4

92 2 0
                                    

Chapter 4

Nagpabaling-baling sa papag si Wiena. Hindi siya makatulog dahil t'wing ipipikit niya ang mga mata, ang supladong mukha ni Damon ang lumilitaw. Pilit niyang winawaksi sa isipan ang lalaki, ngunit patuloy itong lumilitaw.

"Aist!!" Inis na bumangon si Wiena at ginulo ang buhok. "Ano ba! Damon, umalis ka sa isipan ko!."

Napasilip sa bintana si Wiena nang makarinig ng ingay sa labas. Maraming tao sa labas at mukhang may pinagkakaguluhan.

Lumabas si Wiena at saktong nakita si Miya na palapit sa kanya.

"Anong nangyayari bakit nagkakagulo?"  Nagtatakang tanong ni Wiena, kay Miya.

"May namataan daw si Kuya Ramon na mga aswang na nagmamatyag dito, at  hinabol nila pinuno," ulat ni Miya.

"Mga? ibig sabihin marami sila? ayos lang ba si Damon? nakabalik na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Wiena.

May panunuksong tinitigan ni Miya si Wiena at ngumiti ng malapad.

"Hehehe, Wiena nagpahahalataan ka ah. Huwag ka mag-alala malakas si Pinuno sa laki ba naman ng katawan niya." Nakangiti at sinusundot-sundot ni Miya ang tagiliran ni Wiena.

Namula ang mukha ni Wiena at mahinang tinapik ang kamay ni Miya. Napabaling ang tingin nila nang makita na pabalik na si Damon. Subrang dilim ng pagmumukha ni Damon at nakakuyom ang mga kamao.

Lalapitan sana ni Wiena si Damon ngunit naunahan siya ni Sira. Agad na humawak si Sira sa braso ni Damon.

Nagtama ang mga mata nila Wiena at Damon, agad na nag-iwas ng tingin si Damon at inalis ang kamay ni Sira. Inirapan naman ni Sira si Wiena.

Nakasunod lang ang tingin ni Wiena kay Damon na naglalakad na papunta sa kubo nito.

"Sundan mo na, ikaw din maunahan ka pa ng iba," nakangiting saad ni Miya.

Sinundan ni Wiena si Damon. Nagdadalawang isip pa siya kung papasok siya sa loob, pero sa huli ay pumasok siya sa loob.

Nakaupo sa dulo ng papag si Damon, at nakayuko ang ulo at nakatukod ang mga kamay sa papag.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Damon na hindi lumilingon kay Wiena.

Napakagat labi si Wiena. "Ah, eh sabi ni Miya na ano... na may hinabol daw kayo na mga aswang."

Tumayo si Damon at lumapit kay Wiena.

"Anong meron sa 'yo? Bakit 'di ka mawaglit sa isipan ko?" seryosong tanong ni Damon.

"Ha?" Tanging nasabi ni Wiena. Dahil nagulat at 'di siya makapaniwala sa tanong ni Damon.

"Pinuno! narito na ang dalawang aswang na nahuli!" Ulat ng kung sino man ang nasa labas.

Bumuntong-hininga si Damon at hinila sa labas si Wiena na tulala.
Pinagtitinginan sila ng mga tao lalo pa't magkahawak kamay sila.

Hinihila ni Wiena ang kamay, ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Damon.

Huminto si Damon at binitawan ang kamay ni Wiena para lapitan ang dalawang aswang na nakagapos.

"Anong pakay n'yo?" Mautoridad na tanong ni Damo.

"Oo nga! Ang lakas ng loob n'yo na pumunta sa lugar namin!" pasigaw na saad ni Pitoy.

Napatingin ang dalawang aswang kay Wiena at ngumisi ang mga ito. Napaatras si Wiena at ibinaling sa iba ang tingin, kinakabahan siya sa maaring sabihin ng dalawang aswang.

"Kung akala mo makakatakas ka, nagkakamali ka kahit saan ka man magpunta makukuha ka niya. Kung ayaw mong madamay ang mga tao dito, magkusa ka nalang na ibigay ang sarili mo sa kanya," nakangising saad ng isang aswang, habang titig na titig ito kay Wiena.

Nanginig si Wiena at kagat labing napayuko ng ulo.

"Anong kailangan n'yo sa kanya?" Kunot noong tanong ni Damon.

"Wala kaming kailangan sa kanya, kun'di ang pinuno namin. Ilang oras nalang ay malalaman na ni Pinuno kung saan ka nagtatago." Tukoy nito kay Wiena.

