Chapter 14
Sa gulat ni Damon ay hindi niya alam ang gagawin, nakatulala lang siya at hinayaan si Treno na umiiyak habang yakap-yakap siya.
Kumalas sa pagkakayakap si Treno at bumaba kay Damon. Inis na sinipa ni Treno ang paa ni Damon, dahil para itong natuod.
"Aray!" napahimas si Damon sa nasipang paa. "Ang liit mo ngunit ang lakas mo manipa," napapailing na reklamo ni Damon.
Pinaikot ni Treno ang itim ng mga mata, at umingos kay Damon.
"Kainis ka naman! wala ka bang sasabihin?!" pagmamaktol pa niya.Tumawa at napakamot si Damon sa ulo. Sa totoo lang hindi niya alam ang sasabihin, lalo pa't tinawag siyang ama ni Treno. E wala naman siyang maalala na may anak siya, lalo pa na isang engkanto.
"Bakit mo ako tinawag na ama?"
inikot ulit ni Treno ang itim ng mga mata. "Sino asawa mo?" inis na tanong ni Treno, parang kaedad lang nito ang kausap kung magtanong.
"Si Wiena..." nagtatakang sagot ni Treno.
Bumuntong-hininga si Treno. "Anak ako ni Dijana."
Napataas ng kilay si Damon sa sinabi ni Treno. "Ohh?"
"Anong oh? sabi ko anak AKO NI DIJANA!" may diing saad ni Treno.
"Ahhh?" tumatangong saad ni Damon.
Napasabunot ng buhok si Treno at napapadyak ng paa. Aawatin sana ni Damon nang mapagtanto ang sinasabi ni Treno. Narinig niya dating tinawag ni Giblo si Wiena na Dijana. May namuong luha sa mga mata niya at tinawag si Treno, para matigil ito sa kapapadyak.
"Treno..." tawag ni Damon. Lumapit siya kay Treno at lumuhod para magpantay sila. "Ang ina mo ba na si Dijana ay anak ng hari ng itim na engkanto?" kinakabahan siya sa maaring isagot ni Treno.
Tumango si Treno bilang sagot. Napaluha si Damon at niyakap ng mahigpit si Treno, hindi niya akalain na anak na niya pala ang kaharap, kaya pala magkamukha silang dalawa.
Magkayakap sila Damon at Treno habang umiiyak sila. Subrang saya ng nararamdaman ni Damon nang malaman niya na may anak pala sila ni Wiena.
"Anak ko, patawad kung ngayon lang ako nakapunta. Sa limang taon na paghahanap ko sa ina mo ay hindi ako nawalan ng pag-asa na makita siya, halos libutin ko na ang buong mundo makahanap lang ng paraan na makapunta dito..." umiiyak na saad ni Damon habang hinihimas ang pisngi ni Treno. "Tapos ngayon nalaman ko na may anak na pala kami, at ikaw 'yon.
"Ama! siguradong matutuwa si ina kapag nakita ka! tara sa palasyo!" masayang saad ni Treno at hinawakan ang kamay ni Damon.
Nguniti si Damon at tumango.
"Hindi ba ang kabilinbilinan ko na huwag mong hahayaan na makaalis si Treno!" sermon ni Wiena kay Kuloy. Napahilot pa siya sa sentido.
"Kasi ano prens—"
"Kasi ano!"
Napaigtad at nanginig si Kuloy sa takot.
Napaawang ang bibig ni Wiena nang makita na natakot na pala niya si Kuloy.
"Pasensya Kuloy kung nasigawan kita, may problema lang ako, sige ako nang bahala na hanapin ang batang 'yon. Pasensya ulit Kuloy, huwag sana sumama ang loob mo sa'kin," mahinahong saad ni Wiena.
Tumango si Kuloy at nagpaalam na aalis na ito.
Umupo si Wiena at napahawak sa sintedo. Saan nanaman kaya nagtungo ang makulit niyang anak. Nababahala si Wiena sa pagtaas ng bilang ng mga taong pinaglalaruan at sinasaktan ng nasasakupan ng kanyang ama. Sadyang napakasuwail ng mga itim na engkanto, nangunguna sa patakaran ng kanyang ama na huwag pakialaman ang mga mortal na tao, ngunit hindi ito sinusunod ng nakakaraming itim na engkanto.
"Ina! Ina! Ina! may sorpresa ako sa'yo!" masayang saad ni Treno.
Napalingon si Wiena kay Treno na tumatalon-talon pa sa galak. Sa isip ni Wiena ay ano nanamang ginawang kalukohan ng anak.
