15

80 2 0
                                    

Chapter 15

"Damon..." malumanay na banggit ni Wiena. At hinawakan ang mga kamay ni Damon na nakakuyom. "Madami akong gusto sabihin sayo, sa subrang dami hindi ko alam ang uunahin."

Bumuntong-hininga si Damon at kahit papaano ay kumalma siya, nang hawakan ni Wiena ang mga kamay niya.

"Wiena sumama na kayo sa'kin,"

"Damon, ang sabi ni ama na maaring mapahamak si Treno kapagnalaman ng mga diyos at diyosa ang tungkol sa kanya, sa atin. Naguguluhan ako Damon," matamlay na saad ni Wiena. At inihilig ang ulo sa dibdib ni Damon.

"Hindi nila malalaman kung walang magsasabi sa kanila, at hindi ko hahayaan na mapahamak kayo..." saad ni Damon. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Wiena, at pinagdikit niya ang noo nila.   "Hawakan mo ang aking kamay hanggang sa matapos natin lahat ng pagsubok, at sabay nating sabihin na nagawa natin."

Napangiti si Wiena sa binitawang salita ni Damon, may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso. Ramdam niya ang pagmamahal ni Damon sa kanya at sa kanilang anak.

"Oo Damon, sabay nating lagpasan ang lahat ng pagsubok—"

"Hmm!" ungol na reklamo ni Wiena nang bigla siyang halikan ni Damon.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Damon nang tumugon si Wiena sa halik niya.
Natatawang hinampas ni Wiena ang dibdib ni Damon, nang bitawan na nito ang labi niya.

"Haha, paumanhin sapagkat nasabik lamang ako sa'yong labi. Habang kumikibot ang labi mo ay parang inaakit ako nitong hagkan siya," natatawang saad ni Damon.

Napailing si Wiena sa katwiran ni Damon. "Ngunit paano si Ama? at saka 'di ba galit ka sa kanya?" tanong niya kay Damon, na ikinawala ng ngiti nito.

"Hindi ko alam," tanging sagot ni Damon.

"Sa totoo niyan Damon, hindi sa kinakampihan o nililinis ko ang kasalanan ni ama sa'yo, at sa kasamahan mo. Ang totoo niyan ay nagawa lamang 'yon ni ama dahil sa galit, dahil tinulungan ng lolo mo ang ina ko na hindi na kami mahanap ni ama. Alam kong mali ang ginawa ni ama, alam kong mali na magalit no ama sa lolo mo na kahit na tumulong lamang siya sa ina ko. Ngunit Damon, mabait at mapagmahal si ama, nitong dumaang mga taon ay inalagaan at minahal niya kami ni Treno. At humingi na siya ng tawad sa lahat ng kasalanan niya. Kaya pakiusap bigyan mo ng pagkakataon si ama, kahit gayon siya ay siya parin ang ama ko, nag-aalala lang siya sa amin ni Treno,"  madamdamingg saad ni Wiena.

"Sige, susubukan kong kausapan ang ama mo, para sa inyo ni Treno gagawin ko ang lahat magkasama lang tayong tatlo,"

"Salamat Damon, salamat!" maiyak-iyak na saad ni Wiena.

____

"Ama, gusto kang kausapin ni Damon," saad ni Wiena.

Nagsalubong ang kilay ni Curton at matalim na tinitigan si Damon. Tumango siya at sininyasan si Wiena na umalis muna sila ni Treno.

Matalim ang mga mata nila Damon at Curton habang nagtitigan.

"Gagawin ko ito para sa kanila, ngunit hindi ibigsabihin pinatawad at hahayaan ko nalang ang kasalanan mo!" mahinahon ngunit may diing saad ni Damon.

"Kung mahal mo ang mag-ina mo hayaan mo na sila dito, para din sa kaligtasan nila ito!" saad ni Curton.

"Mahal ko sila, kaya ipaglalaban ko sila. Wala akong pakialam kung sino ang makakalaban ko, mamatay muna ako bago masaktan ng kung sino man ang mag-ina ko, kahit pa mga diyos at diyosa hahamakin ko lahat!" taas noong saad ni Damon at mas lalong tinaliman ang mga matang nakatitig kay Curton.

