Chapter 18
Nakarating na sila Damon, Tikbo at Sapto sa maliit na bahay na napapalibutan ng mga bulaklak. Maliwanag dito, hindi katulad sa labas ng bakud na madilim. Kapag nasalabas ka ay hindi mo makikita na may roon palang bahay, mga puno lamang ang makikita sa labas. Napapalibutan ito ng kapangyarihan ni Sapto, isang ilusyon para hindi makita ang bahay at harang para hindi basta-basta makapasok ang iba.
Pumasok silang tatlo sa loob ng bahay.
"Anong gusto niyong kainin?" tanong ni Sapto."Mansa—"
"Huwag kanang mag-abala pa," sagot ni Damon.
Itikom ni Tikbo ang bibig na nakanganga dahil sa hindi nito natuloy ang sasabihin, dahil sumingit si Damon.
Natawa naman si Sapto at kumuha nalamang ng mga prutas at inilagay sa lamesa. Agad namang kumuha ng mansanas si Tikbo at nilantakan.
"Ngayon... sabihin mo kung bakit bawal na banggitin ang pangalan ni Bukanao. At sino ba siya bakit hari ang tawag sa kanya dito, akala ko ba walang hari dito dahil tapunan itong lugar na ito ng mga suwail at makasalanang engkanto," saad ni Damon.
"Sino ka muna?" tanong ni Sapto habang kumakagat ng mansanas.
"Ikaw sino ka? bakit may ganito kang lugar?" pabalik na tanong ni Damon.
Habang si Tikbo ay palipat-lipat ang tingin kay Damon at Sapto, tahimik lang siya na nakikinig habang nilalantakan ang mga prutas.
Bumuntong-hininga si Sapto at mataman na tinitigan si Damon. Sinisipat niya kung maari bang pagkatiwalaan si Damon.
"Ako ang punong heneral ni haring Leo sa kahariang Lipayo, inatasan akong magmanman sa bundok kaliliw, dahil sa nakakabahalang pagtaas ng bilang ng mga taong nasasawi at nababaliw, dahil sa kagagawan ng mga itim na engkanto. Noong una ay akala ni haring Leo na si haring Curton ang puno't dulo nito, ngunit hindi pala dahil kahit si haring Curton ay problemado sa malalang sitwasyong ito. At napag alaman ko na si haring Bunakao ay nagising na...." mahabang saad ni Sapto, habang titig na titig kay Damon. Dahil inaalam niya kung ano ang magiging reaksyon ni Damon sa mga naririnig. At kung sakali mang may gawing hindi kanais-nais si Damon, ay madali niyang mapatay ito.
"Si Bunakao ay kalahating diyos at kalahating itim na engkanto," pagtatapos ni Sapto sa kuwento niya."Ibig sabihin anak siya ng diyos?" tanong ni Damon.
Umiling si Sapto at Tikbo. "Hindi, ilang siglo ang nakalipas si Bunakao ay isa lamang pangkaraniwang itim na engkanto, pinaibig niya si diyosa Yuwa. At nang makuha na niya ang tiwala at pag-ibig ni diyosa Yuwa, ay pinatay niya ito at hinigop ang kapangyarihan. At dahil doon ay naging kalahating diyos at itim na engkanto si Bunakao, naghasik ng lagim si Bunakao sa mundo ng mga tao at ng mga engkanto. Matinding gulo at labanan ang ginawa ni Bunakao. Nagalit ang mga diyos at diyasa nang malaman nila ang ginawa ni Bunakao kay diyosa Yuwa. Mula noon ay nagalit at naging mahigpit nilang kaaway ang mga itim na engkanto. Isinumpa at ikinulong nila si Bunakao dito sa bundok kaliliw," sagot at paliwanag ni Sapto.
Napatango si Damon at doon ay nalinawan ang isip niya, kaya tutol ang ama ni Wiena at nang ibang nakakaalam tungkol sa relasyon nila ni Wiena, na magsama sila. Dahil galit ang mga diyos at diyosa sa itim na mga engkanto, dahil sa kagagawan ni Bunakao.
"Nasaan si Bunakao? narinig ko na nakagapos ang mga kamay at paa niya ng sagradong kadena," tanong ulit ni Damon.
Umiling si Sapto, dahil hindi na niya alam ang sagot sa tanong iyon, sa tagal na niyang nagmamanman dito ay hindi pa niya nalalaman kung nasaan si Bukanao.