"Hmm?"
"Ina halika sa iyong hardin may ipapakita ako sa'yo, tiyak na mapupuno ng galak at pananabik ang 'yong puso!"
Napataas ng kilay si Wiena sa sinabi ni Treno. Napatayo siya nang hilahin ang kamay niya ni Treno, napapailing at kinarga niya si Treno at nag tungo sila sa sekreto niyang hardin.
Inilapag ni Wiena si Treno at inilagay ang mga kamay sa baywang.
"Oh? nasaan na ang sinasabe mong sorpresa?, na ikagagalak ko?" taas kilay na saad ni Wiena.Ngumuso si Treno na parang may itinuturo sa likuran. Lumingon si Wiena at ganoon nalamang ang gulat.
"Da-Damon!" utal at may diing saad ni Wiena.
Hindi makapaniwala si Wiena na nasa harapan na niya si Damon. Nanubig ang kanyang mga mata at agad na tumakbo patungo kay Damon, at inihagis ang sarili na agad ding nasalo ni Damon at niyakap ng mahigpit.
"Wiena..."
"Damon..."
Sabay na banggit nila Damon at Wiens.
Binuhat at inikot-ikot ni Damon si Wiena habang yakap ng mahigpit.
Tahimik silang napaluha sa galak, dahil sa tagal ng panahon ay nagkita din sila.Ibinaba ni Damon si Wiena at hinawakan ang magkabilang-pisngi.
"Wiena, totoo nga na narito kana sa tabi ko... na nahahawakan na kita, hindi ito panaginip?" lumuluhang saad ni Damon.
"Totoo ang lahat na ito Damon, kapiling na kita at kahit kailan man ay hindi na tayo magkakahiwalay," luhaang saad ni Wiena.
Inilapit ni Damon mukha para maglapat ang mga labi nila ni Wiena, ngunit naudlot ito nang tumikhim si Treno.
"Ahem! Ahem! Ahem! Ahem!"
"Treno!" desmayadong saad ni Wiena.
Natawa nalang si Damon at hinalikan ang noo ni Wiena.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Treno.
"Halika dito Treno," nakangiting saad ni Damon.
Nang makalapit na si Treno ay binuhat siya ni Damon, at niyakap si Wiena. Magkakayakap silang tatlong at ninamnam ang sandaling iyon, may mga luha ang kanilang mga mata, dahil sa galak na wakas ay nagkasama-sama na sila.
"Anong ibigsabihin nito!" galit at pasigaw na saad ni Curton. "Kaya pala napakabigat ng hangin! iyon pala ay narito ka! alam mo bang kapahamakan ang dala mo dito!" naglilitawan ang ugat sa leeg ni Curton sa kasisigaw habang nagsasalita.
"Ama! walang ginagawa si Damon nais lamang niya ako makita at makasama!" pagtatangol ni Wiena kay Damon.
Lumapit si Curton at hinila si Wiena at Treno palayo kay Damon. Samantala si Damon ay nanatiling tahimik at nakakuyom ang mga kamao, gustuhin man niyang patayin si Curton ngunit pinipigilan niya ang sarili, dahil ama ito ng taong mahal niya. Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya kay Wiena kaysa sa paghihiganti.
"Manahimik ka Dijana! Ilang beses ko bang sasabihin sayo ang maaring mangyari, kapag nalaman ng mga diyos at diyosa ang tungkol sa inyo! hindi lang ikaw ang mapapahamak, si Treno ang kawawa!. At maari pang magulo ang mundo natin!... kaya ikaw na lalake ka umalis kana dito!" galit na saad ni Curton, at marahas na tinuro si Damon.
"Aalis lang ako dito kapagkasama ko ang mag-ina ko!" seryosong saad ni Damon, matinding pagtitimpi ang ginagawa niya para hindi saktan si Curton.
"Kung mahal mo sila umalis ka! para sa kapakanan nila!"
"Ama pakiusap hayaan mo muna kaming mag-usap ni Damon," nagmamakaawang saad ni Wiena. Subrang dilim na ng mukha ni Damon, ayaw niyang magkagulo kaya mas mabuting awatin na niya bago magkainitan si Damon at ang kanyang ama.
"Sige, pagkatapos niyo mag-usap paalisin mo na siya!!" saad ni Curton, at binuhat si Treno na tahimik lang na nakikinig.
Umalis na si Curton kasama si Treno, samantala si Damon ay subrang dilim pa din ng mukha at nakakuyom ang mga kamao.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...