"D-Dijana, ilang sandali nalang ang itatagal ng buhay 'ko. Nais 'kong malaman mo na mahal na mahal ko kayo ni Treno, patawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa 'ko. Masaya ako na may nagawang mabuti bago tuluyang lumisan," saad ni Curton. At ibinuka ng bahagya ang bibig ni Wiena.
Lumabas ang itim na usok sa bibig ni Curton at pumasok ito sa bibig ni Wiena. Unti-unting nagkakamalay si Wiena at nasilayan ang ama.
"Ama..." namamaos na bigkas ni Wiena.
Nang matapos isalin ni Curton ang natitirang kapangyarihan niya unti-unti siyang naging itim na usok.
"Ama!—" sigaw ni Wiena at niyakap ang hangin dahil tuluyan na naging usok si Curton.
"Wiena..." Pukaw ni Damon sa tulalang si Wiena.
Nakatulala si Wiena at nagbalik tanaw noong nawala ang ama, upang pagalingin ang sugat mula sa pinsalang kagagawan ng diyosa na may kapangyarihang kadena. Pinahid niya ang luha at hinimas ang nakaumbok niyang tiyan, at mapait na ngumit ang dalawang lalake na importante sa kanya ay nagsakripisiyo upang iligtas siya, ang swerte niya at may mga nagmamahal sa kanya ng lubusan. Tumabi sa kanya si Damon at hinalikan ang umbok niyang tiyan.
"Naalala mo nanaman ba ang iyong ama?" tanong ni Damon.
Malungkot na tumango si Wiena. "Oo, naging masalimuot ang buhay ko nang malaman 'ko ang tunay kong pagkatao. Hindi ako naniniwala noon sa mga engkanto o aswang, tapos...." pagak na natawa siya at umiling-iling. "Tapos engkantada pala ako! ang malala pa'y ipapakasal ako sa gurang na Giblo na 'yon. "
"Hmmm..." ungol na sagot ni Damon, habang nakikinig kay Wiena. At pasimpling dinadampian ng halik ang leeg ni Wiena.
"Tapos nakilala kita," nakangiting saad ni Wiena. Natatawang tinapik ni Wiena ang hita ni Damon, dahil panay halik ito sa leeg niya.
"Ang bango mo talaga kung hindi kalang buntis," namamaos na saad ni Damon at pinisil ang puwetan ni Wiena.
Natatawang napatili si Wiena at kinurot ang tagiliran ni Damon. "Ano ba! iyan ka nanaman!"
"Anong iyan nanaman? hmmm?" nakakalukong ngisi ni Damon at panakaw na hinalikan ang nakangusong labi ni Wiena.
Humagikhik si Wiena at marahan na hinampas ang dibdib ni Damon. Hinuli ni Damon ang kamay ni Wiena at hinalik-halikan ito.
"Paano kaya kung hindi ako ginulo ni ama, makikilala ba kita?"
Isinubsub ni Damon ang mukha sa leeg ni Wiena at sininghot-singhot ito bago sumagot. "Oo, dahil hahanapin kita,"
Malakas na natawa si Wiena sa sagot ni Damon. "Paano mo ako mahahanap kung hindi mo ako kilala?" nalulukang tanong ni Wiena.
"Gagawa ang tadhana upang tayo ay magtagpo, kahit na sa anong paraan dahil ikaw ay akin ako'y sa 'yo lamang," sagot ni Damon.
Kinilig si Wiena at 'di maiwasan mamula ang mukha. Hinawakan ni Damon ang magkabilang pisngi ni Wiena at dahan-dahan na inilapit ang mukha.
"Ahem!"
Nahinto sila ng tumikhim si Treno. Hustong binata na si Treno sa edad na labinlima, maskulado na ang katawan nito at hindi halatang labinlima lamang ito lalo pa't laging seryoso ang mukha.
"Oh anak bakit?" nakangiwing tanong ni Wiena.
Habang si Damon ay seryoso lang na naghihintay sa sagot ni Treno.
"Pinapatawag na kayo ni ate Miya, magsisimula na ang pagdiriwang ng kaarawan ni Ligaya," seryosong sagot ni Treno.
"Sige anak, mauna kana at susunod nalang kami ng ama mo,"
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...