"Damon, anong gagawin natin?" nangangambang tanong ni Wiena.
"Wala kayong magagawa ang kaharap natin ay isang diyablo, tanging si Lisipaw ang magiting na mandirigma ng Hiklaya ang makakatalo sa diyablong iyan, ngunit matagal nang wala si Lisipaw ilang siglo na ang lumipas," sabat ni Tiara at hindi inaalis ang tingin kay Bukanao.
"Diyosa ka mas malakas ka sa kanya, tawagin mo ang kalahi mo at pagtulungan n'yo ang halimaw na 'yan!" saad ni Damon.
Umiling-iling si Tiara at malungkot na sinulyapan si Damon. "Maaring makipagsabayan kami sa lakas nya, ngunit hindi namin siya mapapatay tanging ang mahiwagang espada ni Lisipaw ang makakapatay sa kanya."
Gumawa ng napakalaking itim na apoy si Bukanao at inihagis sa kanila.
Pinagsama nila Damon, Wiena at Tiara ang kapanyarihan upang magawa ng malakas na harang.Nayanig sila Damon sa lakas ng pagsalpok ng itim na apoy sa ginawa nilang harang, nakita ni Damon na unuusok ang mga kamay ni Tiara na nasa unahan nila.
Tumulo ang luha sa mga mata ni Tiara. "Malaking kamalian ito, nalinlang kami ni Limid...." Lumingon siya kay Damon. "Gusto kang makilala ng mahal na ñiamre, ang iyong lola-" natigil siya sa pagsasalita nang mapaubo ng dugo.
"Diyosa!" nag-aalalang bulong ni Wiena.
"Ang hihina n'yo, isang atake ko palang ay ganiyan na ang epekto," umiling-iling na saad ni Bukanao, at ibinuka niya ng malapad ang mga pakpak.
Lumipad paitaas si Bukanao at itinaas ang kanang kamay. Unti-unting may nabubuong bilog na pula na may halong itim sa kamay niya, palaki ito ng palaki haggang sa maging kasing laki ng buong bahay.
Napahawak ng mahigpit si Wiena sa braso ni Damon. Hinawakan ni Damon ang kamay ni Wiena at nginitian ito.
Umabante si Damon at tumingala, at lumingon kay Wiena. "Wiena kung ano man ang mangyari tandaan mo na mahal na mahal ko kayo ng anak natin," ngumiti siya kay Wiena.
"Damon-"
Lumipad si Damon at tinungo si Bukanao, inatake niya ito ngunit baliwala lang rito ang bolang kidlat niya na parang hinihigop lang nito. Sinipa niya ito sa mukha ngunit nasalag lamang nito sa isa nitong kamay.
Sinipa ni Bukanao sa sikmura si Damon, tumalsik sa malayo si Damon at bumulusok pababa, at bumaon sa lupa. Dahan-dahan na ibinaba ni Bukanao ang kamay at pinatamaan sila Wiena.
Niyakap ni Wiena si Treno at isiniksik sa kanyang dibdib. Itinaas ni Tiara ang ang dalawang kamay ay inipon doon ang lahat ng kapangyarihan.
"Sana mapatawad n'yo kaming mga diyos at diyosa, nagkakamali din kami. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat, akala namin ay magiging maayos ang lahat ngunit nalinlang kami ng kapwa namin," malungkot na saad ni Tiara at hindi napigilan nag pagluha, dahil nabigo sila.
Nang tumama ang kapangyarihang pinakawalan ni Bukanao sa ginawang harang ni Tiara upang protektahan sina Wiena at Treno, nakakabinging pagsabog ang nakapagpayanig sa kanila.
Napahigpit ang pagkakayakap ni Wiena kay Treno, salamat sa ginawang harang ni Tiara hindi sila nasaktan ng anak. Ngunit si Tiara ay sunod-sunod ang pagsuka ng dugo, at unti-unti itong nagiging puting usok.
"Ano gusto mo ba maging malakas?" tanong ulit sa isipan ni Damon.
Nahulog sa kawalan si Damon at nalingon-lingon si Damon sa kadiliman. "Sino ka!"
"Hmm, magpapakilala lang ako kapag tinanggap mo ako,"
"Damooon!" mahinang umaalingaw-ngaw sa isipan ni Damon ang boses ni Wiena.
