Chapter 9
Napasinghap si Wiena nang maramdaman ang kapangyarihan ng ama. Dali-dali siyang nagtungo sa labas ng baryo, hinarangan pa siya ni Miya dahil dilikado daw. Ngunit walang nakapagpigil sa kanya.
Hinanap ng mga mata niya si Damon at nakita niya ito na abala sa pakikipaglaban, nagtaka pa siya sa pagbabago ng itsura ni Damon.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ama sa tabi ng isang puno kahit madalim doon ay nakikita at kilala niya ito, nag-iipon ito ng itim na enerheya sa mga kamay at ang atensyon nito ay nakatuon kay Damon. Itininaas ng ama niya ang mga kamay nito tandang ibabato na nito ang naipung enerheya.
Kinabahan si Wiena sa maaring mangyari kay Damon. Tumakbo siya ng mabilis sa kinaroroonan ni Damon at niyakap niya ang likod nito nang makalapit siya. Saktong ibinato na ang enerheya na galing sa kanyang ama. Napa-igik siya at napapikit ng mariin.
Napalingon si Damon at nanlaki ang mga mata nang makita na umuusok ang likuran ni Wiena. Agad niyang hinawakan ang baywang ni Waiena dahil muntik na itong mabuwal, at napasuka pa ito ng dugo.
"Wiena!" kinakabahang saad ni Damon habang nakayap kay Wiena.
"Damon, mahal na mahal kita kailangan ko nang isuko ang sarili ko. Isang oras nalang pulang buwan na alam mong wala kayong laban, si ama narito siya hindi mo alam kung gaano siya kalakas mauubos lang kayo," nakangiwi at nahihirapang saad ni Wiena.
"Kahit isuko mo ang sarili mo hindi magbabago ang desisyon ko, bakit Wiena? bakit ka naglihim? bakit hindi mo agad sinabi ang katotohanan?" may diin ang bawat bigkas ni Damon. Desmayado siya at hindi alam kung ano ba dapat ang mararamdaman.
"Damon patawarin mo ako—"
"Dijana sadyang matigas ang ulo mo!" saad ng napakalamig at baritonong boses.
Napalingon sila Damon at Wiena kung saan nanggaling ang boses. Napatayo ng tuwid si Wiena at iniharang ang sarili para protektahan si Damon, hindi niya ininda ang sugat sa likod, kahit na subrang sakit nito.
"Ama!" may nginig ang boses ni Wiena nang banggitin ang ama.
Hinawi ni Damon si Wiena at inilagay sa likuran niya, nakita niyang magrereklamo pa sana si Wiena, tinitigan niya ito ng masama na nagpatikom ng bibig ni Wiena.
"Sumama kana kay Giblo para matuloy na ang inyong kasal!" saad ni haring Curton na ama ni Wiena.
"Hindi siya sasama sayo!" galit at may diing saad ni Damon, at nakipagtitigan.
Napatingin si Wiena kay Giblo na papalapit sa kanila.
"Giblo!" galit at nanlilisik ang mga mata ni Damon habang nakatitig kay Giblo.
"Hinahamon kita, kapag natalo mo ako sayo na si Wiena... ngunit kapagnatalo ka sasama na sakin si Wiena at papatayin ko kayong lahat!," nakangising saad ni Giblo.
"Damon huwag kang pumayag hayaan mo na ako—" naputol ang sasabihin ni Wiena nang marahas na lingunin siya ni Damon, at nakita niya ang nag-aalab na mga mata ni Damon.
"Ganyan ka ba ka walang bilib sa akin! anong akala mo na matatalo ako ng halimaw na yan!" pasigaw na saad ni Damon. Nabubulag na siya sa galit, halo-halo na ang nararamdaman niya. Napupuno na ang puso't isipan niya ng galit at paghihiganti, nadagdagan pa dahil pakiramdam niya ay walang tiwala si Wiena sa lakas at kakayahan niya.
Natigil muna ang laban at pinalibutann nila si Damon at Giblo.
Nagpalit ng anyo si Giblo, doble ang laki niya kaysa kay Damon, tinubuan din siya ng napakalapad na mga pakpak at ang kanyang mga kuko ay naging matalas kagaya sa isang matalim na punyal. At ang mga ngipin ay naging matutulis at ang kanyang dila humaba hanggang dibdib. Kumapal ang balahibo niyang itim, at ang tainga niya ay humaba na patulis. At ang kanyang mga mata ay pulang-pula na kakulay sa dugo.