"Nasa ilalim ng parte nitong bundok, iilan lamang ang nakakaalam nito at iyon ang mga taga-sunod ni haring Bukanao. Maalis ang kadena kapag napatakan ito ng dugo ng isang..." sagot ni Tikbo at pabitin niyang saad. Habang sila Damon at Sapto ay naghihintay sa sasabihin niya, nakakunot na ang mga noo nila.
"Dugo ng isang kalahating diyos at kalahating itim na engkanto," dugtong ni Tikbo.
Napahinga ng maluwag si Sapto, samantala si Damon ay natulos at napalunok ng laway.
"Haha imposibling mangyari 'yon dahil wala namang nabubuhay na may kalahating diyos at kalahating itim na engkanto, maliban kay Bukanao. Kaya hindi ni Bukanao maalis ang kadena na nakakabit sa kanya," natatawang saad ni Sapto, gumaan ang pakiramdam niya dahil hindi makakatakas si Bukanao sa kanyang kulungan.
Si Damon naman ay natahimik at naalala ang anak na si Treno, tama nga si Curton na nasa panganib ang buhay ni Treno, kapag nalantad ang kataohan nito.
"Ohh, natahimik ka diyan? ikaw naman ang magbahagi ng iyong sarili tapos na ako," untag ni Sapto kay Damon.
"Kagaya mo naatasan din ako na magmanman dito,"sagot ni Damon.
"Nino?" tanong ni Sapto.
"Haring Curton," maikling sagot ni Damon.
Tumango si Sapto. "Sadyang nakakabahala talaga ang kinakaharap na sitwasyon ngayon ng mga engkanto, lalo na ni haring Curton dahil siya ang nadidiin sa problema na ito," saad ni Sapto.
"Maari ba kami manatili dito? ilang buwan pa ang pananatili ko rito upang mangalap ng impormasyon, ukol sa mga kaganapan dito sa loob ng bundok kaliliw," saad ni Damon.
Tumango si Sapto. "Oo naman, pareho ang layunin natin, tayo'y magtulungan," nakangiting tugon niya.
_____
Nabahala si Wiena nang limang oras na niya hinahanap si Treno ay hindi pa niya ito makita, at nagtanong-tanong na rin siya ngunit walang nakakita sa anak kung saan nagtungo ito.
"Mira! Mira!" tawag ni Wiena sa lambana na nasa hardin ng kanilang palasyo.
"Bakit po mahal na prinsesa?" tanong ni Mira.
"Ako'y nababahala na kung nasaan si Treno, maari mo bang gamitin ang kakayahan mong makipag-usap sa iba pang lambana sa labas ng palasyo?" nag-alalang saad ni Wiena. Hindi niya maramdaman ang presensya ni Treno kahit saan siya magtungo.
"Sige po kamahalan, saglit lamang," saad ni Mira. At ipinikit ang mga mata, at nang idilat ito ay naging kulay puti ang dating kulay berdeng mga mata.
"Ka-kamahalan..." utal at nababahalang saad ni Mira.
"Ano iyon Mira?" kinakabahang tanong ni Wiena.
"S-si prinsipe Treno ay tinatahak ang daan patungo sa bundok kaliliw, saad ng aking kaibigan..." nahihintakutang ulat ni Mira. Ipinikit niya ulit ang mata, at nang imulat ito ay bumalik sa sa berde ang mga mata. "Pinigilan pa ng aking kaibigan si prinsipe Treno, ngunit nagalit lang daw ang prinsipe at binantaan daw siyang huwag magsumbong sa inyo."
Namilog ang mga mata ni Wiena, at napatakip ng bibig. Nanghihinang napaupo siya at itinukod ang mga kamay sa damuhan.
Nag-aalalang lumipad palapit si Mira kay Wiena na nakatulala. "Kamahalan, ayos lang po ba kayo?"
"Ang batang 'yon!" tulalang saad ni Wiena.
"Siguradong magagalit si haring Curton kapag malaman niya,"
Napasabunot ng buhok si Wiena hindi niya alam ang gagawin, kapag umalis siya at sundan si Treno ay mas lalong magagalit ang ama niya. Napakagat labi at tumingala siya, at huminga ng malalim para lumanghap ng hangin, dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hangin.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...