Dahan-dahan na iminulat ni Damon ang mga mata at napakurap-kurap. Unti-unti niyang naramdadaman ang sakit ng katawan, nakangiwing bumangon siya at inilibot ang paningin, ganoon nalang ang takot at nagimbal siya nang makita na bihag na ang leeg ni Wiena ni Bukanao.
Habang si Treno ay sinisipa at sinusuntok ang paa ni Bukanao, nagpalawala din si Treno ng asul na apoy at pinatamaan ang mukha ni Bukanao. Mabalasik ang mukhang tinapunan ng tingin si Treno at sinipa ito. Tumalsik si Treno at nagpagulong-gulong ito sa lupa.
Agad siyang lumipad patungo kay Treno at dinaluhan ito.
"Ama," nanghihinang bigkas ni Treno.
Dumudugo ang ilong at noo ni Treno. Naluhang hinaplos ni Damon ang mukha ng anak. Binuhat niya ito at dinala kung nasaan sina Miya, dahil hindi pa nasisira ang ginawang harang ni Tiara doon.
"Miya ikaw na muna bahala sa anak ko," malumanay na saad ni Damon, at hinalikan sa noo si Treno.
Dumidilim na ang paningin ni Wiena dahil sa higpit ng pagkakasakal ni Bukanao sa kanya.
"Ang tagal ng tagapagligtas mo, malalagutan kana ng hinga't wala pa siya," saad ni Bukanao at sinuntok ang tiyan ni Wiena.
Napabuga ng hangin si Wiena at tumulo ang luha sa mga mata.
"Bitawan mo siya at ako nag harapin mo,"
Ibinalibag ni Bukanao si Wiena, mabuti nalang ay nasalo agad siya ni Damon.
"Wiena magpakatatag ka," nanginginig ang boses ni Damon at hinaplos ang mukha ni Wiena. Nakapikit ang mga mata nito at habol ang hininga, ramdam din niyang subrang hina ng tibok ng puso nito.
Bibuhat niya si Wiena at dinala kung nasaan si Treno.Hinarap ni Damon si Bukanao, gagawin niya ang lahat matalo lamang ito kahit buhay pa ang kapalit.
Sinugod ni Damon si Bukanao at nagpalitan sila ng atake, napapangiwi at buga ng hangin si Damon t'wing tatamaan siya ng atake ni Bukanao.
Napasuka siya ng dugo nang bumaon sa tiyan niya ang matatalas na kuko ni Bukanao, maharas nitong hinugot ang mga kuko at kinalmot ang dibdib niya, sabay sipa at tira ng itim na apoy sa mukha niya. Napaluhod siya sa lupa at hawak ang tiyan na patuloy ang agos ng dugo, pinahid niya ang dugong tumutulo sa ilong at dumura siya ng dugo.Lumapit si Bukanao kay Damon at inapakan ang ulo ni Damon, napadapa siya nang idiin ni Bukanao ang pagkakaapak sa ulo niya.
Lumabas ang dalawang itim na kadena sa likuran ni Bukanao, ngumisi ng abot tainga si Bukanao.
Napahiyaw ng malakas si Damon nang bumaon ang dalawang kadena sa magkabilang binti niya, dumaloy doon ang kakaibabg sakit na parang winawasak at ilang boltahe na koryente ang dumaloy sa kalamnan niya.
Napakagat labi si Damon at napakuyom ng kamay, nang paulit-ulit na ibinabaon ni Bukanao ang kadena sa ibat-ibang parte ng katawan niya. Napapapigil hininga siya upang maibsan ang sakit, at para hindi sumigaw dahil sa kakaibang sakit na pakiramdam.
Humalakhak ng malakas si Bukanao at nasisiyahang paulit-ulit na sinasaksak ng kanyang kadena ang katawan ni Damon, umagos at nagkalat na sa lupa ang dugo ni Damon.
Nag-iyakan ang mga tribano sa nasasaksihan nilang pagpapahirap sa pinuno nila. Napatakip ng bibig si Miya at impit na umiyak dahil sa habag kay Damon, at napasulyap kay Wiena na nag-aagaw buhay at kay Treno na nahimatay dahil sa natamong pinsala.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...