Chapter 10
"DAMON!!!" malakas na hiyaw ni Wiena nang tumalsik si Damon nang sipain siya ni Giblo.
"Ama pakiusap! patigilin mo na ang labanang ito!, ama kahit na manalo si Giblo sa labanang ito, at maipakasal mo ako sa kanya wala ring saysay! dahil hindi na ako birhin nakuha na ang aking kalinisan ni Damon!" lakas loob niyang amin sa ama. Wala na siyang maisip na ibang paraan para matigil ang labanang ito.
Napabaling ang mukha ni Wiena nang malakas siyang sinampal ng kanyang ama.
"Mana ka talaga sa nanay mo! mas lalo mo lang ginatungan ang apoy upang mas lalong lumiyab! kapag nalaman ito ni Giblo sa tingin mo bubuhayin pa niya ang mga taong pinagtatanggol mo?!. Sinira mo lang ang mga plano ko!" galit na saad ng kanyang ama.
"Sana 'di ka nalang nagpakita! galit ako sayo! pinatay mo ang tumayong magulang ko! bakit pa kasi ikaw ang naging ama ko!" puno ng hinanakit na saad ni Wiena
Nakaluhod na ang isang tuhod ni Damon at ang ang isang kamay ay nakatukod sa lupa. Putok at nagdurogo na ang kanyang labi. Nawala pansamantala ang kapangyarihan ng mutya dahil sa pulang buwan. Ngayon ay nahihirapan siyang makipaglaban dahil sa lakas na taglay ni Giblo, para nalang siyang langgam kung paglaruan ni Giblo.
Napalingon si Damon sa loob ng baryo dahil sinasalakay na ang mga tao doon ng mga aswang. Nagpuyos siya sa galit dahil wala siyang magawa upang mailigtas ang mga kasamahan, kahit siya ay nanghihina na.
Nakita ni Wiena na sinasalakay na ang loob ng baryo ng mga aswang, dahil wala na ang orasyong harang ni Damon. Naririnig niya ang hiyawan ng mga taong napapaslang, at iyak ng mga batang walang awang kinakain ng mga aswang. Subrang nahahabag si Wiena at gusto niyang tumulong, napapikit siya ng mariin at nakipagtitigan sa ama.
"Ama pakiusap hayaan nyo ko makawala, pangako sasama ako ng kusa sa mundo ng mga engkanto! gagawin ko lahat ng sasabihin mo! pakiusap ama!!" mangiyak-iyak na saad ni Wiena, dahil nakikita niyang nahihirapan na si Damon, at ang mga taong itinuring na niyang kapamilya ay nasabingit na ng kamatayan.
Ikinumpas ni Curton ang kamay at nawala ang usok na nakapalibot sa katawan ni Wiena.
"Tandaan mo oras na gamitin mo ang kapangyarihan mo, hindi ka na makakabalik sa pagiging tao. Handa ka bang isuko ang pagiging tao mo? kapalit sa pagtulong sa mortal na 'yan?"
Walang pag-aalinlangang tumango si Wiena. Huminga ng malalim si Wiena at pinakiramdaman ang sarili, pinakawalan niya ang nagtatagong kataohan ng kanyang sarili. Uminit ang buong katawan ni Wiena at napakagat labi nang manuot sa kalamnan niya ang sakit. Humaba ang buhok niya hanggang tuhod, at ang tainga niya ay humaba ng patulis, nagkaroon din siya ng pangil.
Natapos na magpalit anyo si Wiena at bago siya nagtungo kay Damon, nagpalabas siya ng mga kakaibang hayop upang tulungan ang mga tao sa loob ng baryo.
"Damon, marami akong gusto sabihin sayo ngunit wala na tayong oras para makapag-usap ng masinsinan," saad ni Wiena at mapait na ngumiti.
"W-Wiena..." nahihirapang saad ni Damon, dahil sa naninikip na dibdib.
Tumutulo na ang dugo niya sa ilong at bibig.Subrang nahahabag si Wiena sa kalagayan ni Damon at napaluha siya, nang malalim na suminghap si Damon, para habulin ang hininga.
"Huwag kang makialam Wiena!" saad ni Giblo, ang boses nito ay parang dumagundong na kulog.
Hinawakan ni Wiena ang mutya ni Damon at pumikit, at nag usal ng orasyon ng paglipat. Ililipat niya ang kalahating kapangyarihan sa mutya ni Damon, para gumana ito kahit may pulang buwan.
Umatake si Giblo ngunit bigo itong makalapit kina Wiena at Damon, dahil napapalibutan sila ng itim na harang na ginawa ni Wiena, upang hindi maantala ang ginagawa niya.
Tangil atungal at atake sa itim na harang lang ang nagagawa ni Giblo.
BINABASA MO ANG
Hahamakin Ang Lahat
FantasyNagtagpo ang landas nila Damon at Wiena sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinagmulan nila ay magkaiba. At may kanya-kanyang tinatago sa kanilang pagkakatao. Pag-ibig ba nila ay magtatagumpay? Kakayanin kaya nila ang lahat na mga pagsubok na darating...