Umatungal ng malakas si Giblo at nagakawa ito ng malakas na hangin. Katakot-takot na halimaw ang makakalaban ni Damon, hindi lang basta halimaw kun'di pinuno ng mga aswang na kaanib ang hari ng mga itim na engkanto, kaya may kakaibang lakas at kapangyarihan ito kumpara sa normal na aswang.
Samantala si Wiena ay hindi mapakali pupuntahan niya sana si Damon upang pigilan, ngunit nanigas siya sa kinatatayuan at 'di maigalaw ni daliri. Napansin niya ang nakapalibot na itim na usok sa buong katawan.
"Huwag ka nang magkakamali na makialam Dijana!" saad ni Curton.
"Pakiusap ama patigilin mo na sila!" pagmamakaawa ni Wiena.
"Mahal mo ba ang mortal na 'yon?"
"Oo ama—"
"Hangal ka Dijana, walang kwenta at mahihina ang mga tao! si Giblo ang nababagay sa'yo, kapag siya ang iyong naging asawa ay magiging malawak ang ating nasasakupan, at magkakaroon pa kayo ng supling na pinakamalakas sa lahat!"
"Ngunit ama... nagmahal ka din ng tao 'di ba? minahal mo si ina na isang tao."
"Isang malaking pagkakamali na minahal ko ang ina mo!"
Napapikit si Wiena nang humangin ng malakas at may malakas na sumabog. Nagawi ang tingin niya kina Damon at Giblo na naglalaban na.
Sa bilis ay mas lamang si Damon, ngunit sa lakas ay si Giblo ang nangingibabaw. Subramg bilis ng bawat galaw ni Damon, at bawat atake niya kay Giblo ay napapaatras lamang ito.
Nang sumipa si Damon sa uluhan ni Giblo ay nahuli ang paa niya. Napangiwi siya at napa-igik nang ibaon ni Giblo ang mga matatalas nitong kuko. Ibinalibag siya ni Giblo, at habang nasa ere ay nagpakawala siya ng bulang kidlat at natamaan ang kaliwang pakpak ni Giblo.
Umatungal si Giblo at lumipad palapit kay Damon, sinuntok at hinampas niya ng buntot si Damon.
Sinalag ni Damon ang mga atake ni Giblo gamit ang mga kamay niyang may pananggang kidlat. Napatalsik at nagpagulong siya sa lakas ng bawat atake ni Giblo.
Hinawakan ni Damon ang mutya ng kidlat at bumulong sa hangin, umilaw ang tatu niya sa katawan at gumaling lahat na natamong sugat.
Inipon ni Damon ang enerheya sa kanang kamay niya at nag hintay ng pagkakataon para ipatama kay Giblo. Sinuntok niya si Giblo gamit ang kaliwang kamay, at nang malingat ito sa kaliwang kamay niya ay sinipa naman niya ang tagiliran nito.
Napabuga ng hangin at tumulo ang malapot na laway ni Giblo nang masipa ang tagiliran niya.
Hinila pababa ni Damon ang nakalawit na dila ni Giblo, at sinuntok niya gamit ang kanang kamay.
Tumalsik si Giblo at tumama sa isang puno, sabog at nagkawatak-watak ang puno dahil sa lakas ng pagsalpok ni Giblo.
Umalolong at umatungal ang mga aswang nang makita nila na medyo dehado na ang pinuno nila, ngunit 'di sila nakialam dahil ito ang utos ng pinuno nila.
Napasuka ng dugo si Giblo at paika-ikang naglakad.
Hindi nag-aksaya ng pagkakataon si Damon agad niyang sinugod ng sipa at suntok si Giblo. Lahat ng atake niya ay tumatama sa mukha at katawan ni Giblo, puno na ng dugo ang katawan ni Giblo at naghihina na.
Kinuha ni Damon ang espada at ibabaon na sana sa puso ni Giblo, ngunit nahuli lang nito ang espada niya.
Dahan-dahang sumilay ang pulang buwan, at unti-unting bumabalik sa dating anyo si Damon.
Napasigaw si Wiena dahil nangyari na ang kinatatakutan niya. Akala niya ay magtatagumpay na si Damon na mapatay si Giblo, ngunit 'di umayon ang pagkakataon, dahil ang pulang buwan ay sumapit na.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...