Hindi na kinaya ni Wiena at tumakbo siya paalis, nagtungo siya sa talon kung saan siya dinala ni Damon. Umupo siya sa tabi ng puno at niyakap ang mga tuhod.

Pinilit pa nila Damon na magsalita pa ang dalawang aswang tungkol sa mga nalalaman ng mga ito. Ngunit nanatiling tahimik ang mga ito tanging ngisi lang ang nakukuha nilang sagot. Kaya pinatay nalang nila ang dalawang aswang.

Naabutan ni Damon si Wiena na humihikbi, tumabi siya kay Wiena at nanatiling tahimik.

"Bakit ka narito?" tanong ni Wiena.

Napaangat ng ulo si Wiena nang walang nakuhang sagot. Nakatanaw sa malayo si Damon at parang subrang lalim ng iniisip.

"Mawawala ako ng ilang araw, manatili ka lang 'dito. Ligtas at walang makakapanakit sa'yo dito, sa pagbabalik ko may sasabihin ako. Huwag kang padalos-dalos ng desisyon, hintayin mo ako," saad ni Damon, at tinitigan sa mga mata si Wiena.

"Pero... baka puntahan nila ako dito madadamay lang kayo!" naluluhang saad ni Wiena.

"Hindi sila basta-basta makakapasok dito, dahil may orasyong harang akong inilagay dito."

"Damon..."

"Hmm?"

"Wala," saad ni Wiena at tumayo na.

Akmang aalis na si Wiena nang pigilan siya ni Damon. Hinawakan ni Damon ang pisngi ni Wiena at inilapit ang mukha.

Hinalikan ni Damon si Wiena, at 'di nakagalaw si Wiena dahil sa gulat.

Hindi kalayuan ay nakatanaw si Sira na nag-aalab ang mga mata sa galit. Subrang panibugho at selos ang nararamdaman niya, dahil sa nakita.

Napapikit si Wiena at nilasap ang halik ni Damon, itinaas niya ang mga kamay at niyakap ang leeg ni Damon. Si Damon naman ay hinawakan ang baywang ni Wiena at mas lalong pinagdikit ang kanilang mga katawan.

Habol-hininga sila Damon at Wiena nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Mangako kang hihintayin mo ako," saad ni Damon. Idinikit niya ang noo sa noo ni Wiena.

"Oo pangako."

Magkahawak kamay silang bumalik, inihatid muna ni Damon si Wiena sa kubo nito. Bago pumasok sa loob si Wiena ay ginawaran siya ng halik sa labi ni Damon.

_____

"Oy! nobyo mo na ba si pinuno? nakita ko 'yon! hinalikan ka kagabi ni pinuno bago ka pumasok sa kubo. Nag-alala ako sa'yo dahil bigla kang nawala, 'yon pala ay magkasama kayo ni pinuno!" kinikilig na saad ni Miya.

"Hindi ko alam, hehe wala pa naman siyang sinasabi tungkol sa estado naming dalawa. Ang sabi niya ay mag-uusap kami pagbalik niya. Nakaalis na ba sila? hinanap ko siya kanina ngunit 'di ko nakita. Nahiya naman akong magtanong sa iba, at baka ano isipin nila,"

"Oo kanina pa, sa tingin ko pagbalik ni pinuno ay lilinawin na niya ang tungkol sa inyong dalawa,"

"Siguro."

_____

"Pinuno wala na sila dito mukhang nakatunog sila kaya umalis sila agad," saad ni Simon.

"Oo nga matindi talaga ang tatlong 'yon, marami na silang nabiktima!" saad ni Pitoy .

"Mambabarang na aswang ba naman ang mga halimaw na 'yon, tss!" saad ni Ramon  habang nililibot ang loob ng kubo.

Tahimik lang na nagmamasid sa loob si Damon, at tinitingnan ang mga gamit.

"Nagkakamali kayo, hindi sila umalis para iwasan tayo. Umalis sila para may puntahan na pagtitipon," saad ni Damon at ipinakita ang papel na nakuha sa lamesa.

"Patungo sila sa timog, sa baryo dilim. Ito ang sunod na destinasyon natin, suwerte tayo at may pagtitipon pala sa baryo nila. Hindi na tayo mahihirapan na hanapin sila," saad ni Timyo, habang nakatitig sa papel na may nakasulat na imbitasyon.

"Sana makakuha na tayo ng impormasyon sa kuta nila Giblo!" saad naman ni Simon.

Patungo na ang grupo ni Damon sa baryo dilim, kung saan may pagtitipon ng mga aswang at iba pang masasamang nilalang.

Hahamakin Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon