nito at ang putla ng labi. Napasulyap siya kay Treno na wala pa ring malay.
"Kamusta ang kalagayan ng anak ko?" nag-aalalang tanong ni Damon.
"Pinuno maayos ang lagay ni Treno napagod at nanghina lang siya kaya't 'di pa siya nagkakamalay. Ngunit si Wiena ang malubha ang kalagayan, subrang hina na ng tibok ng puso niya at ang paghinga niya ay hinto-hinto na," ulat ni Miya dahil siya ang sumuri kina Treno at Wiena. Nalulungkot siya sa kalagayan ni Wiena tinuturing na niya itong kapatid kahit na magkaiba ang pinagmulan nila.
Hinaplos ni Damon ang pisngi ni Wiena at pumatak doon ang mga luha niya.
"Wiena-" gumuho ang mundo ni Damon nang tumigil sa pagtibok ang puso ni Wiena. Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ni Wiena, parang pinipiga at tinutusok-tusok ng karayom ang puso niya nang nanatiling nakapikit si Wiena, at hindi na bumalik pa ang pagtibok ng puso nito.
"Hindi maari!" buong hinagpis na saad ni Damon at niyakap ng mahigpit ang nanlalamig nang katawan ni Wiena.
"Wienaaa!" sigaw ni Damon sa pangalan ni Wiena at baka sakaling gumising ito, ibinaon niya ang mukha sa leeg ni Wiena at doon humagulhol.
Nag-iyakan ang mga tribano ramdam nila ang sakit na dinadala ng pinuno nila, ilang taon nitong hinanap ang babaeng minamahal ngunit wala na ito dahil sa kasakiman ng ibang nilalang.
Umiyak si Miya at niyakap si Pitoy hindi niya matanggap na wala na si Wiena, napamahal na ito sa kanya ramdam niya ang sakit ni pinuno, dahil kahit siya ay napakasakit ng nangyari.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...