"Sige, papayagan kitang makasama sila ngunit may kondisyon ako," hamon ni Curton.

Nangunot ang noo ni Damon at napataas ng kilay. "Ano naman iyon?"

Ngumisi si Curton. "Magtungo ka sa bundok kaliliw, magtagal ka doon ng limang buwan. Ngunit bawal mo gamitin ang kapangyirihang diyos mo, kapag nagawa mo ay hahayaan na kita sa gusto mong mangyari!" nakangisi ng malaki si Curton at nanghahamon ang mga tingin.

"Iyon lang ba, sige!" tanggap sa hamon ni Damon.

"Bukas ng umaga magtungo kana roon, sa ngayon ay hahayaan na muna kitang manatili dito sa palasyo ko."

Huling saad ni Curton bago ito tumalikod at umalis.

"Oh, anong pinag-usapan niyo ni ama?" usisa ni Wiena.

Ngumiti at hinaplos ni Damon ang buhok ni Treno, mahimbing na itong natutulog. "Hahayaan niya na tayong magsama, ngunit kailangan kong malagpasan ang pagsubok na ibinigay niya,"

"Na ano?"

"Kailangan kong manatili sa bundok kaliliw—"

"Ano! nababaliw na talaga si ama! ang bundok kaliliw ay tapunan ng mga engkantong itim na sagad sa kaluluwa ang kasamaan!" napasigaw na saad ni Wiena at napatayo pa.

"Shhhh, baka magising si Treno. Kumalma ka nga," saad ni Damon, at hinawakan ang kamay ni Wiena para kumalma.

"Paano ako kakalma eh bakit doon pa sa bundok kaliliw—"

Napahinto sa pagsasalita si Wiena nang itapat ni Damon ang hintuturo niya sa labi ni Wiena.

"Kaya ko 'to, para sa inyo kahit gaano pa kahirap kakayanin ko. Kung sa pagsubok pa lang ng ama mo ay susuko na ako, paano pa kaya kung sakaling makalaban ko ang mga diyos at diyosa."

Bumuntong-hininga si Wiena at umupo sa tabi ni Damon.

____

Sumapit ang umaga tulog pa si Wiena at Treno. Umalis na hindi nagpaalam si Damon, sinadya niya talagang umalis agad habang tulog pa ang mag-ina, dahil baka magdalawang isip pa siya at hindi na umalis sa tabi ng dalawa, lalo pa't limang buwan siya mamalagi sa bundok kaliliw. Hindi niya rin sinabi kung ilang buwan siya mawawala dahil siguradong aangal nanaman si Wiena.

Nang tumapak si Damon sa bundok kaliliw, kadiliman ang sumalubong sa kanya. Kinuha niya ang espada at hinawakan ng mahigpit.

Dahan-dahan na naglakad si Damon, at sinasanay ang mga mata sa dilim. Napalingon-lingon siya nang makarinig ng kaluskos, pinatibay niya ang mga braso at hinigpitan ang hawak sa espada. Habang tumatagal ay nasasanay na ang mga mata niya sa dilim, kahit papaano ay nakaaninag na siya.

Napalingon si Damon nang may kumaluskos ulit, at natigilan nang makita ang pulang mga mata.

Napaatras si Damon ng dalawang hakbang nang luminaw sa paningin niya ang nakakakilabot na nilalang. Hanggang baywang niya lang ito ngunit napakataba. Makakapal ang balahibo na parang mga karayom, at ang tainga nitong napakahaba na patulis. At may apat itong ngipin na malalaki at matutulis, dalawa sa taas dalawa sa baba. May tatlong buntot ito na kapareho sa isang alakdan, hindi mawari ni Damon kung anong uri ng nilalang ito dahil sa kakaibang wangis.

Gumawa ito ng kakaibang ingay, napakatinis na pinaghalong tunog ng biik at naipit na pusa.

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon