23

72 1 0
                                    

Chapter 23

Tahimik na kumain sila Damon, Wiena at Treno. Panay sulyap si Damon kay Wiena, napapansin niyang iniiwasan siya nito. Umiimik lang ito kapag tinatanong niya, ni hindi siya nito nginitian nang makita siya.

Bumuntong-hininga si Damon at piniling tumayo na kahit hindi pa siya tapos kumain. "Alis lang ako saglit."

Tanging tango lang ang isinagot ni Wiena at hindi niya manlang tinapunan ng tingin si Damon. Tiim bagang umalis si Damon, at mabibigat ang bawat hakbang.

"Ina nag-away ba kayo ni ama?" usisa ni Treno.

"Hindi, tapusin mo nang kumain at para makaligo kana," sagot ni Wiena.

"Damon!" tawag ng huwad na Sira.

Huminto si Damon at inis na nilingon si Sira. "Anong kailangan mo?"

"Ikaw!" mapang-akit na sagot ni Sira.

Tumaas ang kilay ni Damon at ipinagpatuloy ang paglalakad. Napahinto ulit siya nang yakapin siya ni Sira sa likuran.

"Ano ba—" natigilan si Damon nang makita si Wiena na subrang dilim ng mukhang nakatitig sa kanila. "Wiena!"

"Ts! ang kalat n'yo!" inis na saad ni Wiena at inirapan sina Damon at Sira.

"Saglit Wiena!" tawag ni Damon, ngunit matulin ang paglalakad ni Wiena habang bitbit si Treno.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Sira at palihim na ngumisi.

"Ano ba bitawan mo ako!" yamot na sigaw ni Damon.

Lumuwag ang pagkakayakap ni Sira at ngumiti ng nakakaluka. "Bantayan mo ang mag-ina mo, at baka hindi mo mamalayan ay wala na sila," makahuluga at may pagbabantang saad niya.

Hindi pinansin ni Damon ang sinabi ni Sira at agad na sinundan si Wiena.
Humalakhak sa isip si Bukanao na nasa anyong Sira.

"Wiena..." buong pagsuyong tawag ni Damon. "Nagseselos kaba? pansinin mo naman ako, subrang lumbay na ng aking puso sa pagbabaliwala mo," nagmamakaawang saad ni Damon, at lumabi siyang tumitig kay Wiena na seryoso lang nakatitig sa kanya.

Napaubo si Wiena sa pagpipigil na hindi matawa sa itsura ni Damon na nakalabi, ibinaling niya ang tingin kay Treno na naliligo sa talon.

"Wiena..." tawag ulit ni Damon.

Namumula na ang buong mukha ni Wiena sa pagpipigil ng tawa at kilig. Dahil ang mukha ni Damon ay parang batang maiiyak, dahil sa hindi nakuha ang gusto. Lumapit si Damon kay Wiena at inamoy-amoy ang leeg, at dinampian ng halik.

Hindi napigilan na humagikhik ni Wiena at kunwaring galit na tinulak si Damon. "Ano ba!"

Ngumiti si Damon at panakaw na hinalikan ang labi ni Wiena, na ikinabilog ng mga mata nito.

"Kung nagseselos kaman ay ayos lang, mahal kita kaya...." nakangiting saad ni Damon at dinampian ng halik ang labi ni Wiena. "Huwag kang mangamba na baka maagaw ako ni Sira sayo," natatawa niyang dugtong.

Umingos si Wiena at 'di naitago ang kilig na naramdaman. "Wala akong pakialam kahit maagaw ka pa niya."

Tumaas ang kilay ni Damon at nanunuksong ngumiti. "Talaga?"

"Oo!" nakairap na sagot ni Wiena.

Tumikhim si Treno na ikinalingon nila Wiena at Damon. "Paumanhin ina ama kung naistorbo ko ang inyong lambingan, ngunit may kakaiba sa kalangitan," seryosong saad ni Treno at itinuro ang langit.

Napatingala silang dalawa at nakita ang langit na may bahagharing pabilog, at kumikinang-kinang ito.

"Ano iyan?" takang tanong ni Damon